Life is ... Hard as it is

7 1 0
                                    


Heto ako sa isang room kung saan kasama ko ang mga kapwa ko studyante na hindi alam kung ano ba ang mangyayare samin pagkatapos ng ilang buwang pagrereview para sa board exam.

Anim na buwan...

Sa anim na buwan naming pakikinig, pagbabasa, pag aaral ng mabuti at pagsasagot ng mga tanong sa mga dati at bagong reviewer.

Nakakapagod....

Huling taon namin sa kolehiyo pero paghihirap pa din.
Una na yung pagrereview sa mga quiz at test. Pangalawa pagrereview para sa board exam. At pangatlo, ang walang katapusang  thesis...

Thesis na pinaghirapan kung anong topic.
Pati title. Thesis na hindi alam kung pano idefend. Kung sarili nga namin sa exam di namin alam kung pano idefend. Thesis pa.... Board exam pa....

Hayyyy....

Monday to Friday pasok sa school. Then,
Saturday to Sunday pasok sa review center.

Buhay pa ba?......

Kaya pa ba?......

Ang sarap lang hilingin na sana matapos na...

Dati gustong gusto kong pumasok at mag aral.
Noong Elementarya ako nag eenjoy ako. Go with flow. Enjoy mo lang ang buhay kase masayang maging bata. Sulitin mo na...

Hindi ako subsob sa pag aaral pero pumapasa.

Highschool ganun din pumapasa ako kahit walang review review.

Pero nung college...
Nakakatakot pala,
Nakakakaba pala,
Para kang masisiraan ng ulo kakaisip.
Para kang nakikipang buno sa lahat ng oras.

Sa elementary at highschool kase hindi ka babagsak basta pumasok ka lang palagi basta  complete attendance hahaha...
At magpasa ng project..
Pasado na!!!

Ngayong college pag bumagsak ka parang guguho yung mundo mo.
Naka walang ganang mabuhay.
Nakakadepressed.

Ginawa mo na lahat pero kulang parin...
Ang daming estudyante...
Ang daming matatalino....
Lahat seryoso...
Nakakapanibago...
Para bang do or die anytime...

Laman ng library pag malapit ng ang exam.
Sunugan ng kilay sa pagrereview sa gabi at umaga.
Balewala maging zombie, makapasa lang.

Makakuha ka lang ng 3.0 ang saya saya na.
Kapit na kapit...

Pero laging nagtatanong para dito ba talaga ako?
Kaya pa ba?

Totoo palang yung Math is your best enemy in Acads.

Dati paborito ko yung math sa Elementary at High School eh.

Bakit ganun???

Ngayong College bakit ganun??? parang back to zero ka.
Nakakatameme,
nakakatulala,
Nakakasira ng ulo,
Walang pumapasok sa ulo mo kahit anong pilit mong intindi. Parang lahat self study...
Parang dapat alam mo na lahat pagpasok mo eh.

MATH yan eh.

Bakit pa kase ako kumuha ng kursong ENGINEERING ???

Kase gusto ko maging Engineer???

ENGINEER ???

Mukha kaseng ang taas ng tingin sa kanila.
Kita mo palang Ayy matatalino ang  mga yan.
Tapos pag may trabaho matataas sweldo nyan...

Tanong nga nila bakit iyan kinuha mo?
Kaya mo ba???

pano na? Bkt iyan ang pinili ko???

Pwede bang sabihing trinay ko lang.
In demand eh.
Malaki daw sahod.

Sa huli ko lang nalaman na....

Di porket Engineer malaki sahod.
Malaking Fake news pala. Hahaha...

Hindi ko din alam hahaha...
At Hanggang ngayon iyan parin ang tanong ko sa sarili ko.

San kaya ako dadalin ng mga paa ko???

Saka Buhay ko naman yan eh...
Baka balang araw malaman ko rin kung bakit.
At kung anong purpose ko dito sa mundo...

Pero sana, sana talaga makaya ko.
Wish me luck...



Until one day....

Nagkrus yung landas namin sa hindi inaasahang panahon at pagkakataon...

What will happen then???





Sweet EscapeWhere stories live. Discover now