My Dulzura
Panda POV
Summer 2015
After graduation ng high school.April 1 my birthday. Sobrang saya ng birthday ko. Maraming niluto si Inay at Tita Lorna. Sa dagat namin cinelebrate.
Hapon ng March 31, 2015
Lucky: Hey! Anong balak mo bukas? Kaarawan mo na.
Me: Syempre magluluto ng handa. Lakas mo kaya kumain.
Lucky: Grabe siya.
Me: Totoo naman sh.
Lucky: Ang sarap kaya kumain. Lalo na niluto mo, ni Tita Thea at Tita Rina.
Me: Nambola ka pa. Malakas ka lang talaga kumain.
Lucky: Oo na hehe. Maggayak ka aalis tayo.
Me: Saan mo naman ako dadalhin aber?
Lucky: Basta. Huwag ka mag-alala pinagpaalam na kita kila Tiya Thea at Tito Philip. Magdala ka ng pang ligo mo.
Me: So sa isang resort tayo pupunta?
Lucky: Basta. Text kita pagpupunta na ako diyan. Maggagayak na din ako.
Me: Ok.
Ano ba yan may binabalak si Lucky. Kailangang magdala ng pangligo. Hindi pa sabihin kung saan. Malalaman ko din naman. Buti pinyagan siya ni Inay. Bawal pa namam lumabas labas ang magbibirthday. Malapit daw sa aksidente. Prayer ang katapat niyan. Si Lord pa. Malakas ako sa kanya.
Naligo na ako pagkatapos kong naimpake sa pack bag lahat ng mga gamit ko.
√ shampoo, conditioner at sabon
√ 2 towel
√ 3 t-shirts
√ 3 shorts
√ 3 undergarments
√ 1 ternong pangtulog
√ 3 bathing suits
√ 1 sunblock lotionBandang alas tres ng hapon. Nagtext si Lucky na pupunta na siya dito sa bahay.
Ayos na ang lahat. Sinuot ko na ang jacket. Nakasuot ako ng black pants at sky blue na t-shirt. Panfs naman ang design ng jacket ko.
Bumaba na ako sa sala. Dala-dala ang bag. Walang tao sa sala lahat sila tulog. Kaya nag-iwan ns alang ako nh note sa lamesa.
Narinig ko na ang tunog ng motor ni Lucky sa labas. Lumabas na ako. Ngiting ngiti si Lucky.
Balot na balot ka ah. Ayaw umitim. Oh heto helmet isuot mo.
Anong nakain mo? Saan ba tayo pupunta?
Sakay na. Dami mong tanong.
Sinuot ko na ang helmet at sumakay na sa motor.
Hoy Lucky dahan dahan naman.
Tuwang tuwa pa siya. Habang ako napakapit na sa bewang niya.
Uy ikaw hsh tsansing na yan.
Tsansing ka diyan. Ayaw ko malaglag ang bilis bilis mo magmaneho. Medyo bagalan mo naman.
Opo heto na. Sorry excited lang po.
After 1 hour and 30 minutes.
Nakarating kami sa dagat. Sa Balerian Resort. May mga tent na nakatayo sa tabing dagat. May mga maliliit din na mga kubo.Pumasok na kami at nagbayad si Lucky sa mga babayaran para sa mga gagawin naming activities.
Isang green na tent at isang yellow na tent ang tutulugan namin ni Lucky. Magkatabi ang dalawang tent. Binaba na namin ang mga bag namin at nagbihis ako ng color pink na bathing suit. Nagsuot din ako ng short. Kinuha ko ang sunblock lotion at nag lagay sa braso at binti.