Part 3 (I challenge my boyfriend to break up with me)
___Sheila POV:
"Are you now happy?", sakrastikong sambit ko sa kapatid ni Paulo.
Magkasama kami ngayon para siguraduhin na may isang salita siya.
"Hindi lang masaya, Sheila. Masayang-masaya.", saad nito at inamoy ang leeg ko.
Naramdaman ko na bahagyang dumampi ang labi nito sa akin, kaya agad akong lumayo at tinitigan siya ng masama.
"Oh, bakit parang hindi ka na sanay? Ginawa na natin 'to, diba? At aminin mo man o hindi, nasarapan ka.", wika ni Ryan na may kamanyakan sa pananalita.
"-Pero kung hindi mo maalala ang gabing pinagsaluhan nating dalawa, meron akong video na hawak. Do you want to watch it, darling?", mapang-akit na turan ng binata bilang patuloy.
Pinakita nito ang cellphone na hawak n'ya, dahilan para mabuo ang pangamba sa dibdib ko.
Binablackmail niya ako!
"Ibigay mo na sa akin 'yan.", mariin kong bigkas.
"Chill ka lang Sheila. Hindi ko naman ipagkakalat kung gaano ka ka-wild pagdating sa kama. Basta gawin mo lang ang gusto ko.", litanya ni Ryan at tumawa na parang demonyo.
"Sinet-up mo ako.",
"--Hindi ako magiging ganyan kung hindi mo nilagyan ng drugs ang iniinom ko.", pagtuturan ko sa lalaki.Bigla kasing umiba ang kilos ko no'n, at tila uminit ng sobra ang katawan ko.
I tried to stop myself for doing it, kaso mapwersa n'ya akong hinalay at ginalaw.
"But you like it, darling."
"--At halata sa video na ginusto mo rin ang pakikipagtalik sa akin.", muli nitong sabi.Napapikit ako ng mata at pinipilit kong pakalmahin ang sarili.
Gustuhin ko mang isumbong ito, napangungunahan ako ng kaba at kahihiyan.
Dahil sigurado ako na itatakwil ako nila mama.
Ikahihiya nila ako sa pamilya.At higit sa lahat, natatakot ako sa pwedeng mangyari kay Paulo.
Ryan is a totally criminal.
Nagawa nitong pumatay ng tao, kaya hindi na ako magugulat kung gawin n'ya rin ito sa kapatid niya."F-fine. I'll do what you want.",
"--H'wag mo lang ikalat 'yan. At 'wag na 'wag mong dadamayin si Paulo.", pagdedesisyon ko.Wala na yata ako sa tamang pag-iisip.
But I don't have choice anymore.
"Then good. Bukas na bukas, do'n ka na sa amin, titira. Sa iisang kwarto tayo matutulog, darling.", pagbubulong nito sa aking tenga.
©Binibining_Timoji
BINABASA MO ANG
I challenge my boyfriend to break up with me
Short StoryA very short story💓 Sana kahit papano, may matutunan kayo.