ISABELLA'S POV
First day of school ngayon!
Mabilis akong naligo at nagbihis. Excited na ako pumasok. Kinuha ko ang rubber shoes ko tsaka isinuot.
"Ang aga maggayak ha," naglakad sa harapan ko si tita habang nagkakape.
"Opo naman po,"
"Kumain ka na doon. Pinagluto kita ng adobo,"
"Sige po,"
Pagkatapos naming kumain ay nagpunta na kaming parking lot kung saan nakapark ang sasakayan ni tita.
"Isabella ayusin mo nga 'yang buhok mo. Ikaw talagang bata ka! Wala kang kaayos-ayos katawan," sabi ni tita at iniabot ang suklay n'ya.
"Magsusuklay nalang po ako mamaya," inabot ko ang suklay at sumakay ng kotse.
Marami magaganda at matataas na building na nadaan. Merong mga street vendor sa gilid ng kalsada at mga batang natutulog sa gilid ng mga halaman. Puro usok lang ng sasakyan ang nandito kaya hindi talaga mapagkakaila na mas maganda manirahan sa probinsya dahil doon, walang traffic at walang air pollution. Inihinto ni tita ang sasakyan sa harap ng isang mahabang gate.
"Isabella nandito na tayo,"
Ngayon ako nakaramdam ng kaba at takot. Dahil wala akong kakilala dito sa University na 'to. Ewan ko ba, kanina excited na excited ako na pumasok tapos ngayon nanginginig na yung tuhod ko sa sobrang kaba.
"Salamat po sa paghatid," bumaba ako sa kotse at huminga ng malalim.
'Kaya mo yan Isabella. Hahanapin mo lang yung room mo at makipagkilala ka,'
STEM kasi yung napili kong strand. Katulad nga sinabi ng mga kaibigan ko, STEM yung kukunin naming lahat. Ang sabi ni tita ay maraming kumuha ng strand 'yon, kaya marami ding section.
'Mahihirapan akong maghanap nito,'
Nang makapasok ako sa loob ay sobra akong namangha. Linabas ko ang mapa ng school at nagsimulang maglakad.
'Parang mga school lang sa Japan ang peg. Ang ganda!'
May school fountain na malawak. Ang ganda din ng cafeteria, maraming magpipilian na mga pagkain. Sa likod ng university ay may track staduim. Malawak din ang gymnasium at theater. Sariwa ang hangin dito gawa ng mga puno.
'Ito na yata yung pinakamagandang University na nakita ko,'
Pagkatapos ko maglibot ay agad ko naman hinanap kung nasaan ang classroom ko.
"Asan na ba yung section na yon?" inis na tanong ko sa sarili ko at napakamot sa ulo. Lumapit ako sa isang babae na nakatalikod sa akin.
"Hello ate, asan po ba 'tong section na 'to?" magalang na tanong ko sa babaeng abala sa pakikipag-usap sa mga kasama n'ya.
"Ayan oh nasa harap mo na," masungit na sabi n'ya at inirapan ako.
"Salamat po," sagot ko
Tiginan ko ang mga nakasulat sa pintuan, dito kasi nilalagay yung mga name ng student.
Lori Landiza..
Fiona Samson..
Isabella Caileigh Torres..
'Yown!'
Biglang tumili yung babae at yung iba pa at nagkumpulan pa. May artista bang nag-aaral dito?
Rinig na rinig ko ang daldalan nila at hindi ko maiwasan mapangiwi.
BINABASA MO ANG
Love Is Never Wrong
Roman pour AdolescentsThe ordinary girl named Isabella Caileigh meet again her childhood bestfriend named Tristan Grey. Tristan Grey are very popular on their university. Tinitilian ng mga girls, handsome, smart, rich but his personality changed. Kapag ba nagkita sila...