KABANATA 35

10.9K 445 63
                                    

[Adara]

Huwag kang kabahan, Adara. Relax ka lang. Ito ang unang araw mo sa trabaho at maayos mong nairaos ito. Pinalakpakan ka pa nga, 'di ba?

Para akong tangang pinalalakas ang loob ko bago ako nagpasyang bumaba ng building. Hindi ko na nakausap pa si Christian kanina dahil saktong pinatay niya iyong tawag nang magsasalita na ako. Wala sa sarili akong naglakad para mag-abang ng taxi. Sana pwedeng lumipad na lang pauwi. Tinanggihan ko kasi 'yong private car kay Christian dahil may hiya pa naman akong natitira sa katawan. Hay.

"Ay sorry!" mabilis kong paumanhin nang may mabunggo ako. Lutang na yata talaga ang utak ko. "Sorry, kuya—" Hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin ko nang biglang itulak niya 'ko nang malakas. Hindi ko inasahan kaya bumagsak ako sa semento at naitukod ko ang isang palad ko.

Ugh. Ang sakit. Napatingin ako sa palad kong namumula. Unti-unting nagdurugo na ito dahil sa pagkakagasgas sa magaspang na semento. Sinamaan ko ng tingin ang lalaking mukhang nakainom.

"Sinadya mo ba 'yon, miss, para mapansin kita?" Bigla siyang tumawa at tinapon sa lapag ang upos ng kanyang sigarilyo. Tinapakan niya iyon at binalikan niya 'ko ng tingin. "Ayos 'to ah. Maganda," nakakabastos na sambit niya saka siya nagbaba ng upo at hinawakan ang mukha ko.

"Kuya, hindi ko naman sinasadyang mabunggo ka. Nag-sorry na 'ko, so please, umalis ka na."

"Miss, hindi na ganyan kadali ang mga bagay ngayon sa mundo." Marahan niyang hinaplos ang buhok ko. Dahil doon ay biglang nagdilim ang paningin ko sa kanya. Mabilis kong hinuli ang nakadidiri niyang braso at hinila ko ito pataas kasabay ng pagtayo ko. Ibinalibag ko siya sa sahig at ilang sandali lang ay dumadaing na siya sa sakit ng ginawa ko.

Napabuga ako ng hangin saka ko pinagpagan ang mga palad ko at naglakad na paalis. Aish! Nagasgasan pa tuloy ako! Ang hapdi-hapdi pa namang magasgasan ng balat kaya isa sa pinakaayaw ko 'to e. Geez. Nagkalat na talaga mga gago sa kalye.

Pinara ko agad ang taxi na nagdaraan at nagpahatid sa condo. Pagpasok ko sa loob ay binuksan ko ang bag ko at naghanap ako ng wet wipes. Nilinis ko agad ang kamay kong nadumihan kanina.

"A-Aray," mahinang daing ko habang pinupunasan ito. Kung kailan pauwi na 'ko saka pa 'ko minalas nang gan'to.

Pagdatingin ko sa condo, dahan-dahan kong binuksan iyong unit ko. Una kong idinungaw muna ang ulo ko sa loob at chineck kung nandito ba si Christian. Nang mapansin kong tahimik sa loob at walang bakas ng liwanag ay nakangiti na 'kong pumasok at sinindihan iyong mga ilaw ko.

"What took you so long?" Napahinto agad ako at mariing napapikit. May lahi ba 'tong kuwago na nabubuhay sa dilim?! Nakaupo siya sa sofa at nakahalukipkip. Sa itsura pa lang niya ay mukhang kanina pa niya 'ko hinihintay makauwi.

"Ah." Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Nag-antay pa kasi akong taxi."

"Okay. Tomorrow, you'll bring a car. Do you have anything else to say?" he asked, impatiently. Padilim nang padilim iyong mga mata niyang nakatingin lang nang deretso.

"Di ba sabi ko hindi muna ako—"

"You need a car. Don't start an argument," pambabara niya.

"O-Okay."

"Baka may gusto ka pang sabihin?" paubos na ng paubos ang pasensya sa boses niya.

"I-I did a good job earlier. My boss commended my work," mabilis kong sagot at ngumiti nang pilit.

Tumango siya. "That's good. What else?" tanong ulit niya nang hindi pa rin ako tinitingnan. Deretso pa rin ang titig niya roon sa pader at ako ay nasa left side niya. Kinutkot ko ang mga daliri ko sa nerbyos. Hindi naman dapat ako nerbyosin ano ba!

STS #1: Dauntless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon