Sam's P. O. V
Inihatid kami ni Rhed sa bahay at ng binuksan ko ang pinto ay siyang salubong ni ate.
"Hoy kanina pa kita tinatawagan ah? Anong oras na?! Uwi paba yaan ng matinong babae? " bungad niya.
"Ate natawagan mo nga ako, hindi mo pa tinignan sa phone mo yung oras at sa akin kapa nagtatanong?" inis na singhal ko.
"Eh kung kutosan kaya kita diyan? "
"Eh kung bigwasan kita? " bawi ko. "May bwisita dito, hindi ka man lang mahiya." sabi ko sabay tingin sa kanya na masama na ang tingin.
"How dare you? " mataray niyang sabi.
" Anong how dare me? Dare me, diyan ka sa kalsada matutulog" Hamon ko, naitikom niya naman ang bibig niya at saka nag pout.
"Sino ba yan? Gabi na may bisita ka parin? " Direderetso na akong pumasok at hindi na siya pinansin. "OMG! Shekaina!!!" bigla niyang tili.
"Ate Ashley! Huhuhu, I dont even know its you, i didn't recognize your voice"
Wait? Magkakilala sila? Tsss.. kaya pala,parehong maarte.
"Yeah! Samantha, hindi mo man lang sinabing si Shekaina ang bisita mo?!" baling sa akin ni Ate pagkatapos ng kaartehan nila.
"Aba malay kong magkakilala kayo?" walang ganang sabi ko.
"Im so sorry for my sister, pasok ka."
"I didn't even know that you have rude sister?! Tch! "
"Baka kung hindi dahil sa akin sa kalsada kana matutulog ngayong gabi? Tapos ganyan kana ngayon dahil safe kana kasi ka kilala mo ate ko"
"Sam! Stop it" suway ni ate.
Padabog akong umakyat patungo sa kwarto ko at doon nagsisigaw.
'Nakakainis ka talagang babae ka. Arghh'
Nasa kalagitnaan ako ng pagmumukmok ko ng biglang may kumatok.
"Sam? Pwedeng pakidala itong mga gamit kay Shekaina? Gagawa lang ako ng mid night snacks."
"Bakit hindi nalang siya ang palabasin mo? " Nakahiga paring sabi ko.
"She's taking a bath"
'Arghh.. I hate doing this!'
Binuksan ko ang pinto at hinablot ang gamit na hawak niya. Inis naman akong pumunta sa kwarto ni Shrek.
'Oo Shrek. Dahil kamukha niya'
Walang pasabi akong pumasok ng deretso sa kwarto niya na siyang labas niya naman sa banyo.
"What the hell? " Sigaw niya at hinawakan ang twalyang nakatapis sa kanya.
"Anong akala mo sa akin manyak?" Taas kilay kong sagot, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Kala mo naman maganda ang katawan, mukahang bangkay naman. " Bulong ko pero sapat na iyon para marinig niya.
"What the heck did you say? " Asar na sabi niya.
"Sabi ko, hindi na nga maganda, bingi pa! " Walang ganang sagot ko. "Oh Shrek ito na yung mga gamit mo, pagkatapos mo diyan bumaba kana para sa mid night snack" Saka ko siya nilayasan.
Pagkatapos naming mag mid night snacks, bumalik na ako sa kwarto ko at nagsipilyo saka naghanda para matulog.
Nagising ako sa ingay ng alarm ko, kaya pupungay pungay akong tumayo para maligo.
Pagkababa ko nakita ko agad ang mukha ni Shrek. Naupo na ako at hinintay nalang ang pagkain sa lamesa.
"Oh? Good morning!" gulat na bungad ni Ash.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Completed)
RomanceLove Episode #1 Love is a choice, love is complicated, love is the hardest part of our lives..yet it is the best feeling..and love is unpredictable and unexpected.. Ang kwentong ito ay tungkol sa hindi inaasahang pagmamahal, pagmamahal na hindi inaa...