Napatulala nalang ako sa kanya habang nakangiti siya sa'kin. For God's sake, Zaiden! Wag mo 'kong ngitian ng ganyan, pafall 'yang ngiti mong 'yan!!
Kinuha niya ang phone ko na nasa kamay ko at kinuha ang isang earbud at nilagay sa tenga niya habang tinitingnan yung playlist ko.
Music began to play, and just by listening to the first chords, alam ko na agad na "Adore You by Harry Styles" ang pinatugtog ni Zaiden.
I smiled as I watched him jam to the song. Ang cute rin naman eh.
"Honey, I'd walk through fire for you. Just let me adore you," Kinanta niya 'yung chorus sabay tumingin sa'kin, smiling softly as he sang.
I immediately felt my cheeks burning up so I averted my gaze. Gagi, ano 'to? Ba't ako namumula?
He then cupped my chin at tinitigan 'yung pulang-pula kong pisnge. Tumawa siya sabay pinisil ang pisnge ko at patuloy na kinanta ang pinapakinggan niya.
Gago, ba't ka ganyan! Hindi nga ako marupok! Hindi ako marupok!
Hindi ko na pinansin ang namumulang pisngi ko at pinanood nalang ang lalaki as he sang his heart out.
After the song, bigla siyang napaisip. "You want to go to an arcade?"
I looked at him slowly and violently nodded my head. Tumawa siya at ginulo buhok ko. "I need to shower first."
Tumango siya at tumayo na ako para bumalik sa condo. Sumunod naman siya sa'kin.
I unlocked my condo and went straight to the bathroom. "Just sit there, manood ka or magbasa- Just do whatever you want." He nodded innocently and I locked the door behind me.
I took a quick shower para bumango manlang ako. Hindi na kailangan maligo niyan ni Zaiden at hindi naman natatanggal ang pagkabango nan.
Pagkatapos ko maligo, kinapa ko 'yung towel ko at napansin na wala 'yon doon.
Pucha, 'yung towel ko! Naiwan ko sa kwarto!!
Binuksan ko ang pintuan ng cr at nakitang naka upo lang si Zaiden sa sofa habang nagce-cellphone. Tatawagin ko ba?
"Zaiden!!" sumigaw ako at napalingon siya sa'kin.
"Pakuha nung towel ko, nandun sa upuan sa kwarto ko."
Tumango siya at hinanap kung nasaan ang kwarto ko. Sinarado ko ang pinto ng cr at inintay si Zaiden.
Narinig ko naman na kumatok siya sa pintuan kaya agad kong binuksan ito.
YOU ARE READING
Insomnia
Teen Fiction"I'm so glad that I have her, with her I'm at peace." - Skye, a girl who has sleeping problems (also known as insomnia) meets a guy who has the same sleeping disorder. They find it easier to sleep at ease when they are together. (ongoing)