Chapter 44: So Possesive

1K 36 5
                                    

****

[Lexine's Point of View]

Lumipas ang ilang araw at nagbalik normal ang pangyayari sa aming lahat. Si Danica at Kurt ay bati na rin, back to normal sila, pero may something. Alam mo yun, when you know there is nothing... but there is always something. Ganun ang dalawang yun. Habang si Angel naman at si John Roy ay nalaman nalang namin na sila na pala, kinilig kami nang araw na yun.

"Guys, we, ahm, we need to tell you something.." nahihiyang wika ni Angel nang araw na yun.

Tumaas ang kilay ni Kristelle. "Ano yun? Come on. Don't beat around the bush. Kakain na tayo." As usual, mataray ang tono ng pagsasalita nito, napailing na lamang ako.

Siniko ni Mark si John Roy. "C'mon, dude. Huwag duwag!" tumatawang anito. Sinamaan siya ng tingin ni Johns Roy bago humarap sa aming lahat.

"Girls, Boys, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa... kami na ni Angel.." anito dahilan para manlaki ang mata namin. Tinakpan naman ni Angel ang mukha niya, dahil na rin siguro sa kilig at sa hiya. Nagtilian kami sa loob ng Cafeteria, wala kaming pakialam sa mga taong nakatingin sa amin ng araw na iyon.

Napangiti ako nang maalala ang nakakakilig na pangyayaring iyon. Samantalang si Kris naman ay patuloy pa rin sa panliligaw kay Jess, ngunit hindi pa siya nasasagot nito dahil ayon sa kanya, nagkasagutan daw silang dalawa dalawang araw ang lumipas dahil nagselos daw si Jess sa babaeng may gusto kay Kris na hindi siya tinatantanan. Napailing ako at tumawa.

Si Vince naman at si Kristelle ay okay rin. Minsan ay nakikipagdaldalan na rin si Kristelle kay Vince at si Vince ay tahimik naman. Pero kahit tahimik ay makikita mong interesado siya sa bawat salitang binibitawan ni Kristelle. Si Jeric naman at Ayanna ay going well, going strong, though, hindi namin alam kung ano bang meron sila. While si Val at Loraine, hindi namin maintindihan. Panay parinig sila sa isa't-isa. Well, bahala sila sa buhay nila. Baka dahil jan ay maging sila. Sila Mark at Jeffrey naman ay naghahanap pa raw ng chics. Si Raymart naman ay hindi namin masyadong nakakasama, kasi pagkatapos ng klase ay dederecho siya sa San Francisco International School, isang school rin dito. At doon rin nag-aaral sila Tatat and Adi. Hehe!

Lumipas ang ilang araw at September 9 na ngayon. Ngumiti ako at ipinalibot ang paningin sa kabuuan ng Empire High. Nandito kasi ako ngayon sa Rooftop. Wala lang. Gusto ko lang magpahangin.

"Here you are!"

Boses sa likod ko ang nakakuha ng atensyon ko. Lumingon ako at nakita si Justine na cool na cool na naglalakad. Nakapamulsa siya habang naglalakad at may suot siya ngayong wayfarers. Wow!

"Bakit?" nakangiting tanong ko sa kanya.

Naglakad siya papalapit sa akin at tumabi sa akin. "Wala lang. Namiss lang kita." anito.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Palagi mo nalang akong namimiss kahit araw-araw tayong magkasama.." nakangusong wika ko.

Ngumisi siya. "E, basta. Miss kita araw-araw. Mahal din kita araw-araw.."

Sinapak ko nga siya! "Ang corny mo!" Sigaw ko sa kanya. Pero hindi maitatanggi na ang mga traydong na paru-paro ay nagliparan na namang muli sa loob ng tiyan ko.

Muli kong ipinalibot ang paningin sa kabuuan ng Empire High. Ilang buwan na lang ay iiwan ko na ang Alma Mater ko, gagraduate na ako. Di bale, malapit lang naman 'to sa magiging school ko 'pag college. Kasi kung may Empire High, may Empire College rin. Kaharap lang naman kasi ng Empire High and Empire College.

Perfect Haters (COMPLETED)Where stories live. Discover now