"Dalawang babae ang hindi pa nakikilala matapos nakipagbarilan sa mga security guards ng isang kilalang Casino kagabi. Dalawa ang nasawi samantalang anim na security guard ang kasalukuyang ginagamot sa pampublikong ospital. Ayon sa mga witness, nagnakaw umano ang isa sa mga babae ng briefcase ng isang lalaking naglalaro doon..."Seryosong nakatitig si Firona sa telebisyon. Kinikilatis niya ang mukha ng dalawang babaeng napabalitang nakipagbarilan sa isang casino. Biglang nagkaroon ng kutob si Firona na baka sila na ang matagal nilang hinahanap. Baka sila na nga ang mga kasamahan nilang nakatakas anim na taon na ang nakalilipas.
"Base sa kuha ng CCTV camera ng naturang lugar, hindi kapani-paniwala ang galing ng dalawang babae sa pakikipag-bakbakan. Ngayon ay patuloy ang pulisya sa paghahanap ng dalawang hindi pa nakikilalang mga babae. Mula sa himpilan ng DCDD, ito sa Allyah Faith Antillon, nag-uulat."
Napatingin si Firona kay Sabiana na katabi niyang nanonood. Nagkibit balikat lang ito. Ibinalik ni Firona ang tingin sa kanilang tv at biglang natandaan ang kanilang nakaraan.
...
"Tumakas na po sila.", sagot ni Sabiana.
Napasuntok na lamang sa gilid ng sasakyan si Mister C. Nangingibabaw ang galit nito kahit na sugatan mula sa bakbakan. Narinig ng dalawang batang naiwang ang pagmumura ng kanilang guro sapagkat nakatakas ang tatlo pa nilang kasamahan.
"Tiyak na malalagot ako kay Mr. Xy!", nanggagalaiti sa galit na sabi ni Mister C.
Pilit naman siyang pinapakalma ng mga kasambahay nila. Nang bahagyang kumalma na si Mister C ay nagmaneho na ito patungo sa kinaroroonan ni Mr. Xy. Tahimik lamang sina Sabiana at Firona sa kabuuan ng kanilang biyahe.
"Mr. Xy, pasensya na po at nahuli kami sa pagdating. Nagkaroon po kasi ng--"
Pak!
Halata sa mukha ni Mister C ang pagkabigla at ang pagtitiis sa sakit ng sapak ni Mr. Xy. Hindi isip akalain ng mga bata na ganoon katindi ang taong kumupkop sa kanila. Nanginig naman ang kalamnan ni Firona nang tapunan sila ng tingin ng mala-demonyong amo ni Mister C.
"Bakit dalawa lang sila? Nasaan 'yong iba?!", malakas na sigaw nito.
Natakot si Sabiana at napahawak sa tagiliran ni Firona. Hinayaan niya naman ito at hindi inalis ang tingin sa lalaking mukhang nasa mid 20's pa. Napansin nito ang tikas ng kaniyang pangangatawan. Napakahusay din ng pagkakahulma ng kaniyang maamong pagmumukha. Ngunit, masama ang ugali nito. Masamang masama.
"Mga palpak! Ngayon, kailangang maging sobra pa sa magagaling ang dalawang iyan! Dahil kung hindi, 'di ako magdadalawang isip na palayasin kayong lahat! Mga walang kwenta!"
...
Napailing na lamang si Firona sa kaniyang natandaan. Bigla siyang tumayo na siyang ikinagulat ni Sabiana. Nagtungo siya sa kusina upang kumuha ng maiinom, nakasunod naman sa kaniya 'yong isa.
"Okay ka lang ba?", nag-aalalang tanong si Sab.
"Ewan ko pero, sa palagay ko sina Reg 'yong nasa tv kanina.", sagot ni Firona saka uminom ng tubig.
"Oh, ano naman sa'yo?", nagtatakang tanong nito.
"Alam mo, kahit kailan ang tanga tanga mo talaga. Isipin mo nga, kung babalik sila dito, magkakaroon na tayo ng kahati sa lahat ng kayamanang meron tayo ngayon. Hindi naman ako nababahala na baka mas magaling pa sila sa atin, kasi alam ko na mas mahirap ang mga training natin. Ayoko lang talaga na magkaroon pa tayo ng kahati sa lahat ng ito.", mahabang paliwanag ni Firona.
"Madali lang naman 'yan e. Huwag na lang nating sabihan sina Mister C at Mr. Xy na nahanap na natin sila.", suhestiyon ni Sabiana.
"Sino ang nahanap ninyo?", biglang pagsagot ni Mr. Xy mula sa pinto.
Napatigil sa paghinga ang dalawa. Seryoso ang ekspresyon sa guwapong pagmumukha ng taong kumupkop sa kanila ngunit kahit kaila'y hindi itinuring na magulang. Sa halip ay naging amo pa nila ang dambuhalang ito na tila ba'y hindi tumatanda. Napakaguwapo pa rin nito at ang katawa'y lalong kumisig sa paningin ni Firona.
"Bakit hindi kayo makasagot?", nagtitimping tanong ni Mr. Xy.
"Alam na namin kung nasaan sina Reg.", agad na sagot ni Firona na siyang ipinagtaka ni Sabiana.
"Kung gayon, ipaalam n'yo kay C na siya ang kukuha sa kanilang tatlo. Kailangang bumalik ang mga babaeng iyon sa mansyong ito.", mariin nitong saad saka umalis.
"Bakit mo sinabi 'yon?", desperadang tanong ni Sabiana.
"Hindi ka ba nag-iisip? Kung hindi natin sinabi ang totoo, posibleng tayo pa ang mapalayas rito dahil one way or another, malalaman at malalaman din nila ang tungkol sa letseng Reg na 'yan.", tiim-bagang sagot ni Firona.
"Ano nang gagawin natin ngayon?", tanong pa niya ulit.
"We get rid of them."
BINABASA MO ANG
Transforming Angels Into Demons
Ficção GeralPaano kung ang babaeng sa unang tingin ay tila mala anghel ay may tinatago palang dilim sa kanyang pagkatao? Matatanggap mo kaya ang isang babaeng natatangi sa ganda, ngunit nakakasindak sa sama? Subaybayan ang limang maririkit ngunit mababagsik na...