Kringgg!!! Kringggggg!!! (Alarm clock lang yan)
Nagising ako sa malakas na tunog ng aking alarm clock agad ko itong pinatay at pinabayaan na mahulog sa sahig. Araw ng Sabado ngayon wala na namang bago sa buhay ko.Tumayo ako at bumaba na para mag almusal tsaka gutom nadin ako. Sa susunod maaga na akong matutulog para hindi na ako magising ng tanghali.
"Good morning ma"bati ko kay mama ng makita ko siya galing sa kusina dala-dala ang paborito kong pagkain.Uwuu tiyak busog nanamn ako nito.
"Good morning din baby Liah"nakangiting saad ni mama.
"Ma sabi ko naman sayo na wag mona akong tawaging baby, 18 years old na ako! Di na ako bata!"ayaw ko talagang tinatawag na baby ni mama like duh hindi na ako elementary noh.
"Oh? Pake mo ba kong bini baby kita, pag ako tumawag sako ng baby nagagalit ka pero pag si Ash hindi! Sarap mong pektusan anak! Teka,bakit tinanghali ka nanaman ng gising!? Naka pameywang na tanong ni mama.
"Ah eh kase po hihihi tumawag po si Ashton eh napasarap po usapan namin kaya inabot ng alas dos ng m-madaling araw" sagot ko kay mama, nahihiya talaga ako pag si Ashton Win ang pag-uusapan namin.
"abay hindi na yan maganda anak ah! Bakit kayo na ba? Sinagot mo na?Kailan mo ba sya ipapakilala sa akin? " hayst si mama talaga ang kulit.
"ma naman eh! Sorry po, eh ma h-hinde k-ko pa po s-sya s-sinasagot." tengina bat ako kinakabahan.
"Oh bakit ka nauutal? Haha alam mo anak alam kong mahal mo si Ash pero bakit hindi mo pa sya sinasagot? Sabi mo halos limang taon ng naghihintay sayo ang binatang iyon? Anak baka magsisi ka sa huli pag si Ash napagod kakahintay sayo, anak hindi naman sa gusto ko na mag ka nobyo kana pero tumatanda na ako hindi natin alam kong kailan ako mawawala kaya habang nandyan si Ash para sayo kampante ako.Anak wag mong sayangin yong taong nandyan para sayo, para mapasaya ka, na handang mahalin ka. Kitang-kita ko sa mata mo na mahal mo siya pero natatakot kalang sumubok, natatakot ka sa salitang commitment." sa mga sinasabi ni mama alam kong seryoso sya.
"Pero ma what if-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ng mag salita muli si mama
"Anak tandaan mo pag mahal mo ang isang tao wala ng what if what if yan,ganyan din ako sa papa mo noon pero di ko pinansin iyon dahil ang tanging iniisip ko lang ay mahal ko ang papa mo" magsasalita pa sana ako kaso biglang tumunog ang cellphone ko, nakita ko na may nag text
"oh syah!aalis muna ako anak, kumain kana dyan, I love you " hinagkan ako sa pisngi ni mama bago sya umalis.
Tiningnan ko ang message at agad kumurba ang ngiti sa aking mga labi ng mabasa iyon.
"Good morning Ryzelle,10:50 pa namn kaya morning pa, don't forget to eat your breakfast." Ang sweet talaga ni Ashton, pero bakit di ako kagaya noon na pag nag text sya kinikilig ako, parang may kulang, dati may I love you sya sa bawat text niya pero ngayon wala, first time to ha. Sa halip na mag text ay tinawagan ko sya pero ng subukan ko iyon busy ang kanyang linya baka kausap niya ang pamilya nya oh kaibigan,tinawagan ko ulit ang number nya hindi na ito busy ngunit nag ri-ring lang ito, bakit hindi niya sinasagot?! hayst gaga wag kang mag isip ng kong ano-ano Liah!
Dahil sabado naman ngayon wala akong magawa dito sa bahay, natapos ko na din ang mga project at assignments ko damn! ang hirap mag HUMSS.Kinuha ko ang chips sa ref at agad nagtungo sa sala para manuod ng TV, ano na kaya ang nangyari sa Love in Sadness. Nang i-on ko ang tv balita agad ang nakita ko.Napabalita na may shooting star mamayang alas dose ng madaling araw kaya maaari ka raw humiling ng mga bagay na gusto mo ngunit hindi ako naniniwala sa mga ganyan sa mga wish-wish na yan kasi wala namang proweba na totoo ang mga yon. They are just only a small pieces of rocks or metal burning in the atmosphere.Charot english yon sis wag nyo akong e judge kasi wala kayo sa supreme court. Pero balik tayo sa wish, naalala ko yong sinabi ni mama kanina"pano nalang kong mapagod si Ashton" is it possible? Alam kong mahal ako ni Ashton at hindi sya susuko kasi nangako sya sa akin.Pinanghahawakan ko yong pangako namin sa isat-isat pero siguro tama si mama pag mahal mo ang isang tao handa kang sumugal at isa pa hindi ko kayang mawala si Ashton, siya yong taong ipaparamdam nya sayo na kamahal-mahal ka,pinapasaya nya ako sa tuwing akoy nalulungkot,gumagawa sya ng paraan para gumaan ang aking pakiramdam, karamay ko palagi si Ash at ayaw kong sayangin ang isang taong kagaya nya mahal na mahal ko sya.Mamayang alas dose susubukan kong humiling wala naman atang mawawal pag humiling ako diba, tsaka sasabihin ko na din sa kanya ang sagot ko. Sinisigurado kong mamaya ang pinaka magandang araw, oras, petsa sa buong buhay ko.Nahinto ako sa pag-iisip ng kong ano-ano ng may nag text