Chapter 6: Getting Closer

59 4 9
                                    

"To love is to receive a glimpse of heaven"

Chapter 6

I'm at the payhone trying to call home...all of my change I spent on you....

Ang ingay naman. May natutulog pa, kung makapag-sounds nama-

Naaalala ko, RINGTONE ko 'yun!

Ang aga naman ng caller ko. Sino ba 'to?

Kinuha ko 'yung phone sa tabi ng unan ko habang napapapikit pa. "Hello?"

"...."

"Sino 'to?"

"...."

Nanlaki ang mga matako. 

"Sige bakla, wait lang!"

Dali-dali na akong bumangon para gisingin si Bettina. Tulog mantika kasi 'tong babaeng 'to kaya baka hindi nya nakikinig na tumatawag din sa kanya si Emmie.

mabilis kaming naligo at nagbihis. Hindi na nga ako kami nakapag-almusal.

"Anong nangyari?" Curios kong tanong kay Emmie. 

"Mild Stroke" Malungkot nyang sagot. Hindi sanay na ganito ang mood ni bakla.

Umiiyak si Emmie. Nandito na naman sa ospital ang pinakamamahal nyang lola. Ang lola nya na nag-iisang tumanggap sa pagdadalaga nya. 

Lumapit ako kay Emmie at niyakap sya. "Magiging okay rin si Inang, Emmie."

Naiyak na rin si Bettina. Mahal na mahal din naming dalawa si Inang. Napakabait nya sa'min at parang nanay na rin namin sya dito.

Lumapit sa'min si Bettina at niyakap kami.

"Samalat mga beki ha!" Lalong naiyak si Emmie.

"Ano ka ba beki, San Miguel Beer nga eh." Banat ni Bettina.

Binigyan namin sya ng curious look. Nasa ospital na nga si Inang, inuman pa ang nasa isip ng babaeng ito. "Samahang walang katulad."

Napa-ngiti ako dun at ganun din si Emmie. Maganda naman pala. "Naisinggit mo pa 'yan ha!"

"Syempre, oh kita mo! Napa-ngiti ko kayo!"

The best talaga ang mga best friends ko. Nagtawanan na kami. 

**beep**

Text message

To: Kaye

Brian 'to. Mass tayo at 9:00?

Nakalimutan kong may usapan nga pala kami ni Brian ngayon. 

Ayoko sanang iwan sina Bettina at Emmie pero magsisimba lang naman ako at pwede kong ipagdasal na rin si Inang.

To: Brian

Ok. Kita tayo sa Chapel sa bayan.

To: Kaye

Ok! :)

"Ahm, mga beki! Sisimba lang muna ako ha?"

"Sama ako!" Sabi ni Bettina. 

"Ha? Walang kasama si Emmie pagbabantay."

"Okay lang. Dadating naman si papa mamaya eh."

"Ano? Pano ka pag nakita ka ng papa mo?" Hindi naman sa ayaw kong isama si Bettina pero nag-aalala rin ako kapag naabutan sya ng papa nya at baka isisi sa kanya ang nangyari kahit wala syang kasalanan. Baka mabugbog na naman sya. Ganun naman ang papa nya, galit sa kanya dahil bakla sya.

Alam kong naiintindihan ni Bettina na kapag may kaibigan si Emmie na kasama nyang nagbabantay, hindi magpapakita ng anumang masama ang papa ni Emmie. "Sige. Ikaw na lang. Ipagdasal mo si Inang ha."

Nagkita kami ni Brian sa Chapel. Medyo na-late sya nang konti kaya wala rin kaming oras magkwentuhan dahil simula na nang misa.

Katabi ko si Brian. Hindi katulad nung una ko syang nakasama, medyo palagay na ang loob ko sa kanya at masaya akong kasama ko sya ngayon. Siguro okay lang kung magiging magkaibigan kami.

Kaibigan! Kaya lang nung hinawakan nya 'yung kamay ko sa Ama Namin, nanlamig na naman ako. Tomato face! Hindi ako pwedeng magpa-distract. No! 

Ipinagdadasal ko si Inang. Alam kong gagaling sya dahil mabait si Papa God. Hindi nya kukunin ang nag-iisang kapamilya ni Emmie na tanggap sya sa kung sinuman sya. 

Taimtim akong nagdadasal at halatang may malaking pabor akong hinihingi kay Papa God. Nagulat ako nang may kumapit sa naka-closed praying hands ko. Napatingin ako kay Brian. Naka-ngiti sya tapos nag-closed praying hands din sya pero nasa pagitan nun yung mga kamay ko.

Pumikit si Brian at sinabing, "Sana po kung anumang hinihiling sa Inyo ni Kaye, pagbigyan Nyo po. 'Yung prayers ko po, katulad na din nung kanya ."

Nagulat ako sa sinabi nya. Bakit nya ginawa 'yun? Pwede namang idamay lang nya ko sa prayers nya pero 'yung buong prayers nya binigay nya lang sa'kin.

Parang may pader na naman na nakatayo sa pagitan namin hanggang sa matapos ang misa at lumabas kami ng Chapel. Nahihiya kasi ako sa ginawa nya. Aaminin ko rin na kinilig din ako kanina.

"Alam mo sabi nila kapag ipinagdasal ka raw ng ibang tao, mas madaling makakarating 'yun kay Lord." 

"Kaya ba kanina..ano..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Mukhang alam na nya ang ibig kong sabihin,

"Oo. Mukha kasing ang lalim ng dasal mo kanina kaya para makinig Nya agad, tinulungan na kita."

"Salamat ha. Sana gumaling na si Inang."

"Sino si Inang?"

"'Yung lola ni Emmie. Nasa ospital kasi sya ngayon eh."

"Ah, wait lang ha." Biglang umalis si Brian at lumapit sa isang tindera ng prutas. Pagbalik nya, may dala syang plastic. "Eto oh. Ibigay mo kay Inang."

"Salamat."

Ngumiti lang sa'kin si Brian. May kabaitan palang nakatago sa mga nakakatunaw nyang ngiti.

 =======

A/N:

Payphone is my ringtone. Haha! I can't think of any other song for Kaye's ringtone. 

So how's Brian with you guys? This is my favorite chapter so far. How about you?

Leave a comment and hit Vote

Btw, this story does not advertise anything. This is purely for entertainment only. Thanks!

Huling SayawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon