Sa tuwing may magtatanong kay Caloy kung anong nangyari sa kanila ni Ced, what went wrong along the way, isa lang ang lagi't lagi niyang sagot – life happened. Matik na rin ang kasunod nito – I'd rather not talk about it.

Ganitong ganito ulit ang linyahan ni Caloy kay Jan nang tanungin siya nito for maybe the 32nd time mula nang sabihin niyang wala na sila ni Ced. Magkaharap silang dalawa sa dining table, napapagitnaan lang ng kanilang mga laptop.

"My god Jan, 'di ka pa ba nagsasawang itanong 'yan kay Caloy. Mag-iisang taon nang same script si bakla, yaan mo na siya," 'di napigilang sabat ni Sefa, na nakasandal sa pader sa likod ni Caloy. Nagitla si Caloy sa narinig, at napalingon sa petsa sa isang sulok ng kanyang laptop screen.

"Oh yea, it's actually been a year. Today," mahina niyang banggit.

"Ahhh, that's why," makahulugang sagot ni Jan, sabay akmang balik ng focus sa kanyang laptop.

Nagitla si Caloy sa nakita niyang mabilis na lumipad na bagay sa kanyang peripheral vision. Sinundan niya ito ng tingin hangaang tumama sa ulo ni Jan. Kasabay ng malakas na aray ni Jan niya na-realize na tsinelas pala ito ni Sefa.

"Huwag kang pa-cryptic bakla," iritang sabi ni Sefa habang lumilipat ng pwesto sa upuan katabi ni Caloy. "Anong that's why?"

"Ansakit ha. Ito o." Inikot ni Jan ang laptop niya, kung saan nakabukas sa Chrome ang pinakahuling tweet ni Ced. Matapos itong tahimik na basahin, dahan-dahang inabot ni Sefa ang kamay ni Caloy at hinawakan nang mahigpit.

"Okay ka lang?"

Tumawa si Caloy at bumitiw sa kapit ni Sefa. "Oo naman, anuba guys."

Pero bilang bestfriend, kabisado na ni Sefa kapag nagsisinungaling si Caloy. At bilang bestfriend, alam niya na ring mas makabubuti sa ngayon na hayaan lang ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Solid GroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon