KBANG (Chapter 26)

75 5 0
                                    

(NEW QUEEN)
***

Naglakad papasok si Zach saka kami palitang tinignan. Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan naning tatlo.

"Zach—" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita.

"Ikaw pala" mapangusisang wika ni Zach kay Chris saka ipinatong ang dala niyang pagkain sa side table. "Akala ko ba hindi ka boyfriend ng ate ko, eh bakit ka nandito?" bigla akong nasamid at napaubo dahil sa huli niyang litanya.

Buwisit ka sungit, humanda ka sa akin mamaya!

"Okay ka lang ba?" hinaplos-haplos ni Chris ang likod ko saka bahagyang minasahe 'yon.

"Okay na ko, salamat" wika ko saka tumingin kay Zach. "Bakit ka nandito?" taas kilay kong tanong sa kaniya saka nag crossed arms.

"Nakita mo naman siguro 'yong dala ko 'di ba?" nakipagpaligsahan siya ng kasungitan sa akin. "Pangit na nga slow pa" biglang bulong niya.

Binato ko siya ng unan na tumama sa mukha niya, nalaglag ang suot niyang salamin sa mata.

"Bwisit ka sungit, narinig ko 'yon!" inis kong sigaw. Humagalpak lang siya ng tawa. Binato niya pabalik 'yong unan sa akin.

"Magpasalamat ka pangit may sakit ka, kung hindi dodoblihen ko 'yong ginawa mo" nagkibit balikat siya. "Sige, aalis na ako. Mukhang hindi na ako kailangan dito, saka kukunin ko na lang ulit 'tong pagkain. Mukhang busog ka naman na" kinuha niya 'yong mangkok na puno ng pinakbet saka nabaling ang tingin niya sa mangkok na hawak ni Chris. Ngumisi siya saka mapang-asar na tumingin sa 'kin.

Puwede bang lamunin na lang ako ng lupa kahit na ngayon lang?

"Mukhang sinubuan ka pa nitong boyfriend mo ah?" napatango-tango siya.

"Hindi ko nga siya boyfriend!" tanggi ko, napatakip naman siya sa tenga niya habang naka ngiwi. Nanatiling tahimik si Chris na nagpapalipat-lipat lang ang tingin sa amin ni Zach.

"Okey, sabi mo eh. Sige alis na ako" akmang aalis na siya ngunit pinigilan ko siya at hinila sa kamay.

"Oh bakit na naman?" iritado niyang tanong saka binawi ang braso niya.

"Iwan mo 'yan"

"Ang alin?"

"Iyang pinakbet, nagugutom ako"maikli kong sagot. Nagpigil siya ng tawa.

Ano namang nakakatawa?

"Alam mo pangit, ang takaw mo talaga. Nandito pa man din 'yang boyfriend mo oh, hindi ka ba nahihiya?"

Nagtangis ang mga bagang ko dahil sa inis.

"Hindi ko nga siya boyfriend!" binato ko ulit siya ng unan sa mukha. "Umalis ka na nga lang, dalhin mo na 'yang pinakbet mo!" inirapan ko siya.

"Sabi mo eh" usal niya saka ako binelatan. Magsisimula na sana siyang maglakad ngunit muli ko siyang tinawag.

"Hoy Zach!" tawag ko.

"Ano na naman? Alis na alis na ako eh!" inis na lumingon ito.

"Iyong unan ko pulutin mo" utos ko sa kaniya.

"Bakit ako? Ang layo ko na kaya diyan, ipapulot mo na lang diyan sa boyfriend mo!" ngumisi siya.

"ZACHARIAS RUIZ!!!"

"Bye ate!" nagfliying kiss pa ang buwisit saka tumakbo paalis.

"HAHAHAHAHA" umalingaw-ngaw ang isang malakas na tawa sa buong kuwarto ko.

Nanlaki ang mga mata ko saka ko nilingon si Chris.

Biglang bumagal ang paligid, ang bawat galaw at pagpikit niya ay naging sobrang bagal. Natuod ako sa kinauupuan kong kama, nasa kaniya lang ang atensiyon ko.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon