13.
Sinara ko ang huling pahina ng librong natapos ko sa ilang araw lang. Napabuntong hininga ako at muling tumingala sa puting kisame ng kwartong kinalalagyan ko.
Sobra na kong naboboring pero hindi pa ko pwedeng umalis. Hindi pa ko pwedeng umuwi dahil sabi nila kailangan ko pa magpagaling. Pero alam ko sa sarili ko na kahit anong gamot pa ang ibigay nila sa akin ay hindi na nito mapapagaling ang sakit na nadadama ng puso ko. I will be healed physically. But emotionally? I don't think so.
Bumaba ako ng kama at naramdaman ng hubad kong paa ang lamig ng semento sa lapag. Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Tahimik at napaka links ng bawat sulok. Pero kailangan kong isara ng marahan ang pinto kung hindi ay aalingaw-ngaw ito sa buong pasilyo.
Lumakad ako at muling nilibot ang bawat hallway na ilang beses ko ng nagawa ngayong araw. Mas okay na sa akin ang maglibot ng paulit-ulit kesa naman manatili akong nakatunganga sa loob ng nakakabaliw na kwartong iyon.
Naangat ko ang kamay ko sa ere upang takpan ang mukha ko ng bigla akong masilaw ng sinag ng araw na nanggagaling sa glass wall ng building. Maulap ang kalangitan pero nakakatakas pa din dito ang sinag ng araw. Lumapit ako sa glass wall at mula dito ay yumuko sa ibaba. Bukod sa ilang mga sasakyan na naka parke don ay halos wala itong laman. Nakakalat din sa paligid ang mga dahon mula sa puno na tinatangay sa tuwing umiihip ang hangin.
Napakapayapa. Napakatahimik. But is is when the world is quiet that I can hear my screaming thoughts more loudly. Palagi akong bumabalik sa gabing nagpabago sa buhay ko. Lagi akong pilit bumabalik sa bagay na gusto gusto ko ng takasan. Quietness scares me now, cause it is when my thoughts could haunt me. At sa tuwing bumabalik sila sa loob ng isip ko ay hindi ko alam kung paano makatakas.
Saan ba tayo makakatagpo ng isang ligtas na lugar kung saan hindi na tayo matatagpuan ng mga bagay na pilit humahabol sa atin?
Nagawi ang tingin ko sa kaliwa ng glass window kung nasaan ang pinto ng isa pang kwarto. Nakikita ko mula sa glass window ang lalaking nasa loob nito. Hindi pa din siya gising hanggang ngayon.
Tahimik akong pumasok ng kwarto ni Wade at umupo sa edge ng hospital bed na kinahihigaan niya. Wala pa din siyang malay at tatlong araw na simula ng mapunta kami dito. Sabi ng mga doktor masyado siyang nawalan ng maraming dugo sa matagal naming paghihintay sa kakahuyan. And he fell into a coma.
Sabi naman ng mga doktor hindi din magtatagal ang pagiging coma niya. Pero para saken ang tatlong araw ay katumbas na ng isang taon.
"Umaasa ako Wade. Wag mo din akong iwan katulad nila"
Natagpuan kami ng mga grupo na inutusan ni Wendy na hanapin kami sa huling lugar na pinuntahan namin bago magka leche-leche ang lahat. At natagpuan nila kami, mag a-alasdos ng madaling araw. Sabi nila hindi na humihinga si Wade non. Pero dahil sa hindi sila tumigal sa pag c-cpr hanggang makarating kami ng ospital ay ang dahilan kung bakit na-revive siya.
Nang marinig ko ang bagay na iyon ay sobra akong natakot. Napakaraming 'paano kung' ang pumasok sa isipan ko. Paano kung hindi pa nila kami natagpuan agad? Paano kung sinuko agad nila ang pagre-revive kay Wade? Kung ganon ba ang nangyare ay magigising akong mag isa? Magigising ba kong may nawala nanamang isa?
Those thoughts scares the shit out of me. Hindi ko na kayang mawalan pa. Sana naiintindihan ng mundo iyon. Sana naiintindihan ng tadhana na isang tao pa ang mawala na mahalaga sa akin ay masisiraan na ko ng bait.
Ma-swerte pa ako dahil minor injuries lang ang natamo ko. Pero kahit na ganon ay dapat pa din akong manatili dito para sa full recovery. Nasa isang private hospital kami na pag-aari nila Wendy. Kaya kami lang ni Wade ang pasyente dito.
BINABASA MO ANG
The Nightwatch
Mystery / ThrillerLittle did I know how a mere watch could alter my prosaic life into a tangled one and unveil secrets that were kept concealed from me for a long time. Date Started: December 17, 2019 Date Finished: May 29, 2020 Completed✔️