2018
Malapit na pala ang pasukan sabi ko sa sarili ko habang nakahiga sa taas ng double deck na kama. Medyo kinakbahan lang kasi gawa ng hindi na pala ko elementary, OMGG ang tanda ko na!!! charot! Tas lumipat sa ibang school yung ibang friends pero may mga ilang friends din naman ako dito.
Ako si Angeline Mae Flores at nag aaral sa Florentino University sa Bulacan at maggrade 10 ngayon. May mga kaibigan rin ako na sila Angela, Rose, Mayumi. Sila yung mga best friends ko pero medyo loko loko rin minsan pero mabait naman. May kapatid rin ako na si Angelo Michael Flores na maggrade 8 ngayon.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
June 4, 20185:00 am ako gumising dahil pasukan na namin ngayon at 8:00 am ang start ng klase ko habang si Angelo ay masarap na natutulog dahil 9:00 am pa ang start ng klase nila. Naligo na agad ako at kumain ng breakfast na inihanda ni papa dahil papasok rin sya sa trabaho nya at sabag kami nag breakfast. Pagkatapos ko kumain ng breakfast, saktong nagising na si Angelo at dumiretso sa hapag kainan habang nagpunta naman ako sa cr para mag toothbrush. 7:00 am na ako nakaalis ng bahay para pumasok habang si Angelo ay nasa bahay pa. Hindi kami magkasabay pumasok pero magkasabay naman kami umuuwi sa bahay. Mga 30 mins rin siguro ang byahe papunta sa school pag walang traffic pero pag may traffic 45 oras na, hayysss. 7:30 ako nakarating sa school at agad agad kong tinext ang beshie ko na si Mayumi kung nasan na sya buti nalang nagreply sya agad " nandito kami sa canteen ngayon punta ka dito" ang sabi nya, so dirediretso naman akong pumunta sa canteen. Pagdating ko dun ay agad ko nakita ang mga beshies ko at niyakap agad nila ako at niyakap ko din naman sila pabalik. 7:50 am umalis na kami ng canteen para pumunta sa classroom namin, si Angela at Rose ay nasa section B samantala kami naman ni Mayumi ay nasa section A kaya magkahiwalay kaming apat. Pagpasok namin sa room ay halos puno na ang room buti nalang nakahanap agad ng pwesto si Mayumi sa bandang harapan kaya dun agad kami umupo.
Ilang sandali pa, pumasok na ang teacher namin na si ma'am Cess na adviser namin at agad syang bumati samin na "Good morning 10-A" at bumati rin kmi sakanya na "Good morning ma'am Cess, it's nive to see you god bless you" yun lagi ang greet namin pag may pumasok na teacher sa room namin. At inilapag nya ang hawak na platic folder dun at nagsimulang magdiscuss, medyo mahirap rin ang English pag grade 10 pero kayang kaya ko naman. Halos 50 mins syang nag discuss habang nakikinig kami sakanya. Dumating na yung math teacher namin at nagsimulang magdiscuss medyo nahirapan kami kasi ang daming formulas na dapat kabisaduhin kaya naman sinulat ko sa notes ko yung mga formulas. Sabi rin nila may inaasikaso yung Filipino teacher namin kaya hindi daw makakapunta kaya imbis na 10:30 pa yung recess namin 9:40 palang nag recess na kami, mahabahabang kwentuhan pa bulong sakin ni Mayumi at tumawa kaming dalawa. Nag text nalang ako kay Rose na naghihintay na kami ni Mayumi sa library dahil maaga amg recess namin at "ok sige, see u" ang reply nya. Habang nasa library kami nakita ko si Angelo kasama ang mga ka-tropa nya agad naman lumapit sy sakin at sinabing bat nandito kami sa library eh may klase pa daw kami sabi ko naman "may ginagawa kasi yung Filipino teacher namin kaya maaga ang recess namin" napatango lang sya at umalis, bakulaw talaga yang kapatid ko pero ang daming mga babae na nagkakagusto sakanya eh ang panget nya naman HAHAHAHA! Nakita na rin namin sina Angela at Rose na kumakaway sa labas ng library kaya lumabas na kami. Dapat pupunta kami sa canteen kaso madaming tao kaya naglakadlakad muna kami sa court. Wala masyadong tao kasi nagkklase pa yung iba. Nakahiwalay rin yung Elem building kaya di masyado maingay.
3:10 pm na at katatapos lang ng last subject namin pero 3:45 pa ang labas ng kaptid kong bakulaw HAHAHA! Si Mayumi ay may kapatid na si Camille maganda maputi at medyo chubby na kaklase ni Angelo. Pinuntahan ako ni Angelo sa may canteen at sinabi ko na umuwi na kami dahil may assignment pa kami sa Science at pagod rin sya kaya umuwi na kami.
Nagjeep kami ni Angelo papunta sa gate ng subdivision namin at sumakay ng tricycle papunta sa bahay namin mga 10 mins rin ang byahe pauwi sa bahay. Iilang minuto lang at nakarating na kami sa bahay nakalock ang gate dahil nagpunta si mama dun sa office nila, buti nalang may duplicate rin ako ng susi ng bahay para makapasok. Pagpasok namin sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit na pangbahay at bumaba ako para dalhin sa kwarto ko ang aso naming si Happy habang ang bakulaw ay nasa kwarto nya at natutulog. Inayos ko ang study table ko at yung closet ko kasi di ko na naligpit kaninang umaga habang nasa upuan naman si Happy at nakaharap sa tv. Habang nagliligpit ako ng gamit narinig ko na may nag doorbell sa gate namin at agad akonv bumaba para tignan kung sino yun at sumunod sakin si Happy, nakita ko si ate Faye na nasa labas ng bahay namin. Si ate Faye ay school mate ko na grade 11, naging close kami nung grade 8 pa ko dahil dun sa crush ko na classmate nya at yung classmate ko na crush nya HAHAHA! Hanggang ngayon di ko parin nakalimutan kung pano ako pinaasa nung kaklase nyang si Adrian, nakakaloka talaga yung mga pangyayaring yun hindi ko rin alam bakit ko nagustuhan yun eh magaling sya sumayaw pero ang attitude nya nakoooo 0% like ewwww... So yun nga nasa labas ng bahay namin si ate Faye at sinabing pinapabigay daw ng mama nya yung spaghetti with chicken samin dahil daw may nagpaluto sa mama nya ng mga pagkain at agad ko namang tinanggap kasi nakakahiya naman so yun, kinuha ko yung pagkain at nilapag sa dining table namin at sinarado yung gate. Nakatira sila ate Faye sa kabilang kanto kaya malapit lang sila samin at matagal ng kaibigan ni mama yung nanay ni ate Faye dahil magkatrabaho sila noon sa isang factory ng mga damit. At narealize ko 5pm na at hindi ko pa nagagawa assignment ko sa Science at sinagutan ko na yun at di ko namalayan nakatulog na pala ako. 7pm nung ginising ako ni Angelo para mag dinner at natauhan na rin ako pagdating ko sa baba andun narin si mama at papa naghihintay. Kumain na kami ng dinner kasama yung spaghetti with chicken na binigay ni aye Faye kanina. Nag jack en poy naman kami ni Angelo Kung sino ang maghuhugas ng mga pinggan at syempre sya ang natalo so sya ang maghuhugas HAHAHAH!! (gotcha bakulaww!) Habang dali dali ako nagpunta sa kwarto ko at nag Fb muna saglit at manood ng movie. At di ko namalayan, nakatulog na pala ako (goshhh)
Continue reading :> hope u enjoy!
YOU ARE READING
Bestfriends
Teen FictionPs: Ang istoryang ito ay kathang isip lamang.. Enjoy reading! :>