1 • First Encounter
Kateryn's POV
Hinahanda ko na ngayon lahat ng mga gamit ko... Bags, Damit, Hygiene Kit at marami pang iba. Meron kasing sariling dorm ang school na papasukan namin. Sabi nila Daddy, sa dorm nalang daw kami tumira for this school year para tipid sa gasolina. Sumang-ayon din naman yung mga parents nila Ariana, Belle at Savannah. Sa iisang dorm room kaming apat nakapwesto. Malawak kasi ang bawat dorms nila may limang kama at kumpleto na rin sa gamit. Mamahaling school kasi eh. Bumaba na ako ng hagdan at lumabas. Ilang sandali pa ay dumating na ang kotse ni Ariana.
"Kateryn! Halika na! Dali!" Ngiting-ngiting sabi ni Ariana na nasa driver's seat. Siya kasi ang palaging nagdadrive at sumusundo sa aming magbabarkada. Apat kami, Puro babae. Nakatira kami sa iisang village and besides, Ang mga parents namin bestfriends din, Kaya comfortable sila kapag kami ang magkakasama.
Back to the story, Agad akong tumakbo at pumunta sa backseat at sumakay.
"Babye Mommy!" Paalam ko kay Mommy na nasa tapat ng pintuan. Nag-wave naman siya ng hands niya.
Kumpleto na kaming apat dito sa sasakyan kaya dumiretso na kami sa Adamson High School, Dun kami papasok. Puro kami transferee, Kaya magiging exciting ang pagpasok namin dun!
Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa School kaya bumaba na kami...
Naglalakihang buildings, Mga magaganda at gwapong students, Mga professional teachers at kung anu-ano pang magagandang bagay ang nakita ko pagkababa ko pa lang sa kotse. Saglit na pinark ni Ariana ang kotse sa parking lot. Naglalakad kami ngayon patungo sa Guards' House, Twenty ang guards dito, Hindi na ako magtataka dahil napakalawak nitong school na toh, Hindi mababantayan kung iisang guard lang ang meron.
"Ang ganda ng school na toh noh?" Amaze na sabi ni Belle habang patingin-tingin pa rin sa paligid.
"Maganda ang school... Pero ang tanong, Ano kayang kaugalian meron ang mga estudyante rito?" sabat ni Savannah. May point siya pero dapat think positive di ba?
"Ano ka ba! Savannah! Think positive!" Masiglang sabi ko. Nginitian niya lang ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Tumakbo na rin palapit sa amin si Ariana. "Huwag mo naman kaming i-threatened." dagdag pa ni Belle.
"Ang bilis mo naman magpark Ariana." Sabi ko sabay hinintay siya. Yung dalawa naman, Sila Belle at Savannah, Naglakad na papunta sa office. Teka, Di pa nga namin alam ang office dito eh... Saan ba yun ulit?
"Natandaan mo ba kung saan yung office nila dito Ariana?" tanong ko...
"Hindi rin eh... Ang lawak kasi ng school na toh, Marami na rin sigurong naligaw dito..." sabi niya... Yung dalawa naman ay hinintay kami... Sabay sabay na kaming naglakad... Nang makita namin ang isang babae, Mukhang ka-edad lang din namin... Lumapit ako sa kanya at nagtanong. Sumunod naman sa akin sila Belle, Ariana at Savannah.
"Uhmm, Hi Miss Pretty! Transfere kami dito, Sa'n ba dito ang main office?" ngiting-ngiting tanong ko.
Tinaasan niya ako ng kilay... "Mukha ba akong tanungan ng mga places dito sa school? Atsaka, Alam kong magand ako, No need to say. Di ko rin tinatanong kung transferee ba kayo o Hindi." Sagot niya sabay umalis...
"T-Teka! Hoy Babae Ga---assdgjkllahd." Sigaw ni Savannah pero tinakpan na ni Belle ang bunganga niya... Nang huminahon na siya, tinanggal na ni Belle ang kamay niya...
"Oh yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Maganda ang school, pangit ang ugali ng mga students. Tsk." Sabi ni Savannah matapos takpan ang bunganga niya.
BINABASA MO ANG
Pienry High School
Ficção AdolescentePuro awayan, kaguluhan at war ang nangyayari sa isang school dahil sa gang wars. Pero, papaano kung mapasok ng mga maldita, amazona at matataray na girls ang school na ito? May mabuo kayang love? Read this now! :")