Part 4

1.4K 54 0
                                    

Part 4 (I challenge my boyfriend to break up with me)

Sheila POV:

Mahirap para sa akin na tingnan sa mata si Paulo.

Ang awkward lang dahil nandito na ako nakatira sa bahay nila.
Sa bahay na dapat sana kami ang mag-asawa, pero kabaliktaran ang nangyari.
Dahil sa halip na siya ang makasama ko, yung kapatid niya pa.

Oo, pumayag ako.
Pumayag ako na dito tumira.

Nagsinungaling ako kila mama.
Ang sabi ko, lilipat lang ako ng apartment para hindi ako mahirapan na pumasok sa campus.

Hindi pa malaki ang t'yan ko dahil two weeks palang ang dinadala ko.

"Magiging asawa ko na si Sheila, bro. Kaya sana, maging maayos ang pakitungo mo sa kanya.", saad ni Ryan para basagin ang katahimikan.

Nakayuko lang ako at pinipilit ko na iwasan ang titig niya.

"Wala ba kayong pakiramdam?", bigkas nito na puno ng hinanakit.

"Paulo, ano bang--",

"Kuya, naging girlfriend ko siya.",
"--Alam mo kung gaano ko siya kamahal.",
"--Tapos gusto mo, dito pa tumira ang babaeng 'yan?!", saad ulit niya na animo'y tinuturo ko.

"H'wag mong sabihin na hanggang ngayon, hindi mo pa rin matanggap na wala na kayo?", balik na turan ng katabi kong lalaki.

"Tatlong taon. Ganyan katagal ang relasyon naming dalawa. Do you think gano'n kadali ang makalimot?", pagalit nitong sabi.

"Wala akong pakialam sa pesteng sitwasyon mo, kapatid.",
"--Kapag sinabi kong dito na titira si Sheila, dito siya titira.",
"--Kung ayaw mo s'yang makasama at makita, edi umalis ka sa pamamahay na 'to.",
"--Mas maganda nga kapag wala ka, dahil tiyak magiging masarap ang pagsasama namin.", mahabang wika ni Ryan.

Nanatili akong tahimik habang kinakalikot ko ang aking kamay.

Nagiging mainit na kasi ang salitang lumalabas sa bibig nila.

"Hindi mo ako mapapaalis dito. May karapatan ako sa bahay na iniwan ni papa.", matigas na sambit ng binata.

"--Pero kung maglalampungan kayo, sana naman hindi ko marinig at makita.", saad niya muli at tsaka tumayo.

Sa puntong ito, ramdam ko na nakatingin pa rin si Paulo sa akin.

Kaya dahan-dahan kong ini-angat ang aking ulo para tingnan siya.

At nasilayan ko do'n na puno siya ng galit at pagkasuklam.

"Buong akala ko, kilala na kita, Sheila. Pero hindi pa pala.",
"--Mas makati ka pa sa mga babaeng bayaran.",
"--Sarili kong kapatid, pinatulan mo.", sambit niya at sinipa ng malakas ang mesa bago tuluyang umalis.

©Binibining_Timoji

I challenge my boyfriend to break up with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon