Kabanata 8

487 18 0
                                    

Hindi pa din ako mapanatag sa sinabi sa akin ni cassandra.Ilang linggo na ang nakalipas at okay naman kami ni drake, pero sa tuwing maiisip ko bigla ang sinabi sa akin ni cassandra ay bigla akong nawawala sa mood.

Malapit na matapos ang 1st sem kaya nagrereview ako para sa test namin bukas. Pero hindi ako makapag-focus dahil nag-ooverthink nanaman ako.

It is so hard to feel that the someone you love is hiding something from you.

I love drake, pero sapat na ba yon para mag-tiwala ako?....

"Shutek beshie, napakahirap ng business math mas nadalian pa ako sa general mathematics", maktol ni aira habang nakain

"Dapat kasi nag-aral ka beshie para hindi ka nahirapan",pambabara ko sakanya

"Excuse me Ms.Bartolome,balang araw magiging sikat ako na author kahit bagsak ako sa business math!, promise yan!",taas noong sinabi ni aira

Natawa na lamang ako sa sinabi niya at nakita ko si drake na bumibili ng pagkain habang kasama si cassandra.

"Beshie 3 o'clock", senyas ko sakanya

"Oh my balasubas na bayabas!, anong ginagawa ni drake? bakit kasama niya ang impaktang yan?",nanggagalaiting sinabi ni aira

"Hayaan mo na baka nagpasama lang si cassandra",umiwas na ako ng tingin at kumain na lamang

"Konting-konti nalang beshie ah,una di niya agad sinabi na magkababata sila, pangalawa bigla nalang niyang naging partner sa pageant, pangatlo kasabay na niya mag-lunch, baka naman madami pa yang surpresa si drake ah!",galit na sinabi ni aira

Tama si aira. Tama si cassandra.Pakiramdam ko may tinatago pa sa'kin si drake.

"Cassandra told me na wag basta basta magtiwala sa mga taong nasa paligid ko and hindi ko alam ang ibig niyang sabihin", nag-aalala kong sinabi

"Maybe she gives you an idea to tell you the truth that is hiding from you",she replied

"I'm really paranoid aira,I don't know what to do",nawalan ako ng gana kumain kaya sinabi ko muna kay aira na gusto kong mapag-isa

Naglalakad ako ngayon papunta sa rooftop ng school. Bawal pumunta dito dahil delikado, hindi pa nalalagyan ng harang sa bawat gilid pero wala namang makakaalam na nandito ako.

"Hoy! Bakit ganito!?"

"Gusto ko lang naman maging masaya, gusto ko lang naman mag-mahal na hindi nagdududa!"

"Gusto kong magtiwala dahil mahal ko!"

"Bakit ang gulo gulo mag-mahal"

"Bakit hindi ko pa alam ang katotohanan nasasaktan na ako!"

Patuloy lang akong sumisigaw hanggang sa mailabas ko lahat ng mga nasa utak ko na nagpapahirap sa'kin.

"Ingay! patapos na ako dito sa pinapanuod ko wag kang maingay!", sigaw ng lalaki sa likod ko

Anak ng flying dinosaur, lupa kainin mo ako!!!

Hindi ko alam kung lilingon pa ba ako o tatalon nalang dahil sa kahihiyan.

"A-ehh, sorry po", paglingon ko ay nakita ko si estevan habang nakain ng ice cream at nanunuod sa cellphone niya.

"Estevan!!!", sigaw ko

Hindi ko alam kung masaya ba akong nakita siya or baka masaya ako dahil siya lang ang nakarinig ng mga sinigaw ko kanina at alam kong hindi naman siya madaldal.

"Ano nanaman!?", tanggal niya sa earphone niya na halatang naistorbo

"Wala nuodwell!!", sigaw ko sakanya sabay taray.

At talagang bumalik nga siya sa panunuod, nilapitan ko siya para tignan ang pinapanuod niya.

Isa itong batang babae at medyo binatang lalaki na naghahabulan sa dalampasigan.

"Ano yan?", tanong ko

"Anime", sagot niya

Sana naman binigyan ang taong ito ng katinuan sa buhay.

"Anong title!?", sigaw ko

"Aray!",sabay hawak niya sa tenga niya na halatang narinde

Bumungisngis lang ako dahil nakaganti ako sa kasupladuhan niya

"Bakit gusto mo malaman? wala ka namang hilig sa ganito", sambit niya

"Curious ako eh, atsaka baka malay mo panuorin ko diba?",katwiran ko

"Grave of the fireflies", sagot niya

Marinig ko palang ang title parang ang lungkot na.

"Bakit grave of the fireflies ang title?", tanong ko

"Panuorin mo para malaman mo, atsaka pwede ba umalis ka na dito malapit na ako matapos oh",masungit niyang sinabi

"Tse! kala mo ikaw may ari nito, maka-alis na nga!",nag-dabog akong umalis ng rooftop

Hmp! napakasuplado talaga ng lalaking iyon. Saan kaya yon ipinaglihi, sa sama ng loob?

Never Fall In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon