CHAPTER 8 MISSION's STEP 2

40 2 0
                                    

Nasa pangalawang subject na ako at nakakabagot sa sitwasyong meron ako. Mukhang kumalat na sa buong department ang tungkol samin at hindi na kataka takang bago matapos ang araw na ito ay alam na ng buong school. Matatapos ang araw na ito sa nakakabinging katahimikan.

It's fine with me anyway. The oasis of serenity comforts the hell in me and it makes me feel normal and cool. I prefer being just a commoner, no VIP treatment, no pressure, no chaos.

Pero sa nakukuha kong tingin at bulungan, I'm very sure that people in here will be very cautious now when dealing with us, kung may lalapit man.

If I can only bring back time, I would skip the part where my parents died so I can live with my own ways again. I miss the old happy, innocent and sweet me but I already learned to love my evil ways now.

Naputol ako sa malalim na pag iisip ng magsitayuan na ang mga kaklase ko sa subject nato. Nakatayo lang silang lahat at para bang hinihintay nilang mauna akong lumabas.

Walang emosyon at tahimik naman akong naglakad palabas at nagmamadali naman silang sumunod at umalis.

Dumiretso na ako sa major class ko, uminom ng tubig tsaka dumukdok. Nararamdaman ko namang may ilan sa mga kaklase ko ang pasulyap sulyap, tila pinapakiramdaman ang mga galaw ko.

Tss. Para namang mananakit ako ng mananakit sa mga ikinikilos nila. Lumipas pa ang kalahating oras at wala pa ang guro namin kaya naman napagdesisyunan ko ng lumabas habang nagtataka naman ang mga kaklase ko sa biglaan kong pagtayo.

Natatawa ako sakanila dahil yung malalapit sakin ay tinakpan pa ang mga ulo nila, yung iba naman ay napapikit habang nakahawak sa dibdib.

Dumiretso na ako sa Library at hinanap ko ang libro ni Nicholas Sparks sa Novel section. Paborito kong basahin ang mga novels niya.

It seems to bring clarity to me about things, especially about romantic love. Tss. His works have this magical effect on me to just hold on and trust your other half.

Idunno really but it entertains me about red strings and stuff. Everything may come into ruin but when we trust other people, it works.

It is a taboo to read texts like this for a misanthropist but the hell I care.

Gustuhin ko mang hilahin na palabas ng classroom niya si Scarlet ay ayoko magumpisa ng problema. Kahit papano ay gusto kong si Scarlet ang maunang magka red mark sa records. HAHAHA.

Tsaka next subject naman ay kaklase ko na ulit yun kaya magbabasa basa na muna ako. Kahit papano ay naghahanap na din ako ng ingay dahil sa babaeng yun. Nakasayan ko na ang kakulitan niya sa apat na buwan naming magkasama.

Nasa gitna na ako ng pagbabasa ng mag message si tito Miguel.

Cullen's restaurant, South. Be presentable. 6p.m. This is part of the mission. Bring the necessities.

Siguradong natanggap na din ni Scarlet ang message kaya nagpatuloy nalang ako sa pagbabasa.

"I haven't seen the Cullens yet." Rinig kong sabi ng babae sa likod ko.

"Yeah. But according to daddy they're on a trip so maybe next week pa sila papasok." Mukhang kinikilig pa yata to.

"I'm really excited to see them, I felt disappointed when their names weren't in my blocks." Hmm. Batch mate.

"Sana naman wala na dito yung kababata nilang babae, andaming napatalsik na babae dito last year dahil sakanya." Maarteng sabi nung isa.

"Kaya nga e. She's a bitch, mabait naman ang mga Cullen pero siyang kababata lang naman ay masyadong social climber. Pinagkalat niya pang nililigawan siya ni *%¡¿~" Hindi ko na narinig ang usapan nila ng may lumapit sakanilang siguro ay kaibigan nila.

"Girls!!" Mahinang tili nung bagong dating. " Look! Sabi sa article na ito ay may serious relationship na daw si Weston honey. Hayyy. May mga stolen shots pa siya with a girl pero hindi kita yung face niya e."

Mukhang si Scarlet yun. Tss. Pag nalaman niya ang tungkol sa picture na yun ay buburahin niya at papalitan ng magagandang shots sa bawat anggulo, you know beauty,elegance and all.

