Luh joke nga lang eh, nababasa mo ba iniisip ko?
Muntikan na akong masamid ng bigla niyang sinabi 'yun.
"H-Ha?" Nautal nalang ako. Naramdaman kong uminit ang pisnge ko kaya tinago ko nalang mukha ko sa mga kamay ko.
Naramdaman ko nalang 'yung mga kamay niya na nakahawak sa pisnge ko at dahan-dahang nilapit sa mukha niya.
Luh shit! Ano nangyayari??
Pumikit nalang ako ng may naramdaman akong pumitik sa noo ko.
"Aray ko, gago!" I winced in pain habang hinawakan 'yung noo ko.
Mali pala iniisip ko hehehe..
"Anong iniisip mong mangyari? I just want to accompany you until you could sleep." Nakita kong pinipigil ni Zaiden na ngumiti.
Hays! Nakakahiya naman. Pumikit-pikit pa 'ko.
"Wala nga akong sinasabi. Ikaw naga-assume dyan eh!" Inirapan ko siya at hinawakan ang noo ko. Ang saket naman pumitik eh.
"If you keep rolling your eyes at me, your eyes would most likely roll out of your sockets." He laughed, patting my head.
Tumayo na siya sa sofa at dumeretso sa kwarto ko. Agad akong sumunod sa kanya.
"Doon ka na! I can manage." Umupo ako sa gitna ng kama at tinulak siya papalayo.
"Ayoko nga! Dito lang ako. I won't leave until you sleep." He crossed his arms and sat on the edge of my bed.
Napabuntong hininga nalang ako at humiga nalang sabay pinikit ang aking mga mata.
"Sleep well, mapanaginipan mo sana 'yung clown kanina." He whispered. Sinapak ko nalang siya at tinalikuran.
"Kung ayaw mo sa clowns, ako nalang panaginipan mo-"
"Zaiden! Wag ka maingay!" Narinig ko siyang tumawa at dahan-dahan nalang akong nakatulog.
-
"Wag kang gumalaw." He groaned habang nakayapos parin sa'kin.
Dito na natulog, ah.
I tried to get out of his arms dahil may pasok pa ako at baka biglang pumasok dito si Riley mamaya.
"Zaiden, Gumising ka na! May pasok pa." Sinampal ko siya, light lang naman.
Nagising siya bigla at nakitang nakayapos siya sa'kin. Ngumiti nalang siya. "Good Morning, Miss Ateneo."
"Good Morning din," I smiled back at him. "Bumangon ka na at baka malate ka pa sa klase mo." I reminded him.
Bumangon na ako sa kama at kinuha ang towel pati ang susuotin ko mamaya saka pumasok sa banyo. Nakakahiya naman kung ang baho ng hininga ko 'no. Nakakaturn off.
Naligo na rin ako at lumabas na ng banyo. Naabutan ko si Zaiden na nag-iintay sa labas ng pinto.
Tahimik siyang pumasok sa banyo habang ako ay naghahanap ng makakain. Naglabas ako ng gatas at cereal.
Habang nag-aantay kay Zaiden ay nag-abala muna ako sa paglalaro sa aking phone nang magtext sa akin si Riley.
From: Ley's Chips
'Sis, pupunta ako dyan. Makikikain ako hehe'
What?!
Pupunta siya rito eh nandito si Zaiden! OMG! Anong gagawin ko??
YOU ARE READING
Insomnia
Teen Fiction"I'm so glad that I have her, with her I'm at peace." - Skye, a girl who has sleeping problems (also known as insomnia) meets a guy who has the same sleeping disorder. They find it easier to sleep at ease when they are together. (ongoing)