[Adara]
"You know each other?" nakataas ang kilay ni Boss Joey pagdating namin sa kanyang opisina. Para kaming mga elementary students na nag-away at napatawag sa principal's office.
"We're classmates from elementary to college," sagot ko.
"Oh? Ang tagal niyo na palang magkakilala. Bakit parang mga aso't pusa kayo?" Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa.
"We obviously hate each other," umiirap at maarteng wika ni Elisse. "Bakit ba hinayaan niyong lumabas 'yong balitang 'yon? 'Di ba sinabihan ko na kayo? Sinisiraan lang nila ang pamilya namin!"
Natawa ako. "Gumising ka nga, Elisse! Sinisiraan? Napakalinaw ng mga ebidensya laban kay Mayor Almendras. 'Wag mo na siyang tangkain pang ibangon dahil hinding-hindi na siya makaaahon pa."
"Ayaw mo talagang lubayan ang pamilya ko noon pa man walang hiya ka!" Akmang dadapo na ang palad niya sa mukha ko ngunit napigilan ko ito. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya at tinitigan siya nang deretso. Hindi ko alintana ang pang-aawat sa amin ni Boss Joey.
"Nakakahiya ka! Ikaw man lang ang mahiya para sa kawalanghiyaan ng pamilya mo! Ikaw pa naman ang mukha ng ACF News, pero gusto mong paikutin ang katotohanan sa sarili mong mga palad?!" Pinanlakihan ko siya ng mata at pabagsak na binitawan ang kanyang kamay.
"Tumigil kayong dalawa!" malakas na sigaw ni Boss. "Ikaw, Elisse! Wala na 'kong magagawa sa pakiusap mo. The issue was already out of control! Hindi na natin ito basta maitatago! Utos na rin ng mga nasa taas ang paglalabas ng balitang 'yon. The image of our credibility is at risk!"
Gusto kong tumawa nang malakas kaso may biglang idinagdag si Boss.
"Isa na lang ang magagawa nating paraan para humupa ang isyu. Patungan natin ng isang mas malaking istorya. Mamayang gabi, may drug-buy-bust operation ang PDEA sangkot ang isang mayor. Kakayaning tabunan n'on ang isyu sa pinsan mo hangga't wala pang resulta ang imbestigasyon sa kanya."
What the fuck?!
"That would be great!" pumapalakpak na komento ni Elisse. "Mas maganda rin siguro kung si Adara mismo ang mag-cover ng buy-bust operation na 'yon? That's a huge break for you lalo na't kung makababalik ka nang buhay!"
"Hindi pa siya pupwedeng sumabak sa gano'n kalaking operasyon—"
"I'll do it." Ngumiti ako sa kanilang dalawa. "I won't let a huge break pass."
At kapag nakabalik ako nang buhay, humanda ka susunod kong ilalapag sa harapan mo. Matalim kong tiningnan si Elisse at lumabas ng opisina ni Boss. Bumalik ako sa work station ko nang nakahintay ang lahat. Nagsaksak ako ng earphones sa tainga para maramdaman nilang ayoko munang makipag-usap. Tinapos ko ang mga natitira ko pang for writing scripts. After lunch ay sinabihan ako ni Boss Joey na mag-ready para sa briefing sa amin ng PDEA sa isasagawang operasyon.
Ako at isang cameraman lang ang kasama. Mamayang alas nuebe ng gabi sa isang abandonadong warehouse sa Tondo. Nakatakda silang magsagawa ng operasyon sa pagitan ng sangkot na nayor at isang grupo ng mga Chinese. Matagal na raw nila itong tinitiktikan at ngayon lang na-corner ang mga ito dahil sa galing nilang magtago.
During the briefing, they gave us bulletproof vests. Tinanong din nila kung may background kami for self-defense dahil hindi raw maiiwasan minsan ang may mga manlaban. Ngunit mariin din nilang ibinilin sa amin kung ano lang ang pwede naming gawin doon sa oras ng operasyon. Once cleared na ang area, doon pa lamang kami pwedeng mag-live on TV.
Nalaman ng lahat na ako ang sasabak sa drug-buy-bust operation. They were all worried dahil baguhan lang daw ako, but I assured them na kakayanin ko kaya wala silang dapat na ipag-alala. Mabuti na lang ay maaga kaming pinag-out ni Boss Joey para makapaghanda. Bumalik ako ng condo bago dumeretso sa lugar na pagkikitaan namin kasama ang mga taga-PDEA.
BINABASA MO ANG
STS #1: Dauntless [COMPLETED]
Romance[Smith Twins Series #1] Top secret agent Christian Klein Smith and aspiring journalist Adara Olivia Alejo are determined to expose and bring Governor Almendras down. But as they dig deeper into his corrupt and illegal ways, they find themselves tang...