Kabanata 6 - Kindat

21 2 0
                                    

[ Chapter 6 ]

Wink

"Oh Apo, dumating kana pa---AYY DIYOS KO PO!" napapikit naman ako sa biglaang pagtaas ng boses ni Lola. "Anong nangyari sa inyo?" tanong niya dahilan para tignan ko ng masama yung lalake na ngayon ay prenteng nakatayo lang sa gilid ko.

Walang sumagot ni isa saming dalawa, kaya nang mapatingin din sakin Jang, inirapan ko na siya. "Oh ano? Walang sasagot sa inyo? Saan ba kayo nagpupupunta at ganyan ang itsuta niyo hah?" halata sa boses ni Lola ang pag-aalala habang nagsasalita.

"La, kasi ano...masyadong maarte maglakad itong Apo niyo sa gilid ng palayan, kaya ayun, nadulas siya---"

"HOY! Anong maarteng sinasabi mo diyan?! Ang sabihin mo, bigla mo nalang akong hinila palabas ng kubo, kaya ako naout balance at nahulog sa putikan! Story maker karin eh noh---"

"Ah, kaya mo pala ako hinila din pababa para madamay diyan sa---"

"Shut up! Wag mong baligtarin ang nangyari na para bang ako ang may kasalanan kung bakit ka din nahulog sa putikan! Do you think mangyayari din sayo 'yan kung hindi mo ako binigla hah?!" nananakit na yung lalamunan ko kakasigaw pero di ako titigil hangga't sa hindi nananaig ang katotohanan.

"Masyado ka kasing..."

"Tama na." parehas naman kaming napatingin kay Lola na ngayon ay parang mauubusan na ng pasensya saming dalawa. "Huminahon nga kayong dalawa. Hindi ba pwedeng magpaliwanag kayo ng hindi tumataas ang boses niyo?" I rolled my eyes.

Padabog ko nalang nilisan ang harap ng pintuan. I'm tired, wala na ako sa mood iexplain ang side ko. Basta ang alam ko, ako ang tama over this fucking man!

Pagpasok ko sa kwarto ay pinagmasdan ko pa ang itsura ko sa salamin. Puro putik ang nakakapit sa damit ko dahil sa pagkahulog ko kanina sa putikan. At hindi mangyayari ang lahat ng 'yon kung hindi umepal sa eksena si Jang! He's getting into my nerves! Everytime na magsasama nalang kaming dalawa ay napapahamak ako. I guess, tama ako, siya talaga ang nagdadala sakin sa kamalasan.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko, dahil baka kapag nagkita kami ulit nun ay mapugutan ko na siya ng ulo. Speaking of ulo, may naramdaman akong kakaiba kanina sa bandang hita ko, I don't know kung ano yun, nevermind nalang.

Pinunas ko nalang sa tissue yung putik sa kamay ko para malinis kong makuha ang susuotin kong damit pagtapos kong maligo.

I just grabbed some gray loose shirt kasama ng black cycling ko, wala akong pake kung magmukha na naman akong kalansay sa susuotin ko. Masyado akong napagod ngayong araw, kaya wala din akong ganang magpaganda.

Chineck ko kung nakuha ko na lahat ng gagamitin ko sa panligo bago lumabas ng kwarto para makapunta na doon sa bakod kung saan naroon ang banyong sinasabi ni Lola.

"Lola, maliligo lang ako." walang emosyong paalam ko saka tuluyang lumabas ng bahay, wala na din sa harap ng pinto si Jang, sabagay, ano namang itatambay niya dun samin. Wala naman siyang magandang dulot dito.

Pagkadating ko sa bakod ay nanigas ako sa kinatatayuan ko matapos kong maabutan ang isang eksena. Nakita ko lang naman yung babaeng humila kay Jang kanina sa palayan, magkausap silang dalawa ngayon, they look like...a weird couple, bruh.

Napairap nalang ako sa kawalan bago nagpatuloy sa paglalakad. Ramdam kong natigil sila sa pagkukwentuhan dahil sa pagdaan ko pero binalewala ko nalang yun. Pumasok na ako ng banyo para malinis ko na yung katawan ko.

***

Paglabas ko ng banyo ay muli na naman akong natigil sa paglalakad. I saw Jang pouring water to his body, naliligo siya sa tabi ng poso. Naexpose na naman tuloy yung katawan niya sa mata ko. Nakatagilid siya mula sa kinatatayuan ko kaya di niya ako agad napansin.

Nuestra PasadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon