Chapter 27: Mad

765 36 2
                                    

Quence's Point of View

    MAAGA pa lang gising na ako at ganon din si mommy. I sighed when I saw her wearing her thick jacket before combing again her hair. Nang makita niya ang mataman kong pagtitig sa kaniya, tinaasan niya ako ng kilay sa nagbibirong paraan pero hindi ko iyon pinansin. Bagkus tumayo ako mula sa sofa para lapitan siya.

"Sasama ako." Giit ko muli kahit alam ko naman na mapupunta lang ito sa pagtatalo namin dalawa.

"I already told you, tatlong araw lang akong aalis at babalik din agad ako. I really need to go back for an important thing to be discussed. This is not about any kind of stupid issue, Quen. This is my business' issue, kaya huwag ka ng sumama." Tila nauubusan na naman siya ng pasensya dahil sa pangungulit ko.

But I can't take it! Narito ako at babalik siya sa Manila? This couldn't give me a peace of mind! What the heck? Mabilis lang lumipas ang oras, alam ko, pero ang tatlong araw na aalis siya parang matagal na yon. I know I'm just overthinking na baka magkita sila ni.. dad. Na baka maapektuhan na naman siya. Ngunit sumagi rin sa isip ko, narito nga pala kami dahil sa inilalayo niya ako sa ama ko. Natatakot siyang kunin ako at ilayo sa kaniya, natatakot siyang piliin kong mabuhay naman ngayon kasama ang ama ko.

Kaso hindi pa rin ako matatahimik!

"Mom—"

"Shut up, princess." Then she glared at me. And smiled afterwards.

Lumabas ng kwarto si nanang Gina dala ang isang backpack na hindi gaanong malaki pero alam kong naroon ang mga importanteng gamit ni mommy.

"I am your mommy, I know what's good for you as well as for me. This is your summer vacation and I saw you're having fun with your friends, right? Baka pagbalik mo dito ay siya naman na pag-uwi nila kaya dito ka na lang para mas maenjoy mo ang summer. I don't want you there, mas lalo akong hindi mapapanatag. Here, I can have a peace of mind, alam kong safe ka dito." Masuyo ngunit may diin niyang saad.

Muntik nang tumirik ng mga mata ko nang banggitin niya ang salitang "safe" na parang may mga masasamang tao na kukuha at maglalayo sakin sa kaniya sa oras na sumama ako pabalik.

Nanang Gina will stay with me. May kasama naman ako pero iba pa rin naman kung narito siya. I understand this must be an important issue, dahil kilala ko si mommy, hindi iyan padalos-dalos sa mga bagay-bagay. Paniguradong kumbisido siyang kailangan niyang bumalik ng Manila dahil sa mabigat na rason. Isa pa, maghapon kong kasama sila Loisa at kagabi ko lang nalaman na aalis siya, mukhang wala pa siyang balak na sabihin sakin kung hindi ko lang naabutan ang pag-impake niya sa ilan niyang mga gamit.

Hindi ko na iyon pinilit dahil kagaya ng pangyayari kagabi, hindi pa rin siya papayag na sumama ako. I sighed and nodded, feeling defeated all of a sudden. Ngumiti naman siya at marahan na hinaplos ang buhok ko at kinuha kay nanang Gina ang dadalhin na backpack.

I'm wearing terno pajama and I'm planning to escort her outside. Alas kuatro pa lang at masyado pang maaga pero nagpareserve na si mommy kagabi ng bangka para maghatid sa kaniya. Kailangan maaga pa siyang umalis para maaga din siyang makarating.

"How can I call you then?" I asked her confused when we are walking in the stonepath.

Tumawa naman siya. "You are really worried for me, huh? Mayroong automobile sa reception area at tumatanggap sila ng tawag mula sa mga importanteng tao. I'll call you tonight, pumunta ka doon mamayang gabi para makausap ako."

Gusto ko din matawa. Automobile? Bakit hindi ko man lang iyon naisip? Of course hindi pwedeng wala talagang koneksyon ang Island sa ibang lugar, paano kung magkaroon ng problema? Huli na para malaman ko iyon.

Say No And I'll Kiss You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon