Chapter XVII: Warning Shot
Bella's POV
Tahimik muna akong nakatayo sa labas ng school campus habang nag-iipon ng lakas ng loob na pumasok. Ilang araw na rin pala akong hindi nakakapasok. But as I can see, it barely affected my classmates. Wala naman silang paki kung anong nangyari sa akin.
Di ko pa rin mawala wala sa isip ko ang lahat ng aking nalaman kagabi. Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat. It's just that I almost treat them as friends tapos maalaman ko lang pala na ganun sila.
Ilang sandali rin at napagpasyahan ko ng pumasok ng campus para puntahan si sir Tyrron. I have no plan of going to any of my classes. Ang goal ko lang ay magawa ang pinapagawa ni Vee. Di ko alam kung paano kami magkikita but as she said sya na ang bahala kaya hindi ko na poproblemahin yun.
Agad na napuno ng ingay ang tainga ko ng umabot na ako sa corridor. Sa ilang araw ko na pag-absent feeling ko nasa first day of school pa rin ako. Syempre as usual di pa rin nawawala ang mga naglalandian sa mga gilid gilid kahit ang aga aga.
Napahinto ako ng mapagtantong nasa harapan pala ako ng classroom ng HUMMS kung saan ang classroom ni Gino. Pero wait? Parang wala naman sya sa loob.
Mabilis akong umalis doon. Natatakot ako baka magkita kami at di ko alam ang sasabihin ko. It took a while before I got myself to the faculty offiice.
I greeted all the teachers that I passed and went to sir Tyrron's table. Huminga muna ako ng malalim habang hinahanda ang sarili sa mga sasabihin.
I already practiced this last night pero kinakabahan pa rin ako kung paano ko kakausapin si sir.
"Good morning po, sir." Nadako ang tingin nya sa akin mula sa kanyang pagchecheck ng papel nang magsalita ako. He adjusted his glasses to make sure na ako nga ang nasa harapan nya.
"Bella? You're here! Nabalitaan ko ang nangyari. Mabuti at okay ka na. " He must be referring to the fire and the time I was hit by an ambulance. Not my best moments I must say.
"Sir, gusto ko sanang mag-usap tayo. " Napatigil saglit si sir sa sinabi ko.
"Is it about you're sister again? " malumanay ngunit seryoso nyang tanong. Nahahalata kong parang nawalan sya ng gana makipag-usap dahil sa sinabi ko. "I already told you Bel--"
"No sir, its about you," pagputol ko sa kanya.
Napakunot naman ang noo nya mula sa narinig.
"What do you mean? " He tried to maintain a straight face and hide any sign of expression in his face but he failed.
"Mas mabuti po siguro kung hindi natin dito pag-uusapan. " Ginala ko ang paningin ko sa paligid. Ang daming mga teachers na bising bisi sa kani-kanilang mga gawain.
Mukhang naiintidihan naman ni sir ang ibig kong sabihin kaya tumango na lang sya.
"Where do you want to talk?"
"Sumama na lang po kayo sa akin... " Medyo nag-aalillnlangan pa sya pero di kalaunay pumayag na lang sya.
Hindi pa masyadong mainit ang araw at tamang tama lamang ang init nito para sa balat. Napakatahimik ng paligid tanging ang mga maliliit na huni ng ibon lamang ang aming naririnig.
Sinadya ko talagang dito kami sa likod ng library mag-usap. Walang mga pumupunta dito at wala rin gaanong tao. Umihip ang hangin at napadako ang aking tingin sa kakahuyan sa tabi namin.
Naalala ko pa dito ko unang nakita si Katrina na pulang pula ang mata. I wonder kung nakita na kaya nila sya. Sa dami ng nangyari sa akin, nalimutan ko na ang tungkol sa kanya. Ang daming mga tanong na hindi ko pa rin masagot sagot.
BINABASA MO ANG
After Past (Completed)
Mystery / Thriller[COMPLETED] "The truth behind those eyes are twisted lies, and behind those twisted lies is a person in disguise." *** The past still haunts her. She knows that there's more to the story than meets the eye. But as she dig deeper and deeper, more tr...