Shrimp and Sardines Vs Mermaids

51 3 0
                                    

Eeey! Eeeeey! Eeeeeeeeey! Buhay pa ba kayo? XD Sareh sa late U.D ulit. Medyo sabog pa ko sa Dami ng requirements sa school dahil finally Finals na namin. And waaaaaah second sem na po bebe. Hay kunting push pa:))....ayan may Update na njoy.:)
************************

Ilang araw narin Ang lumipas matapos niyang malaman Ang tungkol sa sekreto ng mga Villamore. Ilang araw naring hindi gaanu naimik si Hans. Nag-aalala na siya rito at pakiramdam niya rin kasi ay hindi magiging maayos Ang pakiramdam niya kapag Nanatili itong ganun at lalo na ng malaman niyang ito pala Ang mas apektado sa lahat. Nagtataka parin siya kung bakit hangang ngayon ay hindi parin nagpapakita sa kanila si Tazia. Ilang araw narin itong wala. Hindi niya rin masisi ang mga ito kong bakit ganun nalang Ang pakikitungo nila sa isat-isa pero pakiramdam niya ay hindi tama. Dahil wala siyang masiyadong makausap ay napagdesisyunan niyang maglakad lakad muna. Ni hindi nila Nahalatang umalis siya kaya mas lalo siyang napabuntong hininga.

Dumiretso nalang muna siya sa cafeteria dahil saktong hindi pa siya nag tanghalian. Ilan lang sa mga nagustuhan niya ay iyong pumpkin soup tsaka toasted bread na may melted cheese at carbonara gravy. Carbonara, her favorite. Kung sa tipikal na araw ng mga bitch ay normal lang na haharang ang mga ito sa daraanan niya kaya hindi na siya nagtaka kung may mix breed ng hito tsaka Pusit sa harapan niya. Sa araw pa na saktong may hawak siyang soup. Kahit napagbantaan na ang mga studyante na hands off sila sa mga scholar at sa mga bullying tactics nila ay sige parin ang mga ito hangat walang nahuhuli at nakakakita sa mga ginagawa nila at dahil join forces sila ay nagawan nilang pagtakpan ang mga kalokohan nila na pang aalipusta sa mga ibang studyante lalong lalo na sa kanilang isang tipikal na scholar lamang.

Hindi nalang niya pinansin ang nasa harapan niya at umikot nalang para makaiwas sa mga ito. Sadya atang papansin ang mga ito dahil muli nanaman silang humarang sa daraanan niya. Sa pangalawang pagkakataon ay umiiwas nalang ulit siya at napagdesisyunang maupo nalang sa pinaka malapit na mesa kesa sa pumunta pa sa balak niyang upuan sa pinaka sulok sana ng cafeteria. Hindi pa siya nakakaupo ng may biglang pumunta sa harapan niya kaya bigla siyang napahinto dahilan para mabanga naman siya ng mga nakasunod pala sa likuran niya. Lahat ng studyante ay napatigil at natahimik habang nakatingin sa babaeng nasa harapan niyang naliligo ng gravy tsaka soup na dapat ay sinisimulan na niyang kainin pero sa kasamaang palad ay may isang babaeng mas gusto pang ipanligo ang mga iyon kesa sa kainin.

Ni walang bakas na takot sa mukha niya bagkos isang inosenteng mukha na siya naman talagang nararamdaman niya at kasunod nun ay pagkairita dahil nasayang Ang pagkain niya at gutom pa siya.

"Eew.eew...ugh! You! You did this on purpose!" Kasabay ng pagtaas ng kilay ng ibang studyanteng hindi kasapi sa mga grupong nangaalipusta sa kanila, ay ang pagtaas din ng kilay niya.

'Neknek mo!'

Nakatingin lang siya rito habang blanko ang mukha. Tila hinihintay naman nito angg mga sasabihin niya pero ng makitang wala siyang balak magsalita ay tila lalo itong nainis sa kanya. "I can't believe that you're just staring at me! A.polo.gize. You slut!" Agad namang tumaas Ang isa pang kilay niya. Naasar siya oo, pero wala siyang balak na patulan ito dahil baka makarating pa ito sa mga Villamore at Nakakahiya iyon dahil wala pang isang lingo ay mapapaaway nanaman siya eh ni hindi pa nga magaling iyong sugat niya. Nangagalaiti na ito sa galit samantalang siya ay mas piniling umalis nalang sa Lugar na iyon. Ilang dipa palang Ang layo niya rito ng makarinig siya ng matinis na sigaw dulot ng galit at sigaw upang babala sa kanya. Pagkalingon niya ay nakita niyang dadambahin na siya ng nito kasama ang mga alipores nito pero bigla nalang may kamay na humila sa kanya bago pa siya maging palaman dahil mapipisa siya pag nagkataon.

Ilang tili naman ulit ang narinig niya. Napapikit nalang siya dahil ayaw niyang makita ang mangyayari dahil mukhang masakit ito. Agad siyang napadilat ng matiyak na tapos na nga ang Big Bang ng mga ito. Napansin niya Ang mangilan ilang napapadilat mula sa pagkakapikit. Tanging ungol nalang ang maririnig mo sa paligid. Napapangiwi naman Ang ilan kasama siya dahil sa dugong tila lumalabas sa ilong ng isa sa mga ito.

Missing Reflection (on hold/editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon