"Angelica, malayo pa ba tayo?" Tanong ko sa kanya. Grabe nakakahaggard naman itong panahon ngayon!
" Malapit na. Nandito na nga tayo eh - manong para!" Sigaw nito at tinuktok ang barya sa hawakan ng mga kamay ng mga pasahero sa jeep.
Bumaba kami at pumara nanaman ng pedecab.
Lib lib naman ng bahay ah hihi.
"Manong oh" sabi ni Angelica at inabot ang bayad kay manong driver.
_______
Woah! Napakasimple lang ng bahay nila pero napaka attractive din naman.
"Uy, tutunga tunganga ka lang ba diyan? Tara na" Tanong ni Angelica at hinila ako papasok sa loob ng bahay nila.
Pati sa loob ng bahay nila ay parang pang mayaman na ang datingan.
I mean, wala naman silang malaki na chandaleir, tv, at space. Pero ang napapaganda nito ay ang mga malilinis nitong sala at dining. Tila ba pang modern yung datingan. Yun nga lang, halos puti lahat except nalang yung mga gamit ng kitchen, sofa, at tv.
"O, nak, napaaga ka ata mg dati- teka, bakit ganyan yang damit mo? May nambully ba nanaman sa 'yo?" Tanong ng mama nya at may taka na humahalo sa auro nito.
Spooky....
"Ma, wala to, okay lang po ako. Nagkaroon lang nang sira yung gripo ng cr namin kaya ako nabasa. Magbibihis lang po ako ma" Sabi ni Angelica at pumunta sa kanyang kwarto.
"And of course, ma paki alagaan yang si Syrill. Baka san pa mapunta" dagdag pa nito na natatawa at tuluyan nang sinara pinto ng kwarto nya.
Uupo na sana ako sa sofa nang biglang magsalita ang mama nito.
"O, hija, gusto mo ba ng pagkain? May niluto akong adobo, gusto mo?" Alok ng mama ni Angelica.
Nakakahiya naman kung papayag ako, baka sabihin nyang nandito ako para lang makikain. Pero mas nakakahiya namang tanggihan ko sya, baka isipin nyang may lason yung pagkain nya dahil ayaw ko.
Nakakalito!
"Ahhh uhmm" magiisip pa sana ako ng dahilan kaso biglang tumunog yung walang hiya kong tyan.
Hoy tyan tumahimik ka
Nakakain ka na kanina pero manghihingi ka nanaman.
Tss.Napahinto ako sa pagiimahinasyon ko nang makita ko ang mama ni Angelica na tumawa.
"Ahahaha. Ang tiyan mo na ang may sabi. I'll take that as a yes" tawa ulit nito at tumalikod para sundan ko ito.
Umupo ako sa pinakaunahan ng dining room at naghintay kay Angelica at sa mama nito.
Ilang sandali pa at pumunta ang nanay nito sa dining room, dala dala ang adobong manok.
Gutom na jukinn huhu.
"O sya. Kukuha lang ako ng plato ah. Feel at home ka dapat dito" Sabi ni- ano ba pangalan nya. Tinangon ko ito at sya ay sumagot, "Jeah, Jeah Mae M. Ventura ang pangalan ko"
"Ahhm, salamat po"
Tumawa ito sa sinabi ko. Ano problema ni tita Jeah? Tumango ako at kinuha ang selpon ko upang maglibang libang.Bakit parang may gumagalaw sa baba? Anong nandoon?
Tumingin ako sa baba ng mesa at nakita ang isang aso na para bang tatahulan ako.
"Ahhh! Tulong!" Sigaw ko. Sabi ni tita Jeah feel at home daw, kaya i-fineel at home ko nalang itong sandali. "ANONG NANGYARI!" Sigaw ni Angelica sa itaas.
BINABASA MO ANG
Dare Na Nauwi Sa Truth(On-going)
Roman pour AdolescentsHer name is Angelica Jeanna Ventura. Isang Grade 10 student sa St. Mary National High School. Isang babae na masyadong immature at 'di alam kung anong pinag sasabi. Andaldal kasi. Nang dahil sa isang lalaki na lagi sya ang pinagtritripan at ang tadh...