*Saturday*
Nagising na lang ako sa alarm ko. Aalis kami ngayon ni Ciara eh. Bumaba ako para mag almusal. Nakita ko naman si mommy na nagluluto.
"Good morning mommy!" Lumapit ako sa kanya para i-hug sya sa likod.
"Good morning din anak. Antayin mo na 'to. Matatapos na din akong magluto."
"Okay po."
Pumunta na muna ako sa salas para manood ng tv. Madami pa naman akong oras mag prepare, tsaka dadaanan naman ako dito ni Ciara. Lipat lipat ng channel. Wala naman magandang palabas eh.
"Nak! Okay na yung pagkain. Kain na tayo."
Pumunta na ako sa dining area para kumain kasabay si mommy. Nagluto lang naman sya ng sinigang. THE BEST SINIGANG IN THE WORLD. Hehe. Sobrang sarap kasi magluto ni mommy eh. Mapa-anong ulam, masarap talaga.
"Mommy, the best ka talaga magluto! Hahahaha."
"Naku, eto talagang dalaga ko, nambobola pa. Kumain ka na lang jan."
*may kumatok sa pinto*
Tumayo ako para buksan yung pinto. Ay, si Ciara pala andito na.
"Oh Ciara! Pasok ka muna."
"Good morning po tita!" Pumunta naman si Ciara kay mommy para mag mano.
"Oh hija, good morning din. Halika, kain tayo. Ngayon pa lang kami nag aalmusal ni Sandra eh."
"Sige po tita, kumain na po ako hehe. Thank you po."
Dumiretso na muna si Ciara sa salas at dun muna sya naghintay sakin. Matapos kong kumain, nag toothbrush ako at dumiretso sa kwarto para kunin na yung mga gamit ko.
"Mommy, aalis lang po kami ni Ciara. Balik din po ako bago mag gabi."
"Sige anak, mag iingat kayo ha?"
"Opo mommy. Labyu!" Lumapit ako kay mommy para i-kiss sya sa cheeks.
"Tita, alis na po kami. Thank you po!" Lumapit naman si Ciara kay mommy para mag mano ulit.
Nag commute kami ni Ciara papuntang mall. Jeep na lang ang sinakyan namin kasi mas mura. Ang mahal kasi kapag nag taxi pa kami eh.
*mall, sa isang boutique*
Naniningin lang ako at si Ciara ng mga damit, though wala naman akong balak bumili. Haha.
"Sandra! Ano mas bagay?" May pinakita syang dress na light blue with white print. Simple lang sya na casual dress. Yung isa naman ay pink dress na floral ang design.
"Hmmmm, mas bet ko yung pink. Mas bagay sayo eh."
"Talaga? Sige, thank you!" Bumalik na sya sa section nung mga dress.
Maya maya pa, tinawag na nya ako kasi mag babayad na sya. Matanong nga kung para saan.
"Nga pala Ciara, para saan nga pala yan? Bakit ka napabili ng dress?"
"Ininvite kasi ako nung family ni John sa dinner. Eh ang papangit ng dress ko sa bahay, kaya napag isipan ko na bumili na lang."
"Ahh. I see." Nacurious lang naman ako hehe
Naglakad lakad muna kami dito sa mall. Magpapalamig na din, ganun. Pero maya maya pa ay napagdesisyunan namin mag meryenda ng Ice Cream. Cookies n' Cream sakin, at chocolate naman kay Ciara.
YOU ARE READING
I Fell In Love With My Enemy
ФанфикDati pa lang kinaiinisan mo na sya dahil sa lagi ka nyang inaasar at lagi ka nyang trip. Pero sa kabila pala nito ay may tinatago pala syang feelings sayo. Hindi sya maka amin ng dahil sa pag ka torpe nya. What if bigla syang umamin sayo at handa da...