Chapter 23
"Huh!
Napatigil siya sa kanyang kinatatayuan nang makita ang ayos ng mesa sa kusina.Sumindi ang dim light. Nasa pintuan si Travis nakatayo na namimilog ang mga mata. Para bang napunta siya sa ibang bahay na di makapaniwala sa ayos ng paligid. Kabisado ng kanyang tainga ang musikang namayani sa gitna ng katahimikan.
🎶🎶
If I had to live my life without you near me
The days would all be empty
The nights would seem so long
With you I see forever oh so clearly
I might have been in love before
But it never felt this strong
Our dreams are young and we both know
They'll take us where we want to goHold me now
Touch me now
I don't want to live without youNothing's gonna change my love for you
You ought to know by now how much I love you
One thing you can be sure of
I'll never ask for more than your love.Tagos sa puso niyang dinadama ang bawat linya ng kanta. Bumalik sa kanyang alaala kung paano niya ligawan ang asawa noon. Ito ang ipinapatugtog niya noong kasama si Yanny sa biyahe noon. Araw na hindi niya akalaing mabaling sa kanya ang pagmamahal ng kaisa-isang babae na kaibigan lang ang turing sa kanya. Hindi niya akalaing ito ang iparinig sa kanya ng asawa. Paborito niya talaga ang kantang Nothing Gonna Change My Love For You. Hindi kasi ito nalilipasan ng panahon. Para itong laging bago sa pandinig. Marahil sa mga wikang bumuo sa kanta at sa himig na inilipat dito.
🎶🎶
If the road ahead is not so easy
Our love will lead the way for us
Like a guiding star
I'll be there for you
If you should need me
You don't have to change a thing
I love you just the way you are
So come with me and share the view
I'll help you see forever too."Happy Wedding Anniversary for us."
Matamis at masayang ngiti ang kanyang nasilayan. Napakasarap sa taingang pagbati sa kanya ni Yanny. Napakaganda nitong tingnan sa kanyang suot na simpleng A-line dress. May manipis itong kulay pulang lipstick na bagay sa kanyang magandang labi. Nakakapang-akit na titig habang himas nito sa daliri ang suot na singsing na kanilang wedding ring.
"Happy Wedding Anniversary for us too."
Malambing at maligayang tugon na bati niya sa asawa. Hindi akalain ni Travis na may daratnan siyang ganoong handa sa bahay. Naka dim light na ilaw at tanging kandilang scented at hugis puso na nakita niyang sinindihan ng asawa. Ito ang tanging nagbigay dagdag sa liwanag. May champaigne na halatang bukas na. Dalawang wine glass na may laman at nakatayong magkatapat. Red roses petals na nagkalat sa paligid. Kulay pulang mga kurtina ang mga hugis pusong nakasabit nito. Napakasaya niya ng mga sandaling iyon. Niyakap niya ang asawa at hinalikan ng matagal sa labi.
"Teka muna pahingain mo naman ako," natatawang sabi ni Yanny. Bahagya siya nitong itinulak upang maawat sa kanyang mariing halik.
"Sorry, I really missed you," madamdaming sagot niya sa asawa.
"I'm sorry doon sa mga panahong nawala sa aking alaala ang tungkol sa atin. Na pagkakaibigan lang natin ang naiwan sa aking isip. Pero alam kung ramdam mo na kahit kahit kailan hindi ka nawala sa aking puso," buong puso itong sambit sa kanya ni Yanny.
"Pssst! wala kang kasalanan."
Kasabay na itinakip ni Travis sa labi ng asawa ang kanyang kamay habang nagsasalita. Pinigil na niya ito sa susunod pang sasabihin. Ayaw niyang marinig na humingi ito ng tawad sa kanya. Isang aksidente na hindi rin naman hangad ng asawa na mangyari ang dahilan. Sapat na nakaligtas ito sa panganib ng kamatayan.
"Gusto kong malaman mo na nagbalik na ako sa pagiging ako na asawa mo," madamdaming turan ni nito.
"Ibig sabihin ba ng lahat ng ito'y naalala mo na---.
Hindi pa man din natapos si Travis na magtanong niyakap siya uli ng asawa.
"Yes, yes!" Napaiyak sa sobrang saya si Yanny habang nagsasalita.
Wala ng salitang gusto pang lumabas sa labi ni Travis. Namayani sa kanyang isip ang labis na pasasalamat. Nag-aalab ang kanyang puso sa sobrang ligaya sa narinig.
'Salamat at dininig mo ang aking panalangin' bulong niya sa sarili habang nakapikit na napatingala.
"Let's celebrate!" pambasag katahimikang sambit ni Yanny. Kumalas ito pagkakayakap at lumingon sa mesa.
Hindi malaman ni Travis kung paano niya sabihin sa asawa na may isang malaking kaganapan ding naghihintay sa kanila.
'Bumalik ka kagad ha. At kailangan i-sorpresa natin ang okasyong ito sa asawa mo'
Naalala niya itong bilin ng kanyang mother- in law.
"O bakit may problema ba?" nagtatakang tanong ni Yanny.
"Okay let's eat," mabilis na sagot ni Travis.
Hinila niya ang upuan upang makaupo na si Yanny. Masaya nilang pinagsaluhan ang pagkaing nasa mesa. Sabay nilang ininom ang champaigne na nasa wine glass.
Kringgg! Kringgg!
Napatingin si Travis sa cellphone ng asawa na tumutunog. Alam na niya kung sino malamang ang tumawag. Dinampot kaagad ito ni Yanny at sinagot.
"Si mommy puntahan daw natin ngayon na ang bata. Umiiyak si Troy at hinahanap tayo. Wala si yaya pinauwi ko muna, kanina lang."
Mabilis tumayo si Yanny sa kanyang kinauupuan pagkatapos nagsalita. Gustong sunduin muna nila ang kanilang anak.
"O 'wag kang masyadong mataranta. Umiiyak lang si Troy. Si mommy na bahala roon," pampakalmang sabi ni Travis.
Lihim itong napangiti. Hindi rin kasi ito mapakali kung paano yayaing umalis sila ng bahay si Yanny. Alam niyang hinihintay na sila ng mga bisita. Wala na siyang kailangang banggitin sa asawa. Alam niyang dahilan ng kanilang mommy Cleffy si Troy.
BINABASA MO ANG
Yanny, I Love You (COMPLETED)
RomansaKung ano man ang kasalanan ng ama ay pagbabayaran ng anak. Napakalapitin ni Rigo noong kanyang kakisigan kung kaya madalas nilang pinag-aawayan noon ni Cleffy na humantong pa sa hiwalayan. Bayad utang nga ba ang isang anak na babae sa mga kalokohan...