"Magagawa mo ba ang lahat ng challenge ko sa'yo?", seryosong saad ko sa aking nobyo na ngayon ay sinusuklayan ang buhok ko.
"Kung ikakasaya mo, bakit hindi?", sambit niya na animo'y nakangiti.
"Then break up with me.", mabilis kong tugon.
Natigilan naman ito sa kanyang ginagawa at hinarap ako.
"What?", bigkas nito na tila hindi makapaniwala.
"Hiwalayan mo ako. And I challenge you that.", muli kong pag-uulit.
"Ano bang kalokohan 'yan?",
This time, nakakunot-noo na siya.
Hindi ko na rin maipinta ang mukha nito dahil sa sobrang bigla."Hindi ito kalokohan. I want you to break-up with me, Paulo.", diretsang sabi ko.
"No. Hindi kita hihiwalayan. Hindi ako baliw para sundin ka. Tapos ang usapan.", he said.
"Pero sabi mo, magagawa mo--",
"Yes. I can do whatever challenge you want. Pero yung hiwalayan ka? Hindi 'yan magandang challenge para gawin ko.", inis na n'yang turan.
"Just do it, Paulo. Wala namang mawawala kung hiwalayan mo ako.", pagmamatigas ko para kumbinsihin ito.
"Are you out of your mind? Pinaghirapan kita. Niligawan kita sa harapan mismo ng magulang mo. At naging tayo for almost 3 years. Tapos sasabihin mong walang mawawala? Ghad Sheila! Nasa'n ba ang utak mo?", saad niya na medyo tumaas na rin ang boses.
"Basta gawin mo na lang. Kalimutan mo na rin ako. Kalimutan mo na naging tayo.", mahina kong tugon.
"Bakit mo ba pinipilit sa akin na gawin 'to?",
"B-because y-you don't deserve a girl like me, Paulo.", nauutal kong sagot.
"A-anong ibig mong sabihin?", he asked me.
"I'm pregnant.",
"--At h-hindi ikaw ang ama.", yukong sabi ko.Hindi ko s'ya magawang tingnan dahil sa kahihiyan.
"N-nabuntis ako.",
"--Nabuntis ako ng kapatid mo.", pagpapatuloy kong wika."Pinaprank mo lang ako, babe. Kilala na kita. Mahilig kang mangprank sa akin, diba? So I don't believe you.", pagsasambit ng lalaki na tila hindi siya naniniwala.
"I'm serious, Paulo. Hindi ako nagbibiro.", saad ko ulit at lakas-loob ko s'yang tinitigan sa mata.
Narinig ko ang buntong-hininga nito na tila pinipigilan ang galit.
"I respect you, Sheila. H-hindi kita ginalaw. D-dahil nangako ako sa magulang mo na hihintayin kita.",
"--P-pero b-bakit ganito ang sinukli mo sa akin? B-bakit sa kapatid ko pa?", nangangaratal na pahayag niya.Nakita ko rin sa mata niya na may nabubuong luha sa gilid nito.
"S-sorry.", tanging bigkas ko at tumayo.
Nasasaktan rin ako.
Pero ito ang tamang desisyon para hindi na s'ya masaktan ng husto."Let's end this now. Let's break-up.", huling saad ko at tinalikuran siya.
Tuluyan na ring bumagsak ang aking luha sa pisngi, dahil sa sakit na nararamdaman ko.Hindi ko ginustong lokohin si Paulo.
Dahil ang totoo n'yan, biktima lang ako.
Biktima lang ako ni Ryan.Because I was raped by his brother.
At ayokong sabihin 'yon sa kanya, kasi ayokong masira ang relasyon nilang magkapatid.
©Binibining_Timoji
BINABASA MO ANG
I challenge my boyfriend to break up with me
Historia CortaA very short story💓 Sana kahit papano, may matutunan kayo.