Matapos saksihan ang pagtatalo nina Renata at Madeline, tuluyang naglaho ang aking pag-asa na maiayos pa ang aming pamilya. Hiniling ni Madeline na gusto na niyang umuwi ng Alfaro dahil masama ang kaniyang pakiramdam.
Sa ilalim ng sikat ng araw ay naglaho ang masiglang kulay ng kaniyang balat pati ang pagkabata sa mga mata niya. Napagtanto ko kaagad na hindi niya iyon gawa-gawa lamang para iwasan ang aking mga katanungan. Subali't sa sinabi niyang iyon ay nadagdagan lang ang mga dahilan kung bakit kailangan niyang manatili rito sa bahay. Kung uuwi siya ay siya lang mag-isa sa kaniyang flat, kaya mas mabuti kung meron siyang makakasama para bantayan ang kaniyang kalusugan.
Tinanggihan lamang niya ang payo kong magpahinga muna sa loob. Maging pagbigay ko sa kanya ng gamot ay hindi niya tatanggapin. Wala na akong naisip para sa ikalulugod niya.
Pumasok siya ng bahay na aking sinundan. Wala ang presensya nila Edmund sa loob. "Lin, if you really wish to return home, can you at least allow me to comfort you? Food, perhaps, or something to drink, to ease what you're feeling."
Kusa siyang huminto na tila mayroong naisip saka humarap sa akin. "Actually, pwede ba tayong mamasyal sa gubat? Narinig ko kasi sa mga tenant n'yo kanina na madalas silang pumupunta roon."
Natigilan ako at napatitig sa kanya. "I don't think it's the appropriate time to go outside when you're feeling ill."
"Pero hindi mo rin ako mapipilit na manatili rito sa loob." Isang malalim na hininga ang kanyang ibinuga, tila kasabay roon ay pagkawala ng kanyang mabigat na naramdaman. Bakit ayaw niyang sabihin sakin ang bumabagabag sa kanya? Nasaan na iyong dating Madeline na hindi mag-atubiling aminin ang mga sekreto namin sa isa't isa?
Mula sa sahig ay inangat niya ang kanyang tingin sa akin. "Josie, mapagkatiwalaan naman kita, di'ba?"
Nahiwagaan ako sa kanyang tanong, at hindi kaagad nahuli ang aking sarili na sumimangot sa hindi angkop na oras. "Anong klaseng tanong 'yan, Lin? We've been apart for years, yes, but you're still the dearest to me."
Marahang lumitaw ang mumunti-munting ngiti niya, subali't kalaunan ay umiling. Sa pangalawang pagkataon dinuda pa rin niya ang aking katapatang-loob sa kanya. "Natandaan mo pa ba 'yong pangako natin sa isa't isa no'ng bata pa tayo?"
Sinikap kong tandaan ang lahat ng kuwento o biro namin na nauwi sa seryosong usapan. Ang mga beses na hinalungkat at halos inubos na naming basahin ang mga aklat sa study room. Ang panggagaya at pag-iiba namin ng katauhan. Iyong gabing hinabol ko siya papasok ng gubat dahil naiiyak siya pagkatapos siyang sumbatan ni Lola.
Ngunit kahit tanda ko pa ang mga iyon, hindi ko maalala ang mismong pag-uusap namin, ang mismong palitan namin ng salita. Naging malabo ang kanyang mukha. Nawawala ang kanyang boses. Tila isang program sa radio na hindi stable ang signal at sinubukan ko lang pakinggan para hindi umidlip. Maging ang mismong sinabi niya habang patuloy ang pagbuhos ng luha niya ay hindi ko matandaan.
Gumuhit ang isang malungkot na ngiti sa mukha niya. Hinawakan ko siya sa braso upang bigyan ako ng kauting oras para mag-isip. Galit ako sa aking sarili. Anong nangyayari sa akin at basta-basta ko itong binura sa isip ko, na para bang wala itong saysay?
"A maid, unmatched in manners as in face, skilled in each art, and crowned with every grace." Sigurado akong narinig ko na ito, pero hindi ko matandaan sa kung saan. Bakit hindi lang niya ako diretsuhin? Pinaparusa niya ako sa ginagawa niyang ito.
Nag-alanganin akong ngumiti sa kanya, pero nakita niya agad na sa likod nito ay isa lamang reassurance para hindi ko siya masaktan. Reassurance lang din ba ang mga alaalang iyon? "Hindi ako 'yong batang kilala mo, Josie. 'Yong puno ng pangarap at ambisyon, inosente. Sa murang edad, sinuko ko ang lahat ng 'yon."
BINABASA MO ANG
Reverie
Misterio / SuspensoHalina't pumasok sa gubat at magliwaliw, kalimutan ang oras at direksyon. Kung ikaw ay maligaw ay huwag mangamba. Magpariwala. Walang mas hihigit pa sa katinuan ang alisin ang mga kadenang gumapos sa mga isip natin at pilit tayong maging malaya. Kas...