Halos five minutes nang nakatitig si Ced sa screen ng smartphone niyang isang taon nang 'di pinapalitan ang basag na tempered glass, nagdadalawang isip na pindutin ang tweet button. Puta, isang oras ko ring pinag-isipan 'to, sayang effort, napagdesisyunan niya sa wakas. Send tweet bahala.
Agad na hinagis ni Ced ang smartphone niya sa kamang sinasandalan, at dumapa sa sahig ng kanyang kwarto. Wala pang twenty seconds siyang nakapikit nang napabalikwas si Ced at nagmamadaling dinampot ulit ang binitiwang smartphone. Una niyang napansin ang mga Twitter notifications pero agad din itong sinwipe paalis ng screen. Sa group chat nilang magkakaibigan sa Telegram dumiretso si Ced at nag-type. Mga bakla, don't judge. Kbye.
Bago bumalik sa pagkakahiga, in-on ni Ced ang kanyang bluetooth speakers, na automatic na nag-connect sa kanyang smarthpone. Maya-maya pa'y full volume nang kumakanta si Taylor Swift tungkol sa nawawala niyang bandana at mga kakabit nitong alaala, habang nakahigang nakatitig si Ced sa mga nakadikit na glow-in-the dark stars sa kisame ng kanyang kwarto. I was there, I remember it all too well.
BINABASA MO ANG
My Solid Ground
RomanceIsang taon matapos nilang maghiwalay, nagbalik-tanaw si Ced at Caloy sa nagdaang tatlong taon, sa pag-asang mahahanap ang sagot sa kanya-kanyang mga naiwang katanungan.