Sabado ngayon at kagigising ko lang.Sinabihan ako ni mama na may bisita daw ako sa baba kaya agad akong naligo at nag-ayos ng sarili.
Pagkababa ko ay nakita ko si drake na umiinom ng kape sa kusina.
"Drake", tawag ko sakanya
"Portia,sorry nagising ka ba dahil sa'kin?, sabi ko kay tita wag ka munang gisingin baka inaantok ka pa", nag-aalala niyang sinabi
"Nako hinde, sakto nagising din ako ng sabihan ako ni mama na nandito ka", umupo ako sa tabi niya
"Gusto ko lang sanang ayain ka pumunta sa park? picnic?", aya ni drake
Hindi pa man kami nakakapunta ay natuwa na agad ako sa sinabi niya.
"Tara isama natin si aira", masaya kong sinabi
"Nasabihan ko na siya at tinanggap niya kahit nagtatampo daw siya sa'kin, ewan ko ba sa babaeng yon",napapailing na sinabi ni drake.
Nako naman si aira masyadong halata
"Ahh ganun talaga yon, tinotopak minsan", palusot ko
"Nasa motor ko na sa labas mga pagkain natin,ano? tara na?",aya niya sa'kin
"Tara", masigla kong sinabi
Sa lahat ng mga negative thoughts ko kahapon ay napalitan ng saya ngayong araw. First time ko lang kasi makakapag picnic kasama ang mga kaibigan at ang manliligaw ko.
Nagpaalam ako kela mama at papa at agad silang pumayag.
"Mag-iingat kayo ah, drake ingatan mo ang unica hija namin", bilin ni papa
"Opo tito, makakaasa po kayo", sagot ni drake
Lumabas na kami ng pinto at sumakay na ako sa motor niya.
Naalala ko nanaman ang unang beses na umangkas ako sa motor niya, napakasaya ko nun, ayun ang pinakaunang beses na naramdaman kong sobrang laya ko.
Niyakap ko patalikod si drake habang nagdadrive siya ng motor. Sobrang sarap sa pakiramdam na yakap yakap mo ang taong mahal mo.
"I love you portia",he said
Mga ilang segundo ang lumipas saka ako nag-salita, pinag-isipan ko ng mabuti kung tutugon ba ako sa sinabi niya.
"I love you too drake", mahigpit ko siyang niyakap patalikod
Mahal na mahal ko si drake,kung magkakaroon man ako ng pagkakataong magtanong sakanya na kaming dalawa lang about sa sinabi ni cassandra,agad kong gagawin ito.
"Ang tagal niyo", pagmamaktol ni aira habang pawis na pawis
"May masisilungan naman don bakit hindi ka pumunta", tanong ko sakanya
"Eh super daming madlang people eh", sagot niya
Nilatag na namin ang picnic mat at nilagay na ang mga nahandang pagkain ni drake.
"Alam niyo gawin natin to palagi, ang saya kaya ng ganito, busog ka na magkakabonding pa tayo", masayang sinabi ni aira
Natawa nalang kaming dalawa ni drake habang pinapakinggan siya sa mga sinasabi niya.
Mag-hapon kaming nagkwentuhan at nagtawanan. Nagkwento ang isa't isa tungkol sa mga masasayang nangyare noong bata sila.
"My mom and dad bought me huge chocolate cake for my birthday, grabe isang linggo namin kinain yon",kwento ni aira
"Ako nalaman kong buntis si mama sa magiging kapatid ko sana pero nakunan siya kaya hindi ako nagkaroon ng kapatid", kwento ko
"Hindi naman masaya yan eh!", reklamo ni aira
"Pero sobrang saya ko nun dahil natupad ang pangarap ko, pero masyado siyang mahal ni lord kaya kinuha siya agad kahit hindi pa siya napapanganak", tumingala ako sa langit at ngumiti
"Unang beses kong nakita ang step brother ko,sobrang laki ng pagkakaiba namin pero sobrang saya ko nun na makilala siya, pero kalaunan hindi ko na din gustong nakita pa siya",kwento ni drake habang malungkot ang mukha
May step brother pala si drake, mukhang madaming bagay pa nga akong hindi nalalaman tungkol sakanya.
"Bakit ako lang mababaw kasiyahan sainyo,pero akin pinakadabest", mayabang na sinabi ni aira
Tumawa nalang kaming lahat at tinuloy ang kwentuhan kahit iba iba na ang topic.
Sumapit na ang gabi kaya nagligpit na kami at nagpasiyang umuwi.Ihahatid ako ni drake sa motor niya at sinundo si aira ni tita grechen.
Kaming dalawa nalang ngayon ni drake ang magkasama, nagpapatakbo pa din siya ng motor niya.
"Drake, pwede ba ako magtanong?"
"Oo naman", sagot niya
Natigil ako bigla dahil pinag-isipan ko kung sasabihin ko ba o hinde
"Kasi drake alam mong wala pa akong nagiging boyfriend kahit kailan kaya ang weird sa pakiramdam na makaramdam ng ganito. Drake may tinatago ka ba sa'kin?",tanong ko sakanya
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko kaya hindi muna ako yumakap sakanya patalikod dahil baka maramdaman niya ito.
Ilang segundo bago siya sumagot
"Wala naman portia, bakit?", tanong niya
Bigla akong natulala at biglang gumaan ang pakiramdam ko, ngayon alam ko na ang totoo, walang katotohanan ang sinasabi ni cassandra para hindi ako magtiwala kay drake. Gusto niya lang kami sirain.
"Wala naman, kung sakaling may gusto kang aminin sa'kin drake wag kang magaalangan magsabi ha?", bilin ko sakanya
"Oo naman", marahan niyang sinabi
Niyakap ko ulit siya at masayang masaya na akong umuwi ng bahay.
Ngayon ay maluwag na ang aking pakiramdam, parang mayroon akong tinik na natanggal dahil sa sagot sa'kin ni drake kanina.
Sa susunod na kausapin ako ni cassandra at magsabi pa ng kung ano anong magpapagulo sa isip ko ay agad ko siyang pipigilan para itigil na ang mga pinaggagawa niya.
Sinisira niya ang relasyon namin, pati na din ako.
BINABASA MO ANG
Never Fall In Love Again
Novela JuvenilNagkaroon ng first love ang isang babaeng "no boyfriend since birth" at akala niya ay pang habang buhay na niyang magiging kasintahan ito, ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti niyang matutuklasan ang katotohanan, kaya't labis siyang nasaktan a...