"Aalis ka?"
Kunot noong tanong niya kay Brent at bumuntong hininga naman ito saka tumango.
"Oo, matagal na naming plano 'yon nina ate"
Sagot nito at tila tumigil sa pag-ikot ang mundo niya dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam kung paano pa mag-iisip ng tama.
Ang katotohanang aalis ito ay nagpabagsak ng buong sistema niya. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat maramdaman. Kung magiging masaya ba siya para dito o ano.
"S-saan at kailan?"
"Pupunta kaming US, susunduin kami ni mama pagkatapos nating mag-moving up ngayong grade ten"
"Seryoso ba 'yan?"
Tanong nya dito dahil nabigla talaga siya sa nalaman. Baka naman pwede pang mabago ngunit katulad nga ng sabi nito kanina ay matagal na nitong naplano iyon.
"Oo, noong grade nine pa. Medyo natagalan nga lang dahil marami kaming kinailangang ayusin na papeles, sorry kung ngayon ko lang nasabi"
Sabi nito at napatango na lang siya sa sobrang lungkot. Bakit sa dinami-dami ng tao na pwedeng umalis ay bakit si Brent pa?
Paano na lang kapag umalis ito? Sino na ang makakasangga niya sa lahat ng bagay?
Wala siyang ibang kakampi at taga-pagtanggol kung 'di ito lamang.
Naiiyak na kaagad siya ngayong naiisip pa lamang niya na papasakay ito ng eroplano papuntang ibang bansa.
Nararamdaman niya ang pagkawasak ng puso niya ngayon. Hindi niya alam kung paano pa niya nagawang kumain basta natagpuan na lang niya ang sarili na tapos na sa pagkain.
Si Brent na ang nagbayad ng mga kinain nila at ito na rin ang ang nagdala ng bag niya. Hanggang sa makarating sila sa loob ng classroom ay nanatili lamang siyang tahimik.
"Mika, okay ka lang?"
Napabalik siya sa katinuan nang magsalita si Lilac na nasa tabi niya. Nagsisimula na pala ang klase nila at ngayon ay nagsasagot sila ng exercise.
"O-oo naman..."
"Kanina ka pa kasing tahimik, nag-away ba kayo ni Brent?"
Tanong nito at umiling naman siya saka nagsagot na lang. Matapos magsagot ay sumubsob na lang siya sa table ng armchair niya.
Nang magring naman ang bell para sa next subject ay ipinapasa na nila ang mga papel nila sa unahan.
Lumabas na ang teacher nila sa loob ng classroom at habang nag-iintay sila sa kasunod na subject teacher ay muli siyang sumubsob sa table ng armchair niya.
Maya-maya naman ay may kumulbit sa kanya at pagtingin niya ay si Brent pala iyon na ngayon ay nakaupo sa tabi nya.
"Okay ka lang? Sabi ni Lilac ay kanina ka pa daw wala sa sarili. Kumain naman tayo kaninang lunch ah? O baka naman masakit pa 'yang sugat mo? Patingin nga—"
Bigla na lang niya itong niyakap sa bewang na para siyang bata na ayaw humiwalay sa magulang. Para siyang bata na takot maiwan na mag-isa sa bahay.
"Brent...babalik ka ba?"
Tanong niya dito at inakbayan naman siya nito saka pinaayos ng upo. Ngumiti ito sa kanya at marahang pinisil ang ilong niya.
"Oo naman"
"Matagal ka ba doon?"
"Five years?"
Sagot nito at napasimangot naman siya saka muling niyakap ito ngunit ngayon ay mas mahigpit na.
BINABASA MO ANG
IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody Monster
Novela JuvenilOnce a Moody Monster, always a Moody Monster... "Yabang!" "Nakakainis ka!"