Part 7 of (I challenge my boyfriend to break up with me)
Sheila's POV:
Nagising ako na halos puti ang nasa paligid.
Ewan ko ba, pero gano'n na lamang ang takot sa dibdib ko nang may humawak sa aking palad.
"Shhhh, don't be afraid, Sheila. Ako 'to, si Paulo.", mahinang bigkas ng binata.
Kaya kahit papano, naibsan ang kaba sa dibdib ko at nakahinga ng maluwag.
"A-anong ginagawa ko rito?", tanong ko sa kanya.
Pero sa halip na sumagot siya, agad niya akong niyakap.
Yakap na puno ng pagmamahal na sobrang namiss ko.
"Narinig ko ang pinag-usapan niyo kagabi.",
"--Narinig ko ang totoo mong dahilan.", wika niya na alam kong nakangiti siya.Hindi agad ako nakapagsalita dahil pa rin sa pagkagulat.
Paano nangyari 'yon?
"Wala ka ng dapat ipangamba, Sheila. Because he's now in jail. Nasa kulungan na si Ryan.", muli n'yang patuloy.
Lalo tuloy akong nagtaka at naguluhan sa sinabi ni Paulo. Kaya hindi ko maiwasan na magkunot-noo.
"Matagal ng gumagamit ng drugs ang kapatid ko. Nung gabi na binugbog ka niya, dumating ang pulis dahil umamin ang barkada niya na sangkot siya sa pag-gamit ng illegal na droga.",
"--At nalaman ko rin ang mga ginawa niya sa'yo. Dahil narinig ko mismo mula sa bibig mo ang totoo.",
"--And I'm really happy, Sheila. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya.", pahayag nito at tiningnan ako sa aking mata."Pero y-yung video, yung video--", nauutal kong sambit.
"Don't worry about it. Sinunog ko na 'yon para hindi na kumalat pa.",
"--Kaya hindi mo na kailangan isipin 'yan.", litanya ni Paulo at bahagya akong hinalikan sa noo."--Mahal na mahal pa rin kita, Sheila. Kung ano man ang nasabi ko sayo noon, nagalit lang ako. And I'm sorry.", he continue.
"You don't need to say sorry, kasalanan ko rin naman. Napangunahan ako ng takot kaya nagsinungaling ako sa'yo.", I said while smiling.
"Then, can I ask you a favor?", bigkas niya na tila nahihiya pa.
"Oo naman.", sagot ko sa binata.
"Can you be my girlfriend, again?",
"Girlfriend lang? Ayaw mo ako maging asawa?", pabiro kong turan.
"Of course, I want you to be my wife. Pero sa ngayon, habang buntis ka pa, pag-iipunan ko muna ang kasal.", malambing na tugon niya.
Ang sarap pala sa pakiramdam kapag nalampasan mo na ang problema noh?
Hindi ka na kakabahan at magiginhawaan pa ang buhay mo.
©Binibining_Timoji
BINABASA MO ANG
I challenge my boyfriend to break up with me
Short StoryA very short story💓 Sana kahit papano, may matutunan kayo.