Natapos na ang limang subject namin at kasalukuyan kaming nagpapalit ng P.E uniform ng sinaniban nanaman yata dahil bigla nalang nanununggab.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Nilapit pa ang bibig niya sakin ng sobrang lapit kaya binatukan ko ng mahina...

Mahina nga.

"What?!" Bwisit kong tanong sakanya. "To naman kill joy" sabay irap pa sakin.

"Anong isusuot mo mamaya? I'll wear some yellow dress para naman stand out ako don."

May palapit lapit pa e hindi naman pala confidential ang sasabihin.

"I don't know" tipid na sagot ko nalang tsaka naglakad papasok sa gym. Volleyball. "Please mag dress ka din para twinning tayo. Hihi"

Para matapos agad ang pangungulit niya ay umoo nalang ako.

"Fine.black"

"Did not expecting that color ha?!" Sarkastiko at eksaheradang sagot niya.

"It's more to consider as a shadow, not a color stupid." I smirked at her.

"Whatevahhhh" irap niya naman.

SCARLET's POV
Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay hinila ko na ang yelo sa boutique ko. Yes, the famous BLOSSOM boutique is mine. My name's from the botany world. Mahilig mag gardening si mommy kaya napagdiskitahan ako ng ipanganak.

I like it though, flowers+me= beauty. Hihi. Well, we still have our normal lives and I chose to invest into something that I am passionate about.

Pinalabas ko lahat ng latest collection namin for next month's collection, ayoko ng may kapareho, lalo na mamaya.

I chose an elegant simple yellow dress. Tube type to expose my delicate collarbone. This dress has its sensual cuts at the sides exposing my curves and a beige color killer heels.

Sabi ni sweetie ko ay traditional daw si papa niya kaya dapat pumasa ako. Hehe.

First impression matters to me.

This is forbidden, but for sweetie, I'll make a room for an exception.

Nang ma satisfied ako sa lahat ng gagamitin ko mamaya ay pinuntahan ko na si Belle. I saw here comfortably sitting in a couch. Mukhang inip na inip, bilis niya namang mamili.

Baka nga di na namili to e. Okay naman siya manamit, kaso kadalasan ay hindi niya pinag aaksayahan ng panahon ang mga ganitong bagay.

Pinakialaman ko ang dress sa tabi niya. Napangiti ako ng makitang ang sexy ng napili niya pero siguradong disente pa rin to pag siya ang may suot.

Well, siya lang ang may kayang gawin yun. Yung damit ang mag aadjust. HAHA.

Hindi halatang ayaw niya sa surname namin dati dahil kuhang kuha niya ang aura ni Tito lolo. Firce and cold.

Kahit kaming malalapit sakanya ay nang iingat at bawal ang magpadalos dalos pag nasa paligid siya.

Malaki talaga ang pinagbago niya kaya kahit si Tito Miguel ay medyo ilag sa pagbibigay ng misyon o ang paghingi ng pabor. Wala pa naman siyang tinaggihang lakad pero mahirap na. HAHAHA.

Killer black heels and black sexy dress. Ano ba yan, burol punta mo ghOrl?!! HAHAHAHA.

Pagkauwi ay naligi agad ako. I styled my hair into a messy bun with some curly tendrils in front of my face. I carefully let some strands down to add panache.

YZE's POV
Pagkauwi ay naupo muna ako sa single couch sa sala habang dumiretso naman na sa kwarto niya yun. Sinandal ko muna ang ulo ko tsaka pumikit. Napagod ako sa P.E kanina pero mas nakakapagod yung pamimili ng admit.

After 20 minutes ay umakyat na ako at naligo. Nagpatugtog ng classic music atsaka nagayos. Okay din sakin ang modern songs basta maganda ang content.

Nauna pa akong natapos kay Scarlet kaya tumambay muna ako sa sala tsaka inalala yung nangyari sa Cullen's mansion. Ang kanyang mukha na bagong gising ay maganda sa mata ko. Hindi ko alam ang pangalan niya, o baka di ko lang maalala.

Lumabas na din si bugak kaya umalis na kami agad.

Misanthrope: When a Badass Breaks the Rule (S L O W  U P D A T E)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon