Lagi akong nakatambay sa bintana ng bahay naman hindi ko alam kung bakit? Siguro mahilig lang ako mag muni-muni sa gilid.
Hindi ko rin alam kung bakit nahihibang ako kakatitig sa lumang bahay na nasa harapan ko ngayon.
"Kelan ba kaya to magkakaroon ng mga naninirahan dito?" tangkang usap ko sa sarili ko
"Hoy jenny!" bigla naman nagising diwa ko at tumingin sa direksyon kung saan nanggaling yung tumawag saken.
"Ah- eh- baket?" tanong ko kay ate.
"Halika dito, andito si kuya mo" masayang ani niya, ha? kuya?
"Kuya? Sino?" tanging tanong ko at hinila niya ako palabas papuntang likuran ng bahay namen.
----
"Naalala mo ba yung bintana na yan?" sabi niya ngunit ako'y litong lito kung anong meron sa bintana na yan.
"Baket anong meron jan?" tanong ko.
"Hindi mo naalala? Bumalik si kuya! Hindi ba siya nakikita? Ayan siya oh ngumingiting nakatingin satin" masayahing ani niya sabay kaway luminga linga naman ako sa paligid ngunit wala akong makita ni isang anino ng tao kundi yung amen lang.
"Sinong kuya ba? Wala tayong kuya!" sigaw ko sakanya.
Nakita ko kung paano nanlumo ang kanyang mga mata, Matang unti unting binabalot ng mapapait na alala hanggang sa unting unti tumutulo ang kaniyang mga munting luha galing sa kanyang mga mata.
"Grabe noh? Sinakripisyo niya buhay niya para sayo tapos kinalumatan mo siya? How pathetic of you sister" sabi niya sabay ngiti at pahid ng kanyang luha.
"BAKET BA!" sabi ko at di ko rin mapigilan ang aking emosyon
Umalis siya ng umiiyak at nasa huli ko na nalaman na siya yung nag iisang kuya naming sumagip sakin sa oras na tinutupok ng apo'y yung lumang bahay namin.
Bakit siya nasa ibang bahay? dahil anak siya sa labas ni mama at yun ang hinding hindi nila matanggap.
Ngunit ang nag iisang bintana sa likod ng aming bahay ang tanging daan upang kaming magkakapated ay magkita.

BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES (COMPILATION)
FantasyKung nais mo ng kwentong puno ng ✓Kababalaghan ✓Kalungkotan ✓Pag-iibigan ✓Misteryoso ✓Kasiyahan ✓Kalokohan Ay tiyak napunta ka sa tamang Compilation ng ONE SHOT STORIES! Ang lahat ng mga akdang ito ay kathang-isip lamang, lugar, pangalan, pangyayare...