Part 2 (I challenge my boyfriend to break up with me)
Sheila POV:
"Please, bawiin mo sinabi mo kanina babe. Ginogoodtime mo lang ako diba?", sambit ni Paulo nang habulin niya ako.
Nakayakap na rin siya mula sa aking likod at pinipilit ako na bawiin ang lahat.
Yung boses ng binata, halatang umiiyak na rin.
And this is the first time na makita ko s'yang lumuluha at nagmamakaawa.
But still, tinatagan ko ang loob ko para tuluyan na akong makawala mula sa mga braso niya.
"Pakawalan mo na ako, Paulo. H-hindi na ako masaya. H-hindi na rin kita mahal.", saad ko habang patuloy na umaagos ang aking luha.
Damn it!
I lied."NO. Kahit anong gawin mo, hindi kita papakawalan. K-kung nabuntis ka ng kapatid ko, then it's okay. Handa akong panagutan 'yan. Handa rin akong kalimutan ang nangyari sa inyo. J-just don't leave me, Sheila.", wika nito na halos nagsusumamo na 'wag ko siyang iwan.
Ang bait niya masyado.
Nahihirapan tuloy ako sa kalagayan niya."Paulo naman. Hindi pa ba malinaw sa'yo? Hindi na kita mahal. Kaya nga nagkaroon kami ng relasyon ni Ryan dahil ang boring mo! Napaka-boring mong tao! And I hate it.", pagsisigaw ko.
Kahit anong salita na rin ang lumalabas sa bibig ko para matigil na ang katangahan niya.
Ayoko s'yang maipit sa sitwasyon na ako ang nagkamali.
Because at the end, siya ang maaapektuhan at hindi ako."W-what did you say? N-naging kayo ng kapatid ko? Paano nangyari 'yon?", sunod-sunod na tanong niya.
"Oo. Naging kami. Palihim na naging kami habang tayo pa.",
"--Tinimer kita, Paulo. At sana matanggap mo 'yon.", mariin kong sambit.Napakagat ako ng labi nang unti-unti s'yang bumitaw sa akin.
Inalis na rin nito ang pagkakayakap sa katawan ko at bahagya akong nagulat nang marinig ko ang pagwawala niya."SA'N BA AKO NAGKULANG, SHEILA?",
"--Sa pagkakaalam ko, lahat ng gusto mo ginawa ko. Minahal kita ng buong-buo, pero bakit ang sakit mong mahalin?!",Hindi ako naka-imik, kasi feeling ko, anytime, manlalambot ang puso ko.
At para hindi na magbago ang isip ko, humakbang na ako palayo sa kanya at hindi ko siya hinarap.
Kaso may isang kataga s'yang sinambit dahilan para matigilan ako.
"Isang hakbang mo pa, Sheila. Isang hakbang mo pa at tuluyan na kitang papalayain.", bigkas nito na tila binibigyan pa ako ng pagkakataon para bumalik at yakapin siya.
Pero hindi ko magawa.
Hindi ko magawang sundin ang puso ko dahil sa isang sulok, nakatingin ang kapatid niya sa amin.Ang tingin na may pagbabanta.
Nakangisi ito at pinapahiwatig na papatayin niya si Paulo."I love you.", tanging saad ng aking isip.
At sa huli, humakbang muli ako.
Senyales na tinatapos ko na ang relasyon namin ng boyfriend ko.©Binibining_Timoji
BINABASA MO ANG
I challenge my boyfriend to break up with me
Historia CortaA very short story💓 Sana kahit papano, may matutunan kayo.