Matalim ang titig ni Yvo sa akin at kay Kuya Sirius. dagdagan pa ng mga tingin ni Mommy at pasulyap-sulyap ni Daddy. Napabuntong-hininga ako ng tumayo pagkatapos mag salita ni Kuya Sirius, maayos na naisagawa ni Honey ang power point presentation ko kaya hindi naging mahirap sa akin. May lungkot man, sa oras na iyon nangibabaw ang kasiyahan ni Mommy habang nagsasalita ako at ng iba kong pinsan.
"Gusto ko ng food tasting sa mga pagkain na ini-presenta mo Ms. Sandoval" Si Kara.
Gusto ko siyang panlakihan ng mata. "De la Merced" Gusto kong idagdag ngunit nanatiling tikom ang aking bibig.
"Lo, gusto kong siguraduhin na masarap at pag-uusapan ang mga pagkain ng DLM Corp. Maliban dito ay Kanza Resto ay siguradong maapektuhan sa resulta." Tumango-tango si Lolo sa sinabi ni Kara, mukhang sang-ayon sa gusto.
"We can schedule it. Maybe on Monday.." kay Daddy ako nakatingin. Ano ba ang pakiramdam niya ngayon at kami ni Kara ang nag-uusap tungkol dito? Masaya ba siya? Nagpipigil ako ng luha kahit gusto ko ng maiyak ngayon.
Bahagya akong nawa sa isip.Hindi ko manlang namalayan na ilang beses ng inulit ni Kara ang sasabihin.
"Tulog ka ba MS. Sandoval?Paano ka nakapasok dito ng lumilipad ang isip mo." Hindi pa siya nakontento sa sinabi at talagang napatayo pa.
"I'm sorry. Pero hindi pwedeng bukas dahil may mga schedule ang cook. Peak season ngayon kailangan ng mas matagal ang mga tauhan sa Kanza, kailangan pang isingit dahil lunes lang ang bakante." Akala k doon lang matatapos ang pag putok ni Kara.
"That's it? Hindi na magawan ng paraan? Ginagawa mo ba talaga ng maayos ang trabaho mo? Ano Kuya Sirius. Akala ko ba magaling to..." She shouted.
Humina ang pintig ng puso ko. Walang nagawa si Mommy at Daddy sa akin, kung sasagot ako ay wala din namang mangyayari, Masisira lang ang lintik na plano ng mga pinsan ko. Ayoko ng madagdagan ang problema nila. "Shut up Kara.." Kuya Sirius shouted. Napaiyak si Mommy, Bago pa tumulo ang mga luha ko ay tumakbo na ako palabas.
Umiiyak akong pumasok sa elevator. Sobrang nasaktan ako sa pagpapamukha ni Kara na wala akong kwentang anak para sa Daddy!
Tanaw ko na ang sasakyan ko, nakahanda ang itim na van at lang tauhan, mabilis siguro silang natawan ni Kuya Ken na parating ako, pero bago pa nila ako makita ay may malakas na humila sa akin.
Alalang-alala si Yvo habang pinupunasan ang mga luhang pumapatak sa aking pisngi. Ni hindi ko na nga napansin na nakalapit na kami sa kanyang kotse at nakahinga nalang ng makaalis kami. Alam kong tatawag si Kuya Sirius kaya pinatay ko na agad ang telepono ko. Mas pinili kong sa condo nalang ni Yvo pumunta, walang nakasunod na bantay sa akin kaya hindi ko pwedeng ipahamak si Yvo kung magpupunta kami sa ibang lugar.
Nakatanaw ako ngayon sa matatas na gusali ng Manila. Napatingin ng maglapag si Yvo ng isang baso ng tubig. "Drink." Utos niya na agad ko din namang ginawa. Sa sobrang sama ng nararamdaman ko, bumuhos ng malakas ang aking muli. Niyakap ko siya ng mahigpit, pakiramdam ko sa ngayon wala na akong ibang kailangan kundi siya lang. Hinayaan niya akon ilabas ang sakit na nararamdama ko hanggang sa magising nalang ako sa malambot na kama.
Inilibot ko ang tingin sa loob ng kwarto. Nakaupo si Yvo habang nakataliko sa akin, nakaharap sa ilang papeles na nakakalat sa lamesa at hindi agad napansin ang pag-gising ko. Malamig ang sahig ng naitapak ko ang aking mga paa. Hindi rin kita ang labas kung madilim ba o maliwanag parin kaya tahimik akong lumapit kay Yvo. Napatayo siya agad ng makita ako.
"Are you okay? Hindi kita agad napansin.."
Bakit ngaba kami ipinagtagpo kung hindi rin lang naman pala kami para sa isa't-isa. Kung totoong may gusto siya sa akin bakit hindinalang bilang Selena.. Niyakap ko siya. Walang pag-alinlangan kong inilapit ang labi ko sa kanyang mga labi, masyado man mabilis ang pangyayari walang nagawa si Yvo kundi ang labanan ang mga halik ko. I'm not a good kisser. Wala pa naman akong nahahalikan, kaya sa abot ng makakaya ko ay ginawa ko nalang kung ano ang nararamdaman ko.
"Baby..Let's talk first." Malambing niyang sabi pagatapos bitawan ang labi ko. Bahagya akong napanguso. Nahiya sa ginawa, kaya naglakad pabalik sa kama at nagtabon ng unan.
Selena! Ano ba!!!!!! Magwawala si Kuya Sirius kapag nalaman ang kalandian ko.
"Huwag mong dibdibin ang sinabi ni Kara. Minsan nangyayari naman talaga yon sa meeting.." Hindi nawala sa boses niya ang paglambing sa akin, siguro dahil baka muli akong masaktan. alam ko man sa sarili ko na hindi lang yon an dahilan ay hindi na ako sumagot. Dahan-dahan niyang kinuha ang unan na nakatakip sa mukha ko at mabilis na hinalikan sa noo.
"Girlfriend na kita, May marka ka na." He said. Nanlaki ang mata ko at bahaga siyang tinulak, natawa siya sa ginawa ko samantalang ako namumula na tiyak ang pisngi.
"Anong girlfriend? Ikakasal ka kay Kara..at anong marka?" He chuckled. Natawa nalang din ako, hindi ako nagkamaling siya lang din ang makakapgpawala ng sama ng loob na nararamdaman ko ngayon.
Para akong nagka amnesia. Sinulit ang lahat, kinalimutan ang problema at ang relasyon ni Yvo at Kara. Si Yvo ang nagluto ng hapunan namin, pagkalabas niya ng kwarto ay mabilis kong nabuksan ang cellphonr at nag text kay Kuya Sirius na nasa maayos ako at gusto ko lang magpamalamig ng ulo.
Sa gitna ng tahimik na hapunan ay hindi ko aasahan ang itatanong ni Yvo.
"Where's your father?"
Mabilis akong napainom ng tubig at nagpunas ng labi. "Why?Liligawan mo?" Kunwari akong natawa.
Ngumiti siya at tumango. Umiling ako agad." Hindi yon papayag na ikaw ang magiging boyfriend ko kahit mayaman ka pa.."
Tumaas ang kilay nito. Kahit pa hingin kita sa Daddy ko Yvo ay malabong ibibigay niya ang gusto ko dahil kay Kara silang naka focus lahat ngayon. Hindi na nakaganting sumagot si Yvo dahil sunod-sunod na tumunog iyong doorbell sa labas. Napatayo ako at napatingin sa kanya, niligpit ko ang plato ko at ilalagay sana sa lababo ngunit napigilan niya ako. Mabuti nalang din pala at tapos na ako, posibleng si Kara lang ang pupunta sa kanya sa ganitong oras kaya malaking gulo na naman kapag nakita ako.
Hinawakan niya ako sa kamay, mag-rereklamo pa sana ako ngunit ng sa loob ng kwarto niya kami pumasok ay naisip ko naring magtago nalang muna.
"Stay here. Magpahinga ka.Ako na ang bahala.." Ang bilis ng pangyayari. Hindi ko na maala kung paano nagsimula itong ginagawa namin.Mariin niya akong hinalkan sa noo bago lumabas ng kwarto.
Limang minuto na ang nakaklipas, pabalik-balik ako sa paglalakad. Kahit pilitin kong marinig ang pinag-uusapan nila sa labas ay wala akong marinig. Hindi ko rin marinig na may babae o ibang tao. Baka lumabas sila, pero di ko rin naman narinig na tumunog iyong pintuan.
Limang minuto pa ang nakalipas bago pumasok si Yvo sa kwarto. Natigil ako sa paglalakad. Muli niyang hinawakan ang kamay ko at dinasala sa labas. Para akong gelatin na natunaw ng sa pareho naming kamay nakatingin ang pinsan ko.
"Masyado kayong mabilis." He murmured. Kinuha ako ni Keb galing kay Yvo..
"I'll talk to her. mabilis lang..." Umayaw man at naguluhan si Yvo ay ako na mismo ang nakiusap. Hinayaan kami ni Yvo na mag-usap sa balkonahe. Sa boses ni Keb ay alam kong dismayado na siya kaya hindi na ako gaanong sumasagot at nakikinig nalang.
"What are you doing? Gusto mo ba talaga itong paraan para lumabas huh Selena? Do you think mananalo ka kung mapapasayo si Yvo?"
Hindi ko na nakayanan ang huling pangaral ni Keb. Luminga-linga ako, siniguradong wala si Yvo at hindi maririnig ang pinag-uusapan namin. " Sa tingin mo ba ginagawa ko to para saktan si Kara? Keb...Alam niyo naman kung gaano ko kagustong makita si Yvo noon pa. Akala ko ba kampi tayo? I thought where allies... Pwede bang kahit siya nalang itira niyo sa akin? Ayoko na..Ilabas niyo na ako.. Gusto ko ng mabuhay ng maayos..." Bago pa tuluyang bumagsak ang luha ko ay nayakap na ako ni Keb.
Tumagal kami ng ilang minutong ganoon ang posiyon, ngunit naagaw din ako ni Yvo ng nakaakyat na. "I'll take care of her. Alam kong sayo ibinilin si Princess ng nanay niya---'' Hindi ko na nasundan ang mga pinagsasabi ni Yvo, dahil puro na kasinungalingan ang alam niya sa buhay ko.