“Marites ano ang ginagawa mo sa iyong Binibini?!”sigaw nito pagbukas ng pintuan sa silid.
Kinikiliti ni Marites si Corazon sa kama na siyang ikinagulat ni Doña Felita. Namulat ang mata ni Corazon at napatingin sa kamay ng kanyang katulong na nasa tagiliran niya. Pilit siyang ngumiti at tumingin sa ina.
“Ina, ipagpaumanhin niyo po ang aming paglalaro ni Marites.”titig na titig si Marites sa sahig habang nagdududa ang Doña.
“Hindi ko batid na kaibigan mo pala itong si Marites.”
“Hindi niyo po ba naaalala ina na inyo po akong pinayagan na makisalamuha at makipagkaibigan sa may mababang estado sa ating bayan?”tanong ni Corazon at natauhan si Doña Felita.
“O’siya, nandiyan ang mga karapat dapat mong maging kaibigan. Maghanda ka ng kanilang merienda Marites.”,utos ni Doña Felita sa dalawa.
Umalis na ito kaya sumunod na ang dalawa na nagkangitian pa.
Tuwid kung naupo si Corazon sa mahabang silya kaharap ang karapat dapat daw niyang maging kaibigan.
Napatitig siya sa isa sa mga ito na lubos na maganda. Nakasuot ito ng kulay gintong baro’t saya.
“Iyan ba ang gusto mong baro’t saya, Raseng?”tanong ni Corazon kay Rasilita mula sa kanyang isipan.
“Subalit hindi ko nakikita ang iyong nakikita Coreng.”,reklamo ni Rasilita kaya agad napasimangot si Corazon na nakatingin sa nakagintong baro’t saya na si Laura.
Pati ang apat pang kasama nila sa salas ay napatingin na rin kay Laura na siyang sinisimangutan ni Corazon.
“May hindi ba kaaya-aya sa aking sout, Binibining Corazon?”,tanong ni Laura sabay pagpapakita ng kanyang pinakamatamis na ngiti.
Gustong gusto niyang maging kaibigan si Corazon dahil magaling itong magburda at tumugtog ng piyano. Gusto niya sanang magpaturo kung siswertehing maging kaibigan ni Corazon.
“Ikaw ba ang anak ni Ginoong Alfredo?”tanong ni Corazon kay Laura.
Hindi ito ngumiti at tinitigan lang ang tinatanong. Kasabay naman nun ang paglapat ni Marites ng mainit na tsokolate at mga kakanin sa lamesang nasa harapan ng mga bisita ng puno ng galang. Nakayuko pa itong umalis.
“Ako nga, Binibini.”sagot naman ni Laura.
“Kung gayun sino ang mga kasama mo?”,sunod namang tanong ni Corazon at napatingin sa apat na kasama nito.
“Ako nga pala si Valentin de Labrador, pamangkin ng gobernadorcillo.”,pagpapakilalang una ng dalagitang trese pa lamang ang edad na nakasuot ng kulay asul na baro’t saya. Ikunumpas pa nito ang kaniyang abaniko na parang ipinagmamalaki niya ang kanyang pamilya.
“Hindi mo ba ako natatandaan Coreng?”,biglang nagsalita ang nasa gitna ng limang mga bisita kung kaya’t napatingin si Corazon sa kanya.
“Ako ito si Anita, ang iyong tig-iisang pinsan.”,wika nito na masayang masaya at paniguradong magiging kaibigan siya ni Corazon dahil pareho ang kanilang dinadalang apelyido.
“Ipagpatawad mo ngunit hindi kita naaalala o nakikilala.”,sagot ni Corazon na ikinatuwa naman ng tatlo maliban kay Laura.
“Hindi kaaya-aya ang inyong ginawa. Hindi nakakatawa ang sinabi ni Binibining Corazon kay Anita kung kaya’t magsitigil kayo.”saway ni Laura at napangiti si Corazon.
“Gusto ko siyang maging kaibigan Coreng.”wika ni Rasilita sa kaloob looban ni Corazon.
“Subalit hindi mo magugustuhan ang kanyang sout kung iyo lamang nakikita.”,sagot naman ni Corazon.
“Siya ay nakagintong baro’t saya at kumikinang ang kanyang ganda. Malamang ay kahuhumalingan siya ng mga binata kung papasyal sa plaza.”,dagdag ni Corazon.
“Ayokong matalbugan ang isang dela Concepcion ng isang hamak na anak ng isang may-ari ng maliit na pagamutan.”tugon ni Rasilita.
“Subalit mas nakabubuting kaibiganin ang kaaway kaysa ituring itong kaaaway, hindi ba Coreng?”tanong ni Rasilita at napangiti si Corazon.
“Nais kong dumalaw sa inyong maliit na pagamutan sa susunod na araw, Laura.”,wika bigla ni Corazon na ikinatuwa ni Laura.
“Kung gayun ay maghahanda ako sa iyong pagpunta, Corazon.”,tugon ni Laura at nagngitian silang dalawa dahil sa pagbitaw ng paggalang sa pagbibigkas ng kanilang mga pangalan.
Nakatitig lang sa malayo si Marites sa kanyang Binibini at sa kangitian nito. Nakikita niya ang damdaming nangingibaw sa dalawa at iyon ay hindi pagkakaibigan kundi hidwaan.
“Ano ang iyong sinisilip riyan Marites?”biglang tanong ni Doña Felita. Napatalon sa gulat ang dalaga at napayuko.
“Wala po Doña Felita.”,sinamaan lang ng tingin ng Doña ang katulong at ngumiting naglakad patungo sa anak at sa mga bisita nito.
“Ina, sila ay makakaalis na’t magpapahinga na ako.”,wika ni Corazon na ikinagulat ng mga bisita.
Hindi pa nila lubusang nakilala si Corazon o natanong man lang. Ang dalawang daladgita ay hindi pa nakakapagpapakilala.
“Hindi ba’t magbuburda kayo kung kaya’t naparito kayo sa aming..”napatingin si Corazon sa dala dala ng mga dalagita. Gamit iyon sa pagbuburda.
“Nakakalimutan niyo na ba inang ayokong magburda sa araw ng linggo?”,natigil si Doña Felita sa itinanong ng anak. Alam niyang ayaw nito ang mga dinala niyang bisita. Napalinis siya ng kanyang lalamunan at pinauwi ang mga dalagitang dinala.
“Hindi mo ba sila nagustuhan anak?”,tanong ni Doña Felita ng makabalik at nakitang nakaupo pa rin si Corazon sa mahabang silya.
“Sinong Binibini ang matutuwa kung magdadala ka ng isang bisitang kumikinang sa ganda?”,tanong ni Corazon. Nagmukha siyang walang galang sa pagtatanong na iyon.
Nilapitan siya ni Doña Felita at mahigpit na hinawakan ang kanyang braso.
“Si Laura ang pinakamagandang dalaga sa ating bayan kung kaya’t kakaibiganin mo siya, ganun na rin si Valentin.”,puno ng pag uutos na wika ni Doña Felita at pahampas na binitawan ang braso ni Corazon.
“Kailangan ko bang maging kaibigan ang anak ng mga Principales dahil kailangan ko sila o dahil kailangan ni ama?”
“CORAZON! ANG IYONG MGA SALITA AY HINDI MAGANDA! MAGHUNOS DILA KA!”sigaw ni Doña Felita na siyang ikinagulat ng lahat ng katulong sa mansion na agad isinarado ang lahat ng bintana.
Mula sa labas maririnig ang bawat hampas ng isang ina sa kanyang anak bilang pagdidisiplina.
“Kaya ba itinaboy mo si Rasilita dahil gusto mong ang mga Binibining iyon na hindi ko kilala ang siyang maging kausap at kasama ko? Kaya ba?”,nanlaki ang mga mata ni Doña Felita sa tanong ng kanyang anak.
“Anak mo rin si Rasilita ina!”,sigaw ni Corazon at tumakbo sa hagdanan na siyang pagdating naman ni Don Hernan.
“Anong nangyayari dito Felita?!”,galit itong nagtanong na siyang ikinatakot ng Doña.
“Bukambibig na naman ni Corazon si Rasilita.”,mahina niyang sagot at napahawak ng sintido si Don Hernan.
“Hindi na natin mababago ang siyang natapos na. Wala na si Rasilita kaya wag na wag niyo siyang aalalahanin pa.”, wika ni Don Hernan habang nakatingin lang si Corazon sa kanyang ama na nagsasalita mula sa itaas.
“Kung ganun ay nakalimutan niyo na rin ako ama…”,bigkas ni Rasilita habang tumutulo ang mga luha sa parehong naniningkit na mga mata.
BINABASA MO ANG
CoRaZon
Historical FictionDadalhin tayo ng kwentong ito sa panahon ng mga Kastila sa mga iilang taon bago maisakatuparan ang Maura Law na ibig baguhin ang mga karapatan ng mga Principalia kung saan makikilala ang isang tinuringang baliw na si Corazon sa bayan ng San Antonio...