"Sobrang pogi mo..." malakas na buntong-hininga ni Ella habang yakap ang isang throw pillow at busy na nakatutok ang kanyang mga mata sa pinanonood sa cellphone. "Sana all..."
"Hoy, bruha!" untag sa kanya ng best friend niyang si Marie ng batuhin siya nito ng nilukot nitong papel. Nakaupo ito sa sahig at may kung anong sinusulat sa papel. "Kanina ka pa kasi bumubuntong-hininga 'te. Baka maubos mo na yung hangin dito sa Pilipinas."
"Loka! Ako ang may hawak ng brilyante ng hangin." Angil niya sa kaibigan at saka muling ibinalik ang atensyon sa pinanunuod. "Tignan mo naman kasi, ang ganda-ganda nitong pinapanood kong Korean series. Ang pogi nung lalake!"
"Obvious nga na gandang-ganda ka." Sarkastikong tugon ni Marie at saka siya inirapan. "Biruin mo naman kaninang umaga mo pa pinapanood 'yan. Magwawalong oras ka na nakatunganga, ah. Sasabog na nga ata yang cellphone mo sa sobrang init."
"Kesa naman hintayin ko sa TV, jusko, baka may anak na mga kapatid kong bunso hindi pa nila pinapalabas to. Tsaka wag ka nga kontrabida! Wag mo ako igaya sayo na KJ ang love life." Ganting pang-aalaska niya sa kaibigan lalo't wala pa itong nagiging boyfriend mula noong mga bata pa sila hanggang sa ngayon.
"Choice ko yun!" masungit nitong tugon. "Hindi tulad mo, super feelingera na magiging jowa mo yang mga pinapapanood mo."
"Pwede ba, choice ko din yun, walang pakialamanan!" Irap niya rito.
At totoo naman ang sinasabi ni Marie tungkol sa kaniyang pagkahumaling sa mga Korean Actors. Kaya nga nang minsang gumala sila sa bayan ay talagang sinadya pa bumili ng pirated DVD copy ng bagong labas noon na Korean Series na Boys Over Flowers.
"Pero, Marie, ang guwapo talaga ni Lee Minho, 'no? Para siyang yung mga nababasa lang natin sa pocket book na binibili natin kay Aling Letty." Nangangarap ng gising niyang sabi habang iniimagine ang gwapong mukha ng lahat ng lalaki na gusto niya. "Haaayyy... Gusto ko rin ng ganyang klase ng lalaki. Yung gwapo na masungit na medyo pilyo pero patago yung pagiging sweet at talagang loyal."
"Alam mo, hindi ako sure minsan kung sasabihin ko na ba si Mama mo na dalhin ka na namin sa Mental. Nababaliw ka na sa mga pinapanood mo, eh." Iiling-iling na sabi ni Marie habang tinatawanan ang kaniyang kabaliwan. "Alam mo naman siguro na palabas lang yan. For sure, hindi naman ganyan ugali ng mga yan sa personal."
"Syempre alam ko naman yun 'no. Hindi naman perfect ang hinahanap ko, ah." Nilingon niya ang cellphone at napangiti. "Iyong kagaya lang ni Mr. Gu Jun Pyo"
"Ambisyosa."
"Libreng mangarap, kontrabida!"
Umiling-iling ito. "Hay naku, Ella. Mukhang kailangan ka nga namin ipatingin sa doktor o albularyo. O kaya diretso mental na lang 'no?Tapos pagdating sa Mental, ang unang-una mo gawin ay maghanap ng boyfriend na Doctor, ha? Para naman may gagamot sayo at tuminotino ka na."
"Matino naman ako, ah. Tapos ang ganda ko pa diba? Minsan nga ako na nagsasawa sa ubod ng ganda ko." Bumuntong-hininga uli siya nang i-focus ng camera ang guwapong mukha ng bidang lalaki na si Gu Jun Pyo. Napatili pa siya nang halikan nito ang bidang babae na kapareho nito. "Lee Minho, anakan mo ako ng sampu!"
"Ellary Martinez, jusko, kabahan ka nga sa sinasabi mo!" tila nandidiring wika ni Marie.
"Heh! Huwag mong sirain ang imagination ko, Manang Marie Claire Gonzales." Saway ni Ella sa kaibigan. "Karat na karat na ko, gusto ko na makatikim ng ganyan kasarap at sobrang pogi."
"Jusko, Ella! Kilabutan ako sa mga pinagsasabi mo, para kang hindi babae."
"Hindi nga kasi ako tao, Dyosa ko. Dyosa! Naligaw lang ako sa mundo niyo." Pamimilosopo ulit niya kasabay ng malakas na pagtawa.
"Ay, bahala ka sa buhay mo. Uuwi na ako bago pa ako mahawa sayo." Iniligpit ni Marie ang mga gamit nito. "Magpakalunod ka diyan sa mga oppa-oppa mo. Mahipan ka sana ng masamang hangin at ng madala ka na naming ng tuluyan sa mental."
Binato niya ito ng isang piraso ng unan na naging kaulayaw niya sa panonood ng Koreanovela. "Ang corny mo. Sige na umuwi ka na sa mundo niyong mga mortal. Hindi ka naman kasi dapat nabibilang dito sa sagradong mundo ng magagandang tulad ko."
"Feelingerang kambing!" ganting binato ni Marie sa kaniya ang unan. "Baka nga pala medyo tanghaliin ako bukas dahil sasamahan ko kasi si Tatay. May libre daw kasing gamot na ipapamigay sa loob ng Pharmacy doon sa bagong tayo na supermarket sa may bayan. Sayang naman iyon."
Ang tinutukoy ni Marie ay ang bagong tayo na Hendelson Supermarket sa bayan, 20 minutes na byahe mula sa kanila. Pag-aari rin ito ng mayaman na Pamilya na may-ari ng nag-iisang malaking Mall sa kabilang bayan.
"May gusto ka bang ipasabay na bilhin?"
"Gusto ko ng lalaki. Yung malaki ang hotdog!"
"Gaga, kadiri ka!" eksaheradang sabi nito na halatang diring-diri sa kaniyang sinabi. As always, ito talaga ang napakainosente sa kanilang dalawa. Ang gandang babae kung tutuusin pero parang patay na bata sa sobrang pagkamanang at pagiging mahiyain.
Tatawa-tawang itinutok uli niya ang mga mata sa pinapanood ng malakas na ang kaibigan niyang si Marie.
Mayamaya ay napabuntong-hininga siya. Kailan nga kaya talaga siya magkaka-boyfriend ng katulad ng mga napapanood niya sa mga teleserye at koreanovela? Oo nga't nagka-boyfriend na siya ng apat, pero lahat iyon ay pawang puppy love lang. Ang gusto niya ay iyong tipong parang love story na nababasa niya sa mga pocket book na binibili nila.
Actually, sa isip niya ay marami siyang lalaki. Lahat ng napanood niya at nabasa ay inaangkin niyang mga jowa niya. At lahat ng mga ito ay sinasamba siya. Pero sa isip lamang niya ang lahat ng iyon dahil pawang mga characters lang sa pocketbook at teleserye ang mga lalaking iyon.
Ang sabi ni Marie ay abnormal siya dahil puro siya asa sa imahinasyon lang. Pero ano ang magagawa niya? Sa talagang walang dumarating na lalaking nagugustuhan niya. May mga nanligaw rin naman sa kanya pero wala siyang nagustuhan sa mga ito. Ayaw naman niyang pilitin ang kanyang sarili para lamang masabing may boyfriend siya.
Idealistic siya. Gusto pa rin niya ng true love at happy ending. Gusto niya maramdaman ang pakiramdam ng totoong nagmamahal. Gusto niya maranasan ang mga nararanasan ng mga babae sa mga Pocketbook na nababasa at sa mga Koreanovela na napapanood niya. At siguro kapag nagpakabait siya, baka sakaling pati ang pagmamahal ng lalaking iyon ay iregalo na rin sa kanya ni Lord.
"Feel ko malakas naman talaga ako kay Lord..." Puno ng kompyansa niyang sabi. "Alam ko magkakajowa din ako... Soon..."
In the meantime, maghihintay na muna siya at maghahanap-hanap din ng kanyang naliligaw na Future Husband. Bata pa naman siya at may ilang taon pa siya para tuluyang masabing matandang dalaga siya.
"Mag-audition kaya akong artista sa Korea? Baka sakali madiscover ako at makatrabaho ko doon si Lee Minho tapos ma-realize niya na siya ang itinadhana para sa akin diba?" nakangising pagkausap ni Ella sa kaniyang sarili. "Magaling naman ako sa mga acting kemerut na ganyan. Kaya ko naman siguro? Tapos magkakaroon kami ng kissing scene at love scene..." kinikilig niyang pagsi-celebrate sa naisip. Pero agad rin iyong napigil nang bigla kumirot ang kaniyang tiyan, "Aray! Bwisit naman na LBM to oh, sino ba kasing nagpauso ng ganitong sakit?" nangingiwing reklamo niya sa sarili habang kapit-kapit ang nananakit na tiyan at nagmamadaling tumakbo sa banyo.
BINABASA MO ANG
One That Got Away (Playboy Series #4)
Romance(Tragic Romance) Trace is a rich young businessman and a well-known playboy. At hindi niya iyon itatanggi, in fact, nagagawa pa nga niya pagsabayin ang mga babaeng nilalandi niya. And Ella is just another innocent victim of Trace's game. Dahil ang...