ISABELLA'S POV
Habang pabalik ako sa classroom, naiisip ko pa rin yung Klein. Pagkapasok ko naman sa room ay nakita ko si Jane na nagbabasa ng libro.
"Good morning Jane," masayang bati ko.
"Mukhang happy ka ngayon ah! Ang aga mo naman Isabella,"
"Sumasabay lang kasi ako kay Tita Fritzy kapag papasok s'ya sa trabaho, " sagot ko naman at umupo sa tabi n'ya.
"Jane pwede ka bang magkwento?" nakangiting tanong ko.
"Anong kwento naman?" tanong n'ya habang seryosong nagbabasa ng libro.
"Tungkol doon sa kay Klein," bigla niyang binagsak yung libro n'ya at ang laki ng ngiti sa akin.
"Ayieee crush mo s'ya no?" pang-aasar n'ya.
"Hindi ah, nagtatanong lang naman ako." nakangusong sabi ko
"Yung tatlong 'yon, nanggaling sa mga mayayamang family and alam mo na matinik sila sa mga girls, pero para sayo iisa-isahin ko sila. Magkukuwento ako sa ayaw at sa gusto mo, hahaha!" nakangiting sabi n'ya .
"Si Klein Rhandiel Sanchez. Gwapo, talented, magaling magpiano and magviolin lahat yata ng instruments alam n'ya i-play. Kaso 'yon nga tahimik lang s'ya tsaka lang s'ya nagsasalita kapag tinatanong s'ya o kaya kung gusto lang n'ya."
"Kahit silent type s'ya ang lakas pa rin ng dating n'ya! Yung family nya yung nagmamay-ari ng mga famous bars and resorts here in Philippines. Only child lang s'ya kaya lahat ng gusto n'ya binibigay ng parents n'ya," kwento ni Jane.
"Ang yaman pala nila 'no?"
"Yup, mayayaman yung tatlong yon. Sobrang yayaman. Yung mga parents nung tatlong yon, mga multi billionaire. Can you imagine how rich their are? And when it comes to business, lahat nagkukumahog na maging partner, investors sa business nila." mahabang kwento ni Jane.
"Sino yung dalawa?" tanong ko naman
"Si Charles Sebastian Ocampo muna. Gwapo, cute, cheerful hindi s'ya snober and s'ya yung pinakamabait para sa akin sa kanilang tatlo pero ang dami-daming chicks! Playboy s'ya! Sila naman yung nagmamay-ari ng biggest car company here and they own
this University.""Meron s'yang little sister si Charlie Samantha Ocampo pero si Ms.Charlie is studying in USA pero balita ko she's going back here in Philippines this year," mahabang kwento n'ya at tumango tango naman ako at pinakita n'ya yung picture sa phone n'ya.
'Ang ganda naman nung kapatid nung Sebastian,'
"Eh sino yung last?" tanong ko
"Yieeee! Hahahahaha!"
'Patay na patay talaga 'to. Lakas ng tama. Redhorse? '
"Si Tristan Grey Padilla,"
'Si Tristan Grey Padilla,'
'Si Tristan Grey Padilla,'
'Si Tristan Grey Padilla,'
'Si Tristan Grey Padilla,'
Nag-echo 'yon sa tenga ko. Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig nang narinig ko ang pangalan na sinabi niya.
'Kala ko pa nasa ibang bansa s'ya sabi ng mommy n'ya? Sya yung naka-away ko sa cafetaria? Bakit hindi ko s'ya namukhaan? Yung Grey na sinasabi nila yung dating kababata ko?'
BINABASA MO ANG
Love Is Never Wrong
Novela JuvenilThe ordinary girl named Isabella Caileigh meet again her childhood bestfriend named Tristan Grey. Tristan Grey are very popular on their university. Tinitilian ng mga girls, handsome, smart, rich but his personality changed. Kapag ba nagkita sila...