[Jackie's POV]
* 1 message received*
From: Aileen
"Love is like a MESSAGE, you can save it for a while or even save it forever, but once you delete it, you cannot bring it back... the date, the time, the love and the sender."
Ohh. Tama nga naman.
"UYY! Ano yan ha?!" Bigla ba naman kunin ang cellphone ko?!
"KUYA! Kasi naman eh!"
"Aruh. Nagbabasa ng mga love quotes ah. May pinagdadaanan?!"
"Wala kaya! Akin na nga!" Hay salamat! Katangkad kasi ni Kuya Red eh! Hindi ko siya mareach!
"Oh eto na. Masyado kang protective sa mga gamit mo. Tara na! Hatid na kita." Ihahatid? Saan?!
"Saan Kuya?" Ano na naman ba trip niya?
"Sa school malamang." =.= Ang ayos kasi ng tanong ko eh.
"School?! Pero Kuya di ba napag----------"
Bigla niyang inihagis yung bag ko. Amp! Hindi pa ako tapos magsalita.
"Sumunod ka na lang."
O.o KUUUUUUUYYYYYYAAAA! Astang bad boy naman si Kuya. Kaya kung minsan natatakot ako sa kanya lalo na pag galit. >.<
"Okay Kuya." wala na akong magagawa eh. >o<
Sumunod na ako sa kanya palabas. Medyo malayo daw yung school na papasukan ko. Bakit kasi kelangan ko pa pumasok?! Pwede naman yung home school eh!
"Tara na. Magbabike tayo papunta dun." Bike?! YEHEY! ^______^
"Yehey! Thank you Kuya! POWER HUG!" Gorabe. Ang bait ni Kuya Red. :3
[Red's POV]
Hinug ako ng mahigpit ni Jackie. Alam ko matagal na niyang gustong gawin to. Nagsimula na kaming magbike. Nakita ko ulit siyang tumawa at ngumiti. Sana nga tama yung desisyon ko.
Sana maging masaya siya sa bago niyang school.
Natrauma kasi siya dati. Binully siya sa dati niyang school. Tahimik siya palagi. Halos ayaw makipag-usap. Parati din siyang umiiyak. Binubully siya dahil sa ampon siya. Tinapunan siya ng mainit na kape. Kinulong sa c.r. Iniwan sa loob ng classroom. Inaaway din siya dati ng mga kaklase niya. Kaya pinatigil muna siya sa pag-aaral ng parents ko.
Pero sa bahay, siya yung paborito. Inaalagaan siya mabuti. Tinuturing siyang prinsesa. Mas lalong sumaya ang pamilya namin nung dumating siya. Galing siya sa mahirap na pamilya kaya sanay sa mga gawaing bahay. Prinsesa na nga siya, gusto pa atang maging katulong. Pero maswerte pa rin kami noong nakilala namin siya at naging parte ng pamilya namin.
Naaawa ako sa kanya. Dahil sa akin, binubully pa rin siya ng mga kapitbahay namin. Bad boy kasi ako. Siya ang sinisisi. Hindi kasi ako ganito dati. Pero wala naman siyang kinalaman sa pagiging bad boy ko.
Kaya lang ako nagpakabad boy kasi para rin sa kanya yun. Gusto ko siyang protektahan. Ayaw ko maranasan niya dati yung naranasan ko din noon.
"HUY KUYA!"
"Oh bakit?"
"Anong bakit? Kanina pa tayo andito. Ang laki naman netong school na to. Hindi ko ata malilibot to sa sobrang laki. Marami bang estudyante dito? Mababait ba sila katulad ko? May nagtitinda ba ng lollipop dito? May library kaya dito? may MCDO kaya sa loob?"
Ang gusto ko lang naman ay matuto siyang maging independent. Hindi sa lahat ng pagkakataon parati akong andyan para sa kanya. Gusto ko ulit mabuild yung confidence niya. Dapat matuto na siyang ipaglaban ang sarili niya.
"Madami kang tanong. Pumasok ka na. Mag-iingat ka ha."
"Kuya, isang tanong na lang."
"Ano yun?"
"May mga bad boys ba dito?"
"Bakit mo natanong?"
"Wala lang. Paano kapag meron ngang mga bad boys dito? Paano kung ibully nila ako?"
"Upakan mo."
"So, uupakan din kita? Hahaha! Joke lang Kuya! DA BEST KA PA RIN! Lab na lab pa rin kita kahit na bad boy ka! Ingat ka Kuya! Labyow! Muah muah! Bye Bye!" Nagsimula na siyang maglakad papasok sa school niya.
"I lab you too Jackie. Thank you at naging kapatid kita."
BINABASA MO ANG
My Lollipop Love
Teen FictionHey readers :) My first story. Hihihi I hope you like it. Nangangapa pa lang ako sa pagsulat ng mga love stories but wala naman masama kung itry ko di ba? Hahaha Sa ngayon, wala munang introduction. Lol Hindi pa ako magaling sa paggawa ng ganun eh...