☽ Kabanata XVIII ☾

155 58 5
                                    

Ang Pulseras Na Perlas


Nagmamadali akong lumabas ng bahay, hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya nagpadesisyonan ko na kay Lola Nonecita muna ako.

Kumatok ako sa pintuan ni Lola ay nakita niya akong umiiyak, agad akong yumakap sa kaniya. "Anong nangyari? Hindi ba at natuloy yung lakad niyo ni Nathan? Bakit? Hindi ka ba niya sinipot?" nag-aalalang tanong sakin ni Lola.

"Hindi po.." mahinang tugon ko naman. "Aba bakit hindi? Akala ko ba seryoso sya sayo..bakit hindi ka nya-" at hindi na natapos ni Lola Nonecita yung sasabihin nya..yung paraan ko lang kung paano ko siya tignan ay agad niyang naintindihan. Naintindihan din niya na hindi si Nathan ang dahilan.

"Hindi po..." at niyakap din ako ni Lola..

Sinubukan ko na humiram ng pera kay Lola at pupunta ako ng bus station. Agad namang pumanik sa itaas si Lola para kunin ang wallet nya, pero naririnig ko na may tinatawagan siya.

Si Nathan.. Gusto nyang papuntahin dito si Nathan at tatanungin niya yung nangyari sakin. Ayokong makita si Nathan ngayon, hindi ko alam pero kahit alam ko na hindi siya si Ismael ay ayoko na muna!

Bigla akong nagmadali lumabas ng bahay ni Lola at nakita niya ako tumatakbo sa bintana niya.

"Tora!" ang sigaw ni Lola habang kumakaripas ako ng takbo. Hindi ko na magawang lumingon pa ulit sa likod ko.. Pagkadating ko naman sa bus station ay naupo ako sa gilid. Sinabihan ako ng isang babae kung saan daw ako pupunta..dahil yung karaniwang bus na dumadaan dito ay bukas pa ulit babalik.

Pagkatingin ko sa lupa ay tsaka ko lang nakita na wala pala akong suot na sapin sa paa.. Nakakabalisa ang lahat at hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko. Dapat natutulog na ako ngayon dahil may pasok pa ako bukas sa trabaho, saan ba talaga ako pupunta?

Halos ilang oras din ako nagpalakad lakad sa gilid ng kalsada habang nakatulala. Hindi mawala sa isipan ko ang nangyari sakin kanina.. Paano nagawa ni Ismael sakin yun? Paano?

Kahit pagod na ako ay kusa naman naglalakad yung mga paa ko, hanggang sa narealized ko na malapit na ako sa bahay nila Arolf. Nakapatay na ang ilaw sa kwarto ni Arolf, nakikita ko ang bintana niya mula sa labas..

Tulog na siguro si Arolf, hindi ko rin alam bakit sobrang namimiss ko na siya. Nakita ko naman si Fabricio na nakatayo sa Terrace..nakatanaw lang sa kalangitan at nakatulala din. Binalewala ko nalang ang mga nakita ko at nagpatuloy sa paglalakad..

Mula sa bahay ay napunta ako dito nang nakapaa habang umiiyak pa.
Binilang ako ang bawat hakbang ko mula sa bahay nila Arolf at nakaabot ng tatlong daang hakbang ang nabilang ko. Ganito rin yung sinabi sakin ni Arolf noong nakaraan, sa eksaktong ika tatlong daan na hakbang ay narating ang kubo sa gilid ng kalsada.

Nasa loob ng kubong ito ang pinto, ang lagusan papunta sa Heratalya. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ko bakit nandito ako, basta nakita ko nalang ang sarili ko na binubuksan ang pinto sa loob at pumasok dito.

Gabi man sa mundo ko ay umaga naman dito sa Heratalya. Pagkalabas ko ng kubo ay nasa gitna ng gubat ulit ako. Karaniwang nababasa ko lang sa libro ang mga ganitong eksena, yung may teleportation na nagaganap at hindi ko akalain na mangyayari ito sakin.

Naglakad lakad ulit ako sa gubat at napadaan sa liwanag, ngayon naman ay nasa dulo na ako ng gubat. Bumaba ako sa mabatong daan, at biglang nakatapak ako ng isang matulis na bagay. Dahil wala akong sapatos o tsinelas man lang ay nasugatan agad ang talampakan ko. Sobrang sakit! Ang sakit sakit!

Pero wala paring mas sasakit sa ginawa sakin ni Ismael.. Yung kawal na akala ko ay maginoo, mabait, marespeto, mapagkakatiwalaan at isang mabuting kaibigan ay isang malaking kasinungalingan.

Gasuklay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon