Napakalakas ng tunog ng kampana ng malaking simbahan sa plaza ng San Antonio Labrador. Araw ngayon ng linggo kung kaya’t ang daming tao sa bayan subalit nag iisa ang dalagang si Corazon na nakasandal sa malaking puno sa gilid ng simbahan.
“Binibining Corazon tinatawag na po kayo ng inyong ina at magsisimula na ang misa.”,tawag ni Marites at napatingin sa dako sa nagsalita ang tahimik na si Corazon.
Dahan dahan siyang tumayo at pinagpag ang saya niya. Sumunod naman agad siya kay Marites.
“Corazon, bakit hindi ka sumali sa mga ilang dalagitang Binibining iyon?”,tanong ni Doña Felita sa anak bagama’t siyay nag aalala sa katahimikan nito.
Batid din niyang wala itong mga kaibigan. Kahit pinapayagan niya itong makisalamuha sa mas mababa pa sa kanilang pamilya ay hindi naman nito ginagawa.
“Ina, kailangan ko po bang sumali sa walang kabuluhang pag uusap nila?”,balik na tanong ng katorse na si Corazon.
Tinitigan lang ni Doña Felita ang anak bilang sagot. Kahit siya ay hindi maintindihan ang ibig sabihin ng anak. Pormal lang itong nakaupo sa tabi niya at ng kanyang asawa. Wala silang problema sa anak bagama’t napakamasunurin nito at kaaya ayang dalagita. Iyon nga lang ay napatahimik nito at hindi palakaibigan.
Hinimas niya ang buhok ng kanyang anak. Tumingin si Corazon sa kanyang ina at pilit na ngumiti. Iyon din ang isa pa, hindi ito palangiti at lalo nang hindi ngumingiti sa ninuman maliban sa kanya at kay Don Hernan.
Natapos ang misa at agad umuwi si Corazon kahit pa inimbeta siya ng kanyang ama na dumalo sa kaarawan ni Don Lucio de Labrador, ang gobernadorcillo ng bayan. Alam niyang mababagot lang siya sa dami nang taong naroroon. Kahit ayaw ng kanyang ama na pauwiin siya ay wala itong nagawa. Kailangan nitong pumunta sa piging kung ayaw nitong magtampo ang gobernadorcillo. Isa pa naman ang pamilya niya sa mga pinakamalapit na Principalia ng gobernadorcillo sa bayan.
“Marites, ikaw muna ay umalis sa aking silid. Gusto kong mapag-isa at nakakadisturbo lamang ang iyong presinsya.”,utos ni Corazon sa nakatayong si Marites sa gilid ng kanyang kama.
Nakahiga ngayon si Corazon habang nakatitig sa kisame. Isinarado naman ni Marites ang silid ng dalagitang Binibini at lumayo doon. Bagama’t alam niyang hindi magugustuhan ng kanyang Binibini kung manatili siya sa pintuan.
“Alam na ba ni inang nagbalik na ako?”,tanong ni Corazon sa kanyang sarili at napangiti.
“Hindi siya matutuwa kung malalaman niyang nandito ka Raseng, batid mo iyon.”,sagot naman ni Corazon sa tanong niya kanina.
Bumangon siya at humarap sa pangboung katawan niyang salamin.
“Nagawa nilang paalisin ka noon kaya magagawa ka rin nilang itaboy ngayon.”,wika na naman ni Corazon sa sarili na nakatingin sa kanyang imahe sa salamin.
“Ngunit batid kong matutuwa si ama kung malalaman niya Coreng.”,wika ulit ni Corazon sabay kuha ng suklay.
“Makinig ka Raseng sa mga sasabihin ko sa iyo. Mas ikabubuti mo kung sumunod ka sa gusto ko.”,inihampas ni Corazon ang kinuhang suklay kanina sa sahig.
“Subalit ayokong manatiling nakatago Coreng! Ayokong parating nagpapanggap na ikaw!”,sigaw ni Corazon sa sariling imahe sa salamin kung kaya agad napatakbo si Marites sa silid ng kanyang Binibini.
“Ano po ang nangyayari sa inyo Binibini?”,tanong ni Marites mula sa labas.
Napatingin ng masama si Corazon sa imahe niya sa salamin na para bang inaaway niya ito.
“Raseng makinig ka, ayokong mawala kang muli sa aking piling. Hindi mo alam kung anong hirap ang aking dinanas noong pinaalis ka ni ina.”,bulong ni Corazon sa imahe niya sa salamin.
Agad namang nalungkot ang mukha ni Corazon. Hinamis niya ito sa salamin.
“Ipagpaumanhin mo Coreng ang aking pagsigaw. Marahil ay pinoprotektahan mo lang ako mula kay ina.”,tumango tango siya na parang sinang-ayunan ang sarili bago nilinis ang lalamunan.
“Walang nangyayari Marites. Maaari ka nang bumalik sa kung ano man ang iyong ginagawa.”,utos ni Corazon na siyang ipinagtataka ni Marites.
Matagal na si Marites sa pamilya dela Concepcion kaya alam niya ang ikinikilos ng bawat isa na nasa mansion.
“May narinig po akong kinakausap ninyo Binibini.”,nagbukas ang pintuan at yumuko si Marites bilang paggalang.
“May nakikita ka bang tao o kung sino sa aking silid? Sino naman ang kakausapin ko kung ako lang mag isa rito?”,balik na tanong ni Corazon sa kanyang katulong.
Hindi makapagsalita si Marites at inilibot ang tingin sa silid. Wala ngang tao subalit nakarinig siya ng malaking boses ng babae.Nanlaki ang kanyang mga mata ng maalala ang nangyari sa kanyang Binibini noong anim na taon pa lamang ito.
“Bumalik na ho ba si Señorita Rasilita, Binibini?”,tanong ni Marites na ikinagulat ni Corazon.
BINABASA MO ANG
CoRaZon
Historical FictionDadalhin tayo ng kwentong ito sa panahon ng mga Kastila sa mga iilang taon bago maisakatuparan ang Maura Law na ibig baguhin ang mga karapatan ng mga Principalia kung saan makikilala ang isang tinuringang baliw na si Corazon sa bayan ng San Antonio...