𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 1

1K 24 0
                                    

MAAGANG NAGISING si Mia gaya ng napagusapan nila ni Nancie. Tumayo na sya sa pagkakahiga at nagstreching. Pumunta na sya sa banyo at nagsimulang maglinis ng katawan. Habang naliligo sya sa ilalim ng shower napapangiti sya sa tuwing naaalala ang nakitang nyang lalaki sa Show she cant forget the figure of the handsome man.

Nang matapos na syang maligo kinuha nya na ang bathrobe na kulay purple saka sinuot at lumabas sa banyo. Sinimulan nya na munang patuyuin ang kanyang buhok. Naglakad sya papunta sa closet nya at naghanap ng kanyang susuotin para sa kanilang pupuntahan hanggang sa nahagip ng kanyang mata ang floral dress na above the knee at sleeveless kinuha na nya ito at kinuha ang heels na kulay pink na 5 inches ang taas at medyo kumikinang. Nang matapos na syang pumili ng kanyang susuotin bumalik na ulit sya sa lamesa na may salamin sa harap na nasa gilid lang ng kanyang kama.

Hinayaan nya ng nakalugay ang buhok nyang blonde at nilagyan ng white flower clip. Naglagay lang sya ng pulbo sa kanyang mukha hindi na sya naglagay ng lipstick dahil mapula naman ang kanyang labi. Humarap sya sa salamin at napangiti pero nawala ang ngiti nya ng makita ang kanyang mga matang medyo ginto ang kulay dahil dito naalala nya na naman sinuot na nya ang kanyang contact lense.

" Mia tapos ka na ba? "

Tumayo na sya " Yes im done " naglakad na sya palabas ng kanyang kwarto.

Nang makalabas sya nakita na nya si Nancie na hinahanda ang mga dadalhin sa pinagtatrabahuhan nito.

" Hey anong oras tayo aalis? " tanong nya rito. " Ngayon na inaayos ko lang itong mga dadalhin ko bwesit kasi si boss sungit " naiiritang banggit nito ng matapos na nyang ayusin ito at saka humarap sa kanya.

" Omg Mia your so beautiful " puno ng paghangang sambit nito sa kanya. Napangiti sya sa turan nito.

" Incase na makita ko sya Nancie kaya nagpaganda ako ng bongga " sagot nito sa kaibigan.

Inirapan sya nito " Kahit hindi ka naman magayos maganda ka " kaya napangiti ulit sya.

" So anong plano mo? " tanong nito at tumingin sa kanya.

" I will make him fall in love with me at hindi ako titigil hanggat hindi sya nagiging akin "

" Iba talaga pag in love lahat gagawin para lang makuha ito " sagot nito na napapailing pa.

" You know me Nancie lahat ng gusto ko nakukuha ko "

" Oo na ikaw na ikaw ang babaeng nakikilala ko na 18 na pero isip bata " natatawang saad nito.

"Nancie your so mean " sigaw nito sa kaibigan na parang bata habang nakapout. Tumakbo naman ang kaibigan nito palabas ng bahay.

Habang nagmamaneho sya patuloy paring nagkukwento si Nancie tungkol sa boss nya kaya napapangiti sya habang nagsasalita ito kitang kita nya na naiinis talaga ito sa boss nya.

" Alam mo ba grabe talaga yang boss ko ubod ng sungit napakasuplado nya pa lahat ng mga empleyedo nya sinusungitan nya. Kaya ang tawag sa kanya ng iba ay Mr. Sungit. Sa tingin ko ang motto ni sir sa buhay ay Time is Gold tinanggal nya yung isa nyang empleyado kasi mas inuna pa daw yung pakikipag tsismisan kesa sa trabaho ayaw nya daw na may nasasayang na oras " kwento nito abang umiiling pa kaya natawa sya.

Tumingin ito sa kanya " What! " naguguluhang tanong nya kay Nancie.

" Alam mo nahihiwagahan ako kay sir eh " sagot nito.

Naguguluhang napatingin ito sa kaibigan.

" Kasi sa tagal ko ng nagtatrabaho sa kanya hindi ko pa sya nakikitang may kasamang babae "

" Anong magulo dun? " natatawang tanong nya sa kaibigan.

"Syempre baliw ka ba sa gwapo ba naan nun maraming nagkakandarapa sa kanya mapababae man o bakla. Alam mo ba may pumuntang magndang babae sa office ni sir niyaya sya ng babae na magdinner pero hindi nya lang ito pinansin tapos sinabi pa nyang YOU MAY LEAVE grabe talaga si sir babae na nga ang nagyaya na makipagdinner tapos nireject nya lang"

Mr. Billionaire and Miss Perfect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon