Chapter 24
Pagbaba pa lang ni Yannny sa kotse kitang kita niya na ang kakaibang ayos ng paligid. Nasilip niya ito sa labas ng gate.
"Mom! Dad!" Napahangang sambit ni Yanny.
Hindi niya akalain na nag-abala pa ang mga ito para sa kanilang wedding anniversary na mag-asawa. Napalingon ito kay Travis dahil alam niyang may kinalaman din ang asawa sa okasyong ginaganap.
"Si Travis ang nakaisip anak," nakangiting sabi ni Rigo sa anak.
"Sabi ko na nga ba dad." masayang sagot ni Yanny.
"Akala mo hindi naalala ng asawa mo di ba?" Mahigpit na hinawakan ni Cleffy ang kamay ng anak.
Napalingon ito sa asawa na nakaakbay sa kanya. Akala niya kasi hindi nito naalala ang kanilang espesyal na araw. Hindi na rin niya iniintindi kung maalala man o hindi ng lalaking mahal niya. Ang importante bumalik na ang lahat aa kanyang alaala. Ang lahat ng tungkol sa kanila ni Travis bilang mag-asawa. At naipaghanda niya ito sa kanilang bahay kahit na simple lang.
Napatitig na lang siya sa magandang pagkaayos ng paligid. Marami ang mga naroon at nakisaya. Una muna nilang pinuntahan ang anak na nakatulog na pala. Sa kanilang paglabas uli namukhaan kaagad ni Yanny ang mga nakaupo sa mesa.
"Hi! kamusta!"
Magkasabay na bumati sa kanya si Sharmaine ex-girlfriend ni Travis at ang nakakatandang kapatid nito na si Stella. At kasunod na lumapit sa kanila ang kanyang mommy Cleffy. Masayang niyang pinanood ang pagbebeso beso ni Stella at ng kanyang ina.
Excited na rin siyang makita ang grupo ng kanyamg daddy na tumugtog. Noon pa man ito na ang hilig niyang gawin. At lalo pa kung ang grupo ng kanyang daddy Rigo ang nasa entablado. Naramdaman niyang na may umupo sa katapat niyang upuan. Nakita niya ang asawang naglapag ng wine glass na may champaigne. Nagniningning ang mga titig nito sa kanya. Ramdam niya ang kilig na bumaon sa kanyang puso.
"Ikukuha ba kita ng mainom mo din."
Tinutukoy ni Travis na maglagay din ng alak sa mesa upang uminom din siya.
"No, huwag na ayoko ng uminom."
Tama na sa kanya ang alak na nainom noong sila ay nasa kanilang bahay. Ayaw niyang malasing. Gusto niyang nasa tamang isip na kapiling ang asawa sa buong magdamag ng kanilang wedding anniversary. Kaya itinuon lang niya pansin sa pagkaing nasa kanyang harapan. Halos puno ang mesang kung saan sila nakapuwestong mag-asawa.
"Okay sige kumain ka na lang. Hindi rin ako magpakalasing." Nakakindat pa si Travis habang nagsasalita.
"Kinakabahan naman ako dyan sa mga pagkindat mo na 'yan," birong niyang turan.
Kinilig na siya tulad ng dati. Ang dating alaalang masarap balikan at kanya ng naramdaman. Ang mga alaalang bumuo na sa kanyang pagkatao. Lalo pang naging masaya ang gabi ng maramdaman niyang lumingkis sa kanya ang mga bisig ng asawa. Lumipat ito ng upo sa kanyang tabi.
"Ang sarap maging dahilan ng iyong matamis na ngiti," pabulong itong sinabi ni Travis sa asawa.
Napalingon si Yanny. Kagaya pa rin ng dati, hindi nagtatago ng naramdaman ang kanyang asawa. Mahilig itong magsabi sa kanya kung ano 'yong nasa kanyang puso at isip.
"Dahil masarap ngumiti kung ikaw rin ang dahilan."
"Binaligtad mo lang eh," natawang sagot ni Travis.
"Halika!"
Naisipan bigla ni Yanny na yayain ang asawa. Hila niya ito sa kamay papunta sa kuwartong kinaroroonan ni Troy. Gusto nitong usisain kung mahimbing pa rin ba ang tulog ang kanilang anak. Sa kuwarto din na noon ay kanya sa kanilang bahay kasama ang mga magulang.
"Si Troy ba ang hanap niyo?" tanong ni Cleffy sa kanila.
"Yes mom," mabilis na sagot niya sa ina.
Sinundan pala sila nito nang makitang magkasamang umalis sa kanilang mesa.
"Nasa kuwarto ni Asher doon ko na inilipat. Dahil dito kayong mag- asawa matulog. Huwag na kayong umuwi baka umiyak lang si Troy at hahanapin kayo."
"Ah okay mom."
Napatango na silang sabay na mag-asawa. Mukhang walang rin silang magawa dahil nag-abala pa itong dalhan sila ng mga susuoting pamalit para kumportable silang matulog.
"Sige maiwan ko na kayo," nagpaalam ng umalis ito at kinabig na ang pinto pasara.
Maingay pa rin sa labas. Ang tunog ng musikang ang kanyang daddy Rigo ang kumakanta at nagigitara. Gusto pa ni Yanny na lumabas uli. Pero mabilis na siyang niyapos ng asawa.
"Hayaan mo na silang nagkakasiyahan sa labas. Dito na lang tayo," malambing na sabi ni Travis.
Iyon na kasi ang unang gabi na naramdaman niyang kapiling niya na ang kanyang pinakasalang babae. Lumipas ang maraming araw na nagsasama silang pinipilit ni Yanny na ipasok siya sa isip bilang asawa. Isang gabi ang parang katulad ng kanilang unang gabi na sila ay mag-asawa.
"Sinabi mo eh," nakangiting sagot ni Yanny.
Babawi siya sa mga panahong tiniis ng asawa. Noong mga oras na hindi niya nakikilala ng kanyang isip. Tuluyang ipinikit ni Yanny ang kanyang mga mata upang madama ng buo sa sarili ang halik ng asawa. Kasabay din ang mga bisig ni Travis na nagkulong sa kanya ng mahigpit upang mapunan ang mga araw na nawala sa kanila.
🎶🎶
I can't remember when you weren't thereWhen I didn't care for anyone but you
I swear we've been through everything there is
Can't imagine anything we've missed
Can't imagine anything the two of us can't do.
🎶🎶Dinig pa ni Yanny ang napakagandang boses ng kanyang daddy Rigo na kumakanta. May dulot na kilig ito sa dalawang pusong nagmamahalan. Naging parang unang gabibnila ang buong magdamag. At magpakailaman na ang masayang pagsasama.
WAKAS......
BINABASA MO ANG
Yanny, I Love You (COMPLETED)
RomansaKung ano man ang kasalanan ng ama ay pagbabayaran ng anak. Napakalapitin ni Rigo noong kanyang kakisigan kung kaya madalas nilang pinag-aawayan noon ni Cleffy na humantong pa sa hiwalayan. Bayad utang nga ba ang isang anak na babae sa mga kalokohan...