KABANATA 4

32 2 0
                                    

“Kung ganun ay nakalimutan niyo na rin ako ama…”,bigkas ni Rasilita habang tumutulo ang mga luha sa parehong naniningkit na mga mata.

Agad na tumakbo si Rasilita sa kanyang silid na umiiyak. Nagising siya sa ikatlong palo ng ina kay Corazon.

Hindi gaya ni Corazon, hindi makausap ni Rasilita ang kapatid kung ito’y tulog. Tanging si Corazon lang ay may kakayahang kausapin siya habang gising ang diwa. Pinahid niya ang mga luha sa naniningkit na mga mata.

“Tama nga si Coreng, mapapahamak ako kung sasabihin ko kay ama na nagbalik na ako.”,sinuklay niya ang buhok at humiga sa kama.

Hindi nasasaktan si Corazon dahil si Rasilita ang tumatanggap ng lahat ng iyon. Sanay na si Rasilita na mapalo ng ina mula nung anim na taon pa lamang sila.


“Ito na ba si Corazon, Doña Felita?”,tanong ng isang babaeng galing sa ibang bayan. Titig na titig ito sa batang naglalaro ng inukit na laruang kahoy sa salas.

“Iyan ang pinakamaganda kong anak, Ineng.”,sagot naman ni Doña Felita at napatingin sa anak.

“Subalit wala ka bang napapansing kakaiba sa iyong anak?”biglang tanong ng babae na ngayon ay nanginginig.

Hinawakan ni Doña Felita ang kamay ng babae. Kilala ito bilang magaling na manghuhula.

“May ibang katauhan sa loob ng inyong anak.”,malakas na bigkas ng babae upang mapaatras si Doña Felita.

“Nahihibang ka na ba Ineng? Ang aking anak ay iisa lamang.”

“Subalit nakikita ko ang isa pa….”

PAK*

Sinampal ng napakalakas ni Don Hernan ang nagsasalitang babae.

“Ikaw ay bisita lamang sa aming tahanan. Wala kang karapatang pagsabihan kung ano nasa loob ng aming munting anak!”galit na galit si Don Hernan na agad kinuha ang naglalarong si Rasilita at dinala sa silid nito.

“Wag kang mag alala Rasilita. Hangga’t  buhay ang iyong ama ay mabubuhay ka.”,wika ni Don Hernan sa kanyang anak na nakatitig ang naniningkit nitong mga mata sa kanya.

Pumasok si Doña Felita na nanginginig at di mapakali. Nagpalibot libot ito sa silid at napapatingin sa labas.

“May binanggit na sumpa si Ineng, Hernan!”sigaw nito at nanlaki ang mga matang nakatingin sa anak na nagbago na naman ang tingin sa kanya.

“Ikaw si Rasilita hindi ba?”,tanong niya sa kanyang anak.

Napatango ang anim na taong bata at napatingin sa ama. Kumapit ito sa braso na para bang sasaktan siya ng kanyang ina.

“Ano ang iyong ibig sabihin Felita?”tanong ni Don Hernan.

“Kamalasan ang dala ng batang iyan. Kung hindi siya mapapaalis sa katawan ni Corazon ay siyang magdadala ng pagdanak ng dugo ng mga dela Concepcion!”sigaw ni Doña Felita na parang takot na takot makita ang naniningkit na mata ng kanyang anak.


Napailing iling si Rasilita sa naaalala. Hindi siya makapaniwalang ipinagtabuyan siya ng kanyang ina dahil sobrang naniniwala ito sa mga sumpa.

“Coreng.. ikaw na lang ang meron ako kaya sana wag mo akong hayaang mawala.”natumba ang katawan ni niya sa kama. Tatlong oras na din pala ang nakalipas mula ng nagising si Rasilita. Iyon lamang ang kaya niyang oras na manatili sa katawan ni Corazon.

Dumilat si Corazon. Tumayo at nagtungo sa salamin.

“Anong nangyari Raseng? Sinaktan ka na naman ba ulit ni ina?”napatango rin siya sa kanyang tanong.

CoRaZonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon