Part 5 of (I challenge my boyfriend to break up with me)
Sheila's POV:
Masakit na salita ang binitawan ni Paulo.
Pero buong puso ko 'yon na tinanggap, dahil alam ko na may mali akong ginawa.Sa tuwing nagtatama ang paningin namin, umaapaw ang pagkamuhi nito sa akin.
Tila tinutusok ng karayom ang dibdib ko sa sobrang bigat na aking dinadala.
I'm tired.
Pagod na ako sa lahat."Sweetiee, kailan mo ba kasi balak na jowain ako? Gusto ko na rin magkaroon ng label ang relasyon natin. Nakakasawa kaya kapag landian lang.", bigkas ng isang babae sa kwarto mismo ni Paulo.
Sa araw na lumipas, palagi ng may dala na babae ang binata.
Minsan nga, nakikita ko siya na may kahalikan na iba.
Dahilan para mamatay ako sa selos.Pero anong magagawa ko?
Wala na akong karapatan sa kanya, kasi ako mismo ang nakipaghiwalay."Kung naiinggit ka, we can do it also, darling.", sulpot na sabi ni Ryan na kaagad akong niyapos.
"A-ano ba, w-wala ako sa mood ngayon.", pagpipigil ko sa lalaki.
Kaso naging malikot ang kamay nito kaya awtomatikong napunta ito sa malulusog kong papaya."I said, stop it!", sambit ko at tinulak siya palayo sa akin.
"Asawa mo na ako ngayon, Sheila. Kaya kung ano man ang gusto kong gawin, gagawin ko.", saad nito kasabay ng paghalik nito sa labi ko.
Ang halik na 'yon, madiin at marahas.
Na parang bumalik sa aking ala-ala ang kahalayan na ginawa nito."Hmmmm, R-ryan ano ba hmmm.", bigkas ko habang iniiwasan ang labi niya.
Unti-unti ay napasanday ako sa pader na katabi ng pintuan ni Paulo.
Kahit anong pagpupumiglas ang gawin ko, masyadong malakas ang binata.
"R-ryan--",
I was about to push him away, kaya lang bumukas ang pinto at do'n lumabas ang dalawa.
Nakatingin sila pareho sa posisyon namin lalo na sa suot kong damit.
And shit! Nakikita na pala ang aking bra na animo'y iisipin nila na ginusto ko ang nangyari.
"Kung gagawa kayo ng milagro, 'wag naman dito.",
"-Pinapahalata niyo lang kung gaano kayo karuming tao.", walang emosyon na sabi ni Paulo.©Binibining_Timoji
BINABASA MO ANG
I challenge my boyfriend to break up with me
Short StoryA very short story💓 Sana kahit papano, may matutunan kayo.