Chapter 33

60 5 0
                                    

Reese's POV

"They look so sweet talaga, Pres."panunulsol sa akin ni Sesa nang makita naming naglalakad si Mia at Cain. Hawak hawak pa ni Cain 'yong ibang gamit ni Mia.

Nagtatawanan pa sila habang naglalakad. Napaiwas na lang ako ng tingin. Itong si Sesa ang hilig hilig pansinin ang mga hindi ko gustong tignan.

"You really like him, Pres, no?"tanong ni Ian sa akin.

"Huh? Hindi ahh!"defensive kong saad at agad na napaiwas ng tingin. Napatawa na lang siya dahil sa akin.

"Ni wala nga akong sinasabing pangalan."natatawang saad niya sa akin.

"Basta hindi!"sabi ko na lang at inirapan siya.

Nagchecheck kami ngayon ng mga booths kaya hindi pa nag-oopen ang dedication booth. Maaga pa naman din kasi.

Ayaw ko man, hindi ko pa rin maiwasang mapatingin kay Cain at Mia na siyang araw araw atang masaya.

"Kung nakakapatay lang ang tingin, patay na si Mia."natatawang saad ni Sesa sa akin. Hindi ko na lang pinansin dahil hilig naman na kasi talaga nitong si Sesa ang mang-asar.

"Coffee tayo, treat ko."sabi ni Ian sa amin ni Sesa, wala pa ang ibang officers, sina Cain pa lang at Mia pati si Joe na kasama nila ngayon.

"Vice, coffee daw! Libre ni Ian! Tara na!"nakangiting saad ni Sesa. Halos sakalin siya ni Ian sa ginawa nitong pagtawag. Napatawa na lang ako sa kanilang dalawa. Pumasok naman na kami sa Coffee Cafe na booth. Ang ganda ng pagkakaayos nila sa booth at ang sabi marami rin ang customer nila dito dahil masasarap din naman ang mga tinitinda..

Umorder naman na sila ng coffee. Pang-apat lang ang table kaya agad hinila ni Mia si Cain para humiwalay sila. Hindi ko man gusto ngunit kusa na lang akong napasimangot ng dahil doon. Napatingin naman ako kay Sesa ng tumawa ito ng mahina.

"Huwag ka namang pahalata, Pres."natatawang saad niya ngunit pinagkunutan ko lang siya ng noo.

Buong pananatili tuloy namin doon ay inis lang akong umiinom ng kape.

"Grabe, parang 'yong kape ang may kasalanan."natatawang saad ni Sesa dahil sa kape ako nakatingin ng masama.

"Sesa, Manahimik ka na kaya."pagbabawal sa kanya ni Ian. Napatawa na lang siya at hindi na nagsalita.

"Tara na sa labas."sabi ko na lang nang matapos na kami.

Palakad lakad lang kami hanggang sa mapagpasiyahan na rin na magbukas ng booth dahil marami na rin naman
ang tao.

"Cr lang ako saglit."paalam ko sa kanila. Kita ko naman na magkasabay na naglakad si Cain at Mia papuntang booth namin. Dumeretso na lang ako sa Cr. Palabas na sana ako kaya lang ay bigla kong narinig ang boses ni Mia na nagsasalita mula sa labas, mukhang may kausap ito.

"Mukhang napapalapit na kayo ni Khalid, girl, ahh."sabi ng kausap nito.

"Of course! Bago pa nga matulog ay katext ko pa 'yon at kaninang umaga sinundo ako!"rinig na rinig ang saya mula sa boses ni Mia. Hindi ko alam kung totoo ba 'yon o ano pero ang alam ko nasasaktan ako dahil kahit hindi ko aminin sa sarili ko, alam kong may gusto na ako kay Cain.

"Grabe, ang sweet niya kaya, Sis, may pagood night, good morning, tapos inamin niya pa na gusto na niya ako!"pagmamayabang ni Mia.

Dire-diretso na lang ako sa paglalakad palabas dahil ayaw ko ng marinig pa ang sasabihin ni Mia. Hindi niya napansin na narinig ko dahil busy rin ito sa kausap niya. Habang palabas ay napatigil ako ng makita ko si Cain sa tapat ng cr ngunit agad ko rin siyang nilagpasan. May pasabi sabi pa 'tong nagseselos siya, pucha, iba naman pala ang gusto.

Chaotic Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon