Chapter 40

5.1K 76 4
                                    

(JEZ)

Ang malakas na hangin ang sumalubong sa akin pagbaba ko ng sasakyan. Napakatahimik ng lugar. Tunog lang ng mga ibon ang maririnig sa buong lugar. May iilang tao rin sa paligid.

Dala ang isang kumpol ng bulaklak, chocolate at isang kotseng laruan, naglakod ako patungo kung saan siya nakahimlay. Tinignan ko ang pangalan nitong nakukit sa isang lapida.

In loving memory

of

"Adelard Jertrude Llarenas Gallevo"

Inilapag ko ang mga dala ko sa tabi ng lapida nito. Sinindihan ko din ang kandilang naroon. Isang linggo na akong araw-araw dumadalaw dito

Napakasakit, na sa ganitong sitwasyon ko pa nakakasama ang anak ko. Punong-puno ng pagsisisi ang puso ko. Sana nandoon ako noon sa tabi niya habang nakikipaglaban siya para sa buhay niya, pero anong ginawa ko, iniwan ko sila ng Mommy niya.

"Anak, nandito na naman si Daddy. Humihingi pa din ako ng tawad sayo anak. Sana huwag ka naman makulitan kay Daddy ha" sabi ko at natawa.

"Alam mo anak, kung nabubuhay ka lang siguro, malaki ka na, nakikipaglaro ka na siguro sa ibang mga batang kaedaran mo. Siguro mag gra-grade-1 ka na sa darating na pasukan" napatingala ako para mapigilan ang mga luhang nagbabadya ng bumuhos. Nahihiya na ako sa anak ko araw-araw na akong umiiyak dito.

"Ang dami kong gustong gawin kasama ka anak, pero hindi na natin magagawa, pero okay lang anak, dahil alam ko namang nasa maayos na lugar ka na ngayon. Sigurado marami ka ding kalaro kung nasaan ka man" hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Sobrang sakit! Ngayon ako buong nagluluksa para sa anak ko. Nagluluksa ako noon dahil sa pagkawala niya pero mas lalo akong nasasaktan ngayong nandito na ako sa puntod niya.

"Sana anak mapatawad mo si Daddy dahil iniwan ko kayo ng Mom mo, kase anak ginawa ko iyon para sa inyo. Iniwan ko kayo kapalit ng pera para maipagamot ka, hindi ko na din kasi kayang makita ang Mom mo na umiiyak dahil sa sitwasyon natin noon. Hindi niya inpinakita pero alam ko anak, hirap nahirap din ang Mom mo noon." Biglang nagtaasan ang balahibo ko ng biglang umihip ang malakas na hangin.

Nag stay ako sa sementeryo hanggang mag alas-sais ng hapon. Hingi lang ako ng hingi ng tawad at kwento ng kwento sa mga nangyari sa buhay.

"Sige anak, babalik na lang si Daddy ah, kahit gusto ko pa sanang mag stay pero isasara na ang sementeryo eh. Miss na miss ka na ni Daddy anak. Lagi mo tandaan anak, na mahal na maha kita." Paalam ko at naglakad na pabalik sa kotse.

"Una na po ako Mang Juan" paalam ko sa care taker ng sementeryo. Tumango naman ito bilang sagot. Kilala na ako nito dahil araw-araw ba naman ako magpabalik-balik dito.

Pag-uwi ko sa bahay naroon si Dad at Mom sa sala. They are talking about business, puro sila business.

"Nandyan ka na  pala anak, tara na kumain na tayo, hinihintay ka namin ng Dad mo" nakangiti nitong sabi sa akin, pero tinignan ko lang siya at dumiretso na sa kwarto para makapag bihis.

Pagkatapos ko magbihis ay dumiretso na ako sa kusina para kumain. Nang umupo ako, tinignan lang ako ni Dad

"Tikman mo ito anak, masarap ito, ako nagluto" sabi nito at tinangkang lagyan ng pagkain ang plato ko

"Stop it! Kaya kong kumuha ng kakainin ko" mariing sabi ko. Nagulat naman siya dahil sa sinabi ko at ibinaba ang pagkaing hawak.

"O-oh sige" sabi nito at naupo na sa sariling upuan.

I can see that they reaching for me, but I can't let them. If they only help me when I need them the most hindi ko sana nasaktan ang babaeng mahal ko at sana nadoon ako sa tabi ng anak ko na nakikipag laban para sa buhay niya, pero hindi eh! Sinamantala nila ang sitwasyon ko para sa sarili nilang kagustuhan at plano. 

Tumikhim si Dad kaya napatingin kami sa kanya.

"Since nandito ka na, aayusin ko ang mga papers para ma turn over ko na sa iyo ang kumpanya. Binigyan na kita ng palugit ng pinayagan kitang mag extend ng stay mo abroad, kaya ngayon sa tingin ko time na para ikaw naman ang mamahala sa kumpanya. Huwag ka mag-alala iga-guide pa din naman kita dahil wala ka pang experience" sabi nito at pinagpatuloy ang pagkain.

I will gladly accept your fucking company then I will crash it into pieces.

"Oo nga anak, mas magandang maaga na ikaw ang humawak ng kumpanya, para masanay ka na at mapag-aralan mo kung paano ito patakbuhin. Huwag kang mag-alala tutulungan ka ng Dad mo" nakangiting sabi naman ni Mom.

Simula ng dumating ako sobrang alaga ako ni Mom, yung pag-aalaga na kay Kuya niya lang ibinibigay noon. Gusto kong matawa, dahil noong kailangan ko ng aruga niya hindi man lang niya ako tinapunan kahit kaunti, ngayong kaya ko na ang sarili ko saka niya ako binibigyan ng atensyon. Fvck life!

"Okay" iyan lang ang sinabi ko at sabay na nagliwanag ang kanilang mga mukha. Sige lang magsaya na kayo, habang hindi pa bumabagsak ang kumpanyang mas mahalaga pa sa anak niyo.

Nakatayo ako ngayon sa terrace at nakatingin sa bahay nila Eris. Wala ng nakatira ngayon doon, sabi ng katulong namin na napagtanungan ko, sa kanila pa rin naman daw ang bahay pero lumipat na daw ang mag-asaw ng umalis si Eros sa poder nila.

I look at the terrace on Eris room. Memories came back. Mga alaala namin sa kwarto niya. Teenager kami noon with raging hormones. Nagawa namin ang mga iyon dahil sa bugso ng damdamin. Nasa stage kami ng buhay namin na mapusok kami at hindi inisip ng mabuti ang kalalabasan ng mga actions namin. Kahit ganito ang kinalabasan hinding-hindi ko pagsisihan iyon kahit kailan. Masaya kami noon eh, mayroon kami ng isa't-isa para kapitan.

Napabuntong hininga na lang ako. Iniisip ko rin kung saan ko makikita si Eris. I hired private investigator but the leads always meets dead end. Sabi ng investigator maaari daw na may humaharang kaya nahihirapan silang mahanap ito.

Nagstay lang ako doon hanggang sa tumunog ang phone ko. It's Yuna, my secretary.

"Good Evening Sir, update ko lang po kayo" sabi nito sa kabilang linya

"Go on"

"Naka tanggap na po ako ng tawag mula sa secretary ni Mr. Alvarez, gusto na po nilang mag set ng meeting para mapag-usapan niyo na po ang magiging investment. Mayroon din po akong email na sinend sa inyo for review. May meeting din po kayo sa dalawang possible investor tomorrow. Iyon lang Sir"

"Okay, thank you Yuna" sabi ko at ibinaba na ang tawag.

Napangisi ako, MY company is doing good. Hindi alam nila Dad that I build my own company from my trust fund. Balak kong ibigay kay AJ iyon pero dahil wala na ang anak ko ginamit ko para magtayo ng sarili kong kumpanya para kapag napabagsak ko na ang kumpanya ni Dad, nandoon ako sa kumpanya ko at nag ce-celebrate. 

---

S.B. Notes

Comments and Votes Babe

I have the ending na pero parang hindi ko gusto kaya papalitan ko HAHAHA

ThankYou! Babes <3

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon