Si Pristes Mortisya
Tama.. Ginamit lang ako ni Konswelo.
Pinaniwala niya ako na mahal niya ako dahil anak niya ako. Pero lahat pala ng iyon ang isang kasinungalingan! Sinungaling ka Konswelo!Tinanggal niya lahat ng mga emosyon ko. Nawalan ako ng abilidad na maging masaya, maging malungkot, magalit, at higit sa lahat magmahal.
Pero hindi naialis sakin ni Konswelo ang kakayahan ko na magtaka. Kaya noon pa lang ay nagtataka na ako kung bakit ginawan ko ni Roman ng tula at pulseras na gawa sa Perlas.Asawa ko nga si Haring Ramon Fabio, pero wala akong maramdaman para sa kanya..kahit minahal niya ako ng sobra.
Ang naaalala ko lang ay nais kong ibigin din si Roman kaya ikinagalit ito ni Konswelo. Hadlang si Roman sa kaniyang mga plano kaya ikinulong niya ako sa isang kubo.
Ano ba Toradel?! Pilitin mo pang alahanin yung iba! Alam ko may kasunod pa.
At muli ko ngang naalala na gumawa ako ng isang libro. Dahil sa kapangyarihan ko ay nagdesisyon ako na muling isulat ang kapalaran ko.
Pero hindi na maalala kung ano yung dahilan.. Bakit ko ba ginawa yun?! Bakit ko muling isinulat ang kapalaran ko?Ngayon nagkakaroon na ng kaliwanagan ang lahat. Yung libro ko na Gasuklay ay ang libro na ginamit ko para baguhin ang kapalaran ko.
Ngayon malinaw na sakin ang lahat kung bakit lahat ng mga nakasulat sa libro ay nangyayari din sa buhay ko. Sigurado ako na si Konswelo ang may pakana at plinano na ilibing sa lupa yung aking libro.Napakawalang hiya niya..niloko lang niya ako!
Nagmadali akong bumalik sa palasyo, dumaretso ako sa Hardin para muling hukayin ang libro ko. Nakasalubong ko si Armando at hiniram ang kaniyang espada, ito ang ginamit ko para mahukay ko ang libro.. Dito, sa tabi ng balon. Dito ko inilibing ang libro na naglalaman ng kapalaran ko.
Sa aking paghuhukay ay wala akong nakita, nawawala ang libro ko! Sinong kumuha?!(Ang hindi alam ni Reyna Tora ay hinukay ni Roman ang kaniyang libro. Nasa loob lamang ito ng silid-aklatan na binabantayan ni Luna Amora.
At muling nabago ang nakasulat na kabanata sa loob ng libro. Ang nakasulat ay muling maaalala ng lahat kung sino ang kanilang Kamahalan..
Ibabalik ni Roman ang trono sa Tora at siya na muli ang magiging Reyna.
Labis itong ikinagalit ni Konswelo, naghahanda na siya para magpakita sa Reyna. Hindi gumana ang plano niya na gamitin si Ismael para saktan ang Reyna.. Ngayon ay nagbabalik na siya at muling naalala ang nakaraan niya)
(Mga Pananaw ni Toradel/Toradel's POV)
Sinong kumuha ng libro ko?! Sino?!
Sa likod naman ay biglang may tumawag sa aking pangalan.. Paglingon ko ay si Ismael pala.
"Toradel.. Patawarin mo ako, hindi ko alam kung ano ang aking ginawa sa iyo. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, parang mayroong kumokontrol sa katawan ko" paliwanag ni Ismael at lumuhod pa sa harapan ko. "Tumayo ka dyan.. Mababaw lang ang ginawa mo kumpara sa ginawa niya sakin" nagtataka si Ismael at tinanong kung sino ang tinutukoy ko.
Isa lang naman ang tinutukoy ko.. Walang iba kundi si Konswelo!
(Nakikita ni Konswelo ang mga ginagawa ni Reyna Tora. Nag-iinit ang ulo niya dahil hindi niya napigilan ang Reyna at bumalik ang mga alaala niya.
Nakaisip ng plano si Konswelo, kung hindi epektibo ang pagkontrol niya sa katawan ni Ismael.. Ay iba na lamang ang gagamitin niya. Isang kaibigan na malapit kay Reyna Tora.. walang iba kundi Pristes Mortisya.
BINABASA MO ANG
Gasuklay
Fantasy"Kung may pagkakataon ka na baguhin ang buhay mo, muli mo bang isusulat ang kapalaran mo?" Kilalanin si Toradel. Siya ang nag mamay-ari ng libro na 'Gasuklay' ang pamagat. At nang binasa niya ito ay kaniyang napagtanto na kuwento ito ng kaniyang buh